You are on page 1of 2

Posisyong Papel Hinggil sa Pananamit ng mga Kababaihan

Ang kasuotan ay sapin sa katawan at kailanma'y walang kinalaman sa kung bakit


patuloy na tumataas ang bilang ng mga babaeng nababastos at nagagahasa.

Ang kasuotan ay itinuturing na isang napakahalagang materyal lalong-lalo na para


sa ating mga kababaihan dahil bukod sa ito’y nagsisilbing pantakip at proteksiyon ng ating
katawan, naniniwala rin tayong isa itong instrumento upang maipabatid natin ang ating
mga nararamdaman at saloobin. Halimbawa nito’y pagsout ng kulay pulang damit tuwing
Araw ng mga Puso sapagkat sumisimbolo ito ng pagmamahal at ipinahihiwatig din nitong
ikaw ay kasalukuyang nagmamahal at minamahal. Kaya naman sa paglipas ng panahon
ay pansin kung gaano kabilis magbago ang mga estilo ng pananamit ngunit hindi lingid
sa kaalaman nating lahat na kalakip ng mga pagbabagong iyon ang pagdami ng kaso ng
mga kababaihang nababastos at ginagahasa ng mga kalalakihang halos iisa lamang ang
rason pagdating sa presinto, iyon ay tukso dala ng mga nakaka-agaw pansin nitong mga
kasuotan. Kung ating susuriin, mas mataas na ang bilang ng kaso ng panggagahasa
kumpara sa mga naitalang kaso noong 2018 dahil ayon sa datos na naitala ng Philippine
Statistics Authority, umabot na sa nakaaalarmang bilang na 2,162 kaso ng
panggagahasa rito sa ating bansa. Ngayon, totoo nga bang ang paraan ng pananamit ng
isang babae ang dahilan kung bakit siya nababastos at walang awang ginagahasa?

Sa pagkalap ng mga impormasyon patungkol sa isyung ito, aking inilakip ang


opinyon ng isang konserbatibong pamilya na siyang kinalakihan ko at karamihan sa aking
mga nakuhang sagot ay oo, ibig-sabihin sila’y sumasang-ayon dito. Ayon sa kanila, hindi
nararapat ang isang bata o dalaga na maglakad-lakad sa kalsada nang nakasout lamang
ng damit na halos makita na ang kaluluwa sa sobrang ikli o di kaya’y ipaskil sa sosyal
media ang katawan sout ang damit na halos kulang sa tela sapagkat hindi na ito
kagalang-galang tignan at kung ayaw daw mabastos, magdamit ng maayos. Dagdag pa
nila, kahit hindi raw natin aminin sa ating mga sarili ay alam nilang sa tuwing may
nababalitaang kaso ng panggagahasa ay pumapasok pa rin isipan nating “Dapat kase
hindi siya lumabas ng ganoon ang sout”, “Masyado naman kasing maiksi ang kanyang
kasuotan”. Ayon naman sa isang artikulo na nakalathala sa Skilled at Life, may mga
bagay na hindi natin kontrolado tulad ng paraan ng pag-iisip ng isang tao, at kung paano
sila kumilos dahil may sari-sariling buhay tayo, at wala tayo sa posisyong patigilin sila
kung sa simula pa lang ay gusting-gusto na nila itong gawin. Kaya kung ating
pagsasamahin ang mga sagot ng aking pamilya at punto ng artikulong aking nabasa, iisa
lang ang nais nitong ipahiwatig, iyon ay hangga’t maari iwasan ang labis na pagsusuot
ng mga maiiksing damit o mga kasuotang labis na nakakaagaw ng atensyon lalo na kung
sa tingin mo’y delikado at hindi mapagkakatiwalaan ang mga taong umaaligid sa iyo.
Naiinitindihan ko ang kanilang ipinupunto ngunit hindi ako sumasang-ayon dito.
Ayon sa isang Editoryal na aking nabasa sa Philstar.com, taong 2019 pa nilagdaan ni
President Duterte ang Republic Act No. 11313 o Anti-Bastos Law kung saan ay mahigpit
nang ipinagbabawal ang sexually offensive acts sa mga kababaihan saan mang lugar na
publiko, sa kalsada, sa lugar ng trabaho, sasakyan, paaralan, bars o maski sa online. At
ayon sa isang praymer na inilathala ng Women’s Legal Bureau, Inc., walang pinipiling
babae ang pambabastos o panggagahasa, kahit ano pa ang kanyang itsura, kasuotan,
mayaman man o mahirap, bata o matanda, o kahit isang “prostitute” o kalapating mababa
ang lipad, siya ay maaaring mabastos at magahasa. Para sa akin, hinding-hindi magiging
dahilan ang paraan ng pananamit ng isang babae kung bakit siya nabastos, o di kaya’y
nagahasa dahil ako, bilang isang babae ay naniniwala na walang mababastos o
magagahasa kung walang manggagahasa. Kung walang mga mapagsamantalang tao sa
mundo, wala namang masasaktan dahil magiging malaya kaming mga kababaihan sa
takot na pilit itinatatak ng mga kalalakihang tingin ay nakatataas sila sa mga babae. At
isa pa, hindi maaring habang-buhay na babae lamang ang gagawa ng hakbang upang
maprotektahan ang kanilang sarili mula sa mga maruruming utak ng mga kalalakihan
dahil kahit saang anggulo tingnan, hindi kailanman naging isang paraan ng imbitasyon
ang isang saplot, maikli man ito o hindi. Isang katibayan na nito ang isang artikulo na
isinulat ni Bb. Khia Espino na inihahayag ang perspektibo ng mga kababaihang biktima
ng karahasang panggagahasa, sabi rito may isang batang ginahasa kahit na ito’y balot
na balot ng kaniyang pantulog, at may isang dalagang galing sa trabaho ang sinaktan at
ginahasa ng kanyang ama dala ng kalasingan. Kailanma’y hindi hinangad ng isang
indibidwal ang abangan sa kanto at mahubaran hindi lamang ng saplot, kundi maging
ang pagkatao nito. Nais ko rin idagdag na walang kinalaman ang uri ng kasuotan ng isang
babae sa salitang “rape” dahil kung ginahasa ka, ginahasa ka, hindi pwedeng ginahasa
ka dahil sa ganda mo, dahil sa lasing ang nanggahasa sayo at higit sa lahat dahil maiksi
ang damit na suot mo.

Sa dinami-rami ng mga naitalang kaso ng “rape” at kabastusan ng mga Pilipino,


sapat na ang mga katibayan na ibinanggit ko sa itaas upang mapatunayang hindi
kasuotan ang dahilan kung bakit maraming kababaihan ang nagagahasa sa mundong
ito. Kaya bilang isang babae ito lang masasabi ko, panahon na siguro para isulong natin
ang isang imahe na nagpapakitang ang mga kababaihan ay hindi na lamang biktima at
hindi laging mahina dahil hindi tayo mababang uri ng tao, malalakas tayo. Kaya sa mga
babaeng nabubuhay sa henerasyong ito, huwag na huwag ninyong hayaan na diktahan
tayo ng takot upang itigil ang mga gusto nating gawin sa buhay. Kung ninanais mong
magsout ng bikini sa tabi ng ilog, magsout ka dahil hindi natin kasalanang bastos sila

You might also like