You are on page 1of 9

Catcalling: pambabastos sa likod ng paghanga

Pam Louiese M. Chua


2008-39107 Cross-registrant from San Beda College
Panitakang Pilipino 19: Section X5-A

1

Ingat ka, miss. Habang naglalakad sa daan o pababa ng jeep, ibubulong ito ng isang
mama sa tenga ng babaeng naglalakad o pababa ng jeep. Magugulat ang babae. May ibang
mapapatingin at may ibang bibilisan ang paglakad. Minsan naman hindi ito pabulong. Ito ay
malakas na isisigaw ng isang lalaki mula sa kotseng kanyang sinasakyan o bintanang kanyang
dinudungawan. May iba-iba itong anyo. Pwedeng isang ngiti naman dyan, miss o kaya naman
ay sa pamamagitan ng pag-wolf whistle.

Ito ang ang mga kadalasang anyo ng catcalling na nararanasan na isang babae habang
nasa daan. Ang catcalling ay ang pagsipol, pagsigaw o pagkomento na sekswal sa isang taong
dumaraan
1
. Nagiging sekswal ang catcalling o ang mga nabanggit sa ibat-ibang paraan.
Pwedeng dahil ang komento ay patungkol sa pisikal na anyo babae (tulad ng hi, sexy o ang
haba ng legs a) o dahil nagco-constitute ito ng sexual advances (tulad ng miss, pahingi ng
number o miss, sabay na tayo umuwi).

Ang catcalling ay isang uri ng street harassment, o ang sexual harassment na nangyayari
sa mga pampublikong lugar tulad ng daan, parke, mall o pampublikong transportasyon sa pagitan
ng dalawang taong di magkakilala. Dahil kadalasang sa mga babae lamang nangyayari ang
catcalling o street harassment, may mga naglilimita na sa depinisyon nito bilang interaksyon sa
pagitan ng lalaking nangha-harass at ng babaeng naha-harass.
2
Mayroon namang nagbibigay
kahulugaan dito na may mas malawak na sakop bilang harassment na base sa kasarian o
harassment na nakadirekta sa mga historically subordinated groups tulad ng mga babae o
LGBQT.
3


Iba-iba ang pagtingin sa catcalling sa hanay ng mga babae at hanay ng mga lalaki. Sa
hanay ng mga lalaki, ang nangingibabaw na pagiisip ay pagtingin sa catcall bilang isang
compliment o pagpapakita ng paghanga. Sa kanilang pagsigaw ng hi, sexy at pagsunod ng

1
Sariling salin. Orihinal na laman ay Make a whistle, shout, or comment of a sexual nature to a woman
passing by. Definition of catcall in English. Oxford Dictionaries. Oxford University Press, 2014. Web.
18 May 2014. < http://www.oxforddictionaries.com/us/definition/american_english/catcall>
2
Tingnan ang mga aritukulo nina Leonardo at Bowman.
3
Tingnan ang mga depinisyon sa Stop Street Harassment website pati na rin sa ihollaback.org.
2
tingin sa mga babae sa daan, pinaparating lang daw nila ang kanilang paghanga at di naman
ninanais na mambatos. Di kadalasang pumapasok sa kanilang isip na baka hindi paghanga ang
nararamdaman ng mga babae tuwing ginagawa nila ito. May mga lalaking sumasangayon naman
na bastos nga ang catcalling subalit hindi sila kasing rami ng naunang grupo.

Ganun rin naman sa hanay ng mga babae. May mga naniniwala na nakakabastos ang
catcalling. May mga nagugulat at di na lamang pinapansin. Tuloy ang paglakad palayo habang
ramdam pa rin ang tingin ng lalaki o rinig pa rin ang pagsigaw upang maagaw ang atensyon.
May mga babae namang sumasagot nang pagalit, tumatayo para sa kanilang sarili at pinaaalam
na hindi sila natutuwa sa pinaggagagawa ng mga lalaki. May mga binabalikan rin ang nagcatcall
ng kanilang sariling catcall. Hindi nagtutugma ang intensyon ng mga lalaking nagca-catcall sa
nasasagap ng mga babaeng naca-catcall.

Mayroon din namang mga babae na positibo ang pagtanggap sa catcalling. Tingin nila
dito ay paghanga sa kanila at nakakataas ng confidence at self-esteemswak ang intensyon ng
mga lalaki sa nasagap at reaksyon ng mga babae. Wala naman daw itong masamang nadudulot.
Nakikita nilang over-reaction ang pagkairita ng mga babae dito na sinasangayunan naman ng
mga lalaking naniniwalang compliment talaga ang catcalling.

Sa hindi pagkakasundo sa kalagayan ng catcalling, linulugar ko ang aking sarili sa unang
grupo ng mga babae. Sa aking palagay, ang catcalling ay hindi paghanga kundi pambabastos.
Hindi ito dahil lamang sa nilalaman na sekswal ng catcall kundi pati na rin dahil sa konstekstong
nakapalibot dito. Ang catcalling ay nagaganap sa isang ispesipikong lugar at sa pagitan ng mga
ispesipikong aktor. Binibitaw ito sa pampublikong espasyo ng lalaki sa isang babae.
Sumasangayon din ako sa paghanay sa catcalling bilang uri ng sexual harassment.

Unang kailangang pansinin sa catcalling ay sa kapangyarihan nitong kumuha ng
atensyon at humingi ng reaksyon. Nasa kalikasan na ng catcalling na makaagaw ng atensyon ng
kung sino mang babae sa pamamagitan ng tingin, salita o gawain. Ang babaeng naglalakad sa
daan ay hindi naman humihingi ng atensyon, mas lalo na ng atensyong sekswal. Naniniwala
akong maski ano man ang suot ng babae, hindi ito rason para siya ay i-catcall. Ang ganitong
3
paniniwala ay pagsuporta sa rape culture kung saan ang ang konsepto ng she was asking for it
ay umiiral.

Dahil sa kapangyarihan ng catcall na makatawag ng pansin, mapanghimasok ang
catcalling sa personal na espasyo, karapatan magsarili, at kalayaan ng babae. Maliban sa pagpilit
sa atensyon ng babae, pinipilit din ng catcalling makisalamuha ang babae sa nag-catcall.
Humihingi ito ng reaskyon. Maski alin pa sa itaas ang reaksyon ng babae, ito ay reaksyon pa rin.

Sumasangayon ako sa depinisyon ni Leonardo sa street harassment bilang paggiit ng
lalaki ng kanyang karapatang manghimasok sa atensyon ng babae.
4
May pagtingin na may
karapatan ang mga lalaki sa oras at atensyon ng mga babae. Kaya maski di interesado ang babae,
maski siya ay may ibang ginagawa, maski shes minding her own businessnagagawa pa rin ng
mga nagca-catcall na gawin ito. Ito ang tinatawag na male entitlement ng mga peminista.

Maraming iba pang konsepto ang konektado sa male entitlement. Isa na rito ang
pagpapaalala sa mga babae na nararapat lamang sila sa pribadong espasyo. Sa pagtingin ni
Leonardo, dahil sa pagrami ng mga babaeng pumapasok sa lakas paggawa at epekto na rin ng
female empowerment, ang catcalling ay isang paraan upang ipaalala ng mga lalaki na sila pa rin
ang nakatataas.
5
Sa pagtawag sa pansin ng mga babae kung kelan hindi nila gusto ng atensyon,
pinapakita ng mga lalaki na may kakayanan silang manggulo at manghimasok sa espasyo ng mga
babae.

Mapapansin din na lalaki ang kadalasang gumagawa ng catcalling. Bihira o halos walang
babae na nagca-catcall. Sa isang social experiment sa Britanya, pinakita na ang reaksyon sa

4
Ang depinisyon ni Leonardo ay: Street harassment occurs when one or more strange men accost one or
more women in a public place which is not the womens worksite. Through looks, words, or gestures,
the man asserts his right to intrude on the womens attention, defining her as a sexual object, and forcing
her to interact with him.
5
Baxter, Holly. Discover the real reason why men shout pervy things at women in the street. The
Telegraph. Telegraph Media Group Limited, 25 July 2013. Web. 18 May 2014.
<http://www.telegraph.co.uk/women/womens-life/10202137/Catcalling-discover-the-real-reason-why-
men-shout-pervy-abuse-at-women-in-the-street.html>
4
isang babaeng nagca-catcall ay pagkagulat at hindi pagsangayon.
6
Maski parehas naman ang
ginagawa nila, ang lumalabas ay mas katanggap-tanggap kung lalaki ang gumagawa nito.
Napapakita nito na may male entitlement talaga na umiiral sa penomena ng catcalling.

Ang epekto nito ay ang pagka-disempower ng mga babae. Dahil sa pag-apekto sa
pinakasimpleng gawain tulad ng paglalakad sa daan o mga pampublikong lugar, napaparamdam
sa mga babae na hindi naman sila talagang malayang gawin ang gusto nila. Ito ay isang
pangungutya at pagpapawalang-kabuluhan sa konsepto ng kalayaan at independyensya ng mga
babae.
7
Maliban pa dito, kadalasang namamaliit ang pagkabahala ng mga babae sa catcalling.
Tuwing sinasabi na over-reaction ito sa isang inosenteng compliment, napaparamdam sa babae
na siya pa ang mali sa nararamdaman nyang hiya, takot o galit. Pati sa midya, ginagamit ang
catcalling nang pabiro.
8
Napaparating na hindi itong malaking bagay. Parehas nitong
pinaparamdam sa babae na tanggapin na lamang ang catcalling, na hindi ito dapat pinapalaking
isyu.

Maliban sa anyo na kinukuha ng catcalling tulad ng pagtingin, pagkomento o pagsipol,
kapuna-puna rin ang linalamang mensahe ng mga gawaing ito. Sekswal ang kalikasan ng
catcalling. Pinapahalagahan nito ang pisikal na anyo ng mga babae. Sa paglakad ng babae sa
daan o pampublikong espasyo, binabaliwala ng lalaki ang kanyang integridad, konteksto at
nararamdaman sa pag-catcall niya. Hindi niya kinikilala ang babae bilang tao at ginagamit ang
babae bilang instrument lamang ng kanyang pagnanasa. Hindi na tao na may lalim at danas ang
turing sa babae kundi parang bagay na pwedeng tingnan, ikompara at kilatisin.
9



6
Morrissey, Tracie. This Is How Men React to Being Catcalled by a Woman. Jezebel. N.p., 04 April
2014. Web. 18 May 2014. <http://jezebel.com/this-is-how-men-react-to-being-catcalled-by-a-woman-
1558156441>
7
Siddiqui, Sehar. Catcalling not synonymous with flattery. The Daily Illini. N.p., n.d. Web. 18 May
2014. <http://m.dailyillini.com/opinion/columns/article_384caedc-86ed-11e3-a94d-
001a4bcf6878.html?mode=jqm>
8
Isang halimbawa nito ay ang paggamit ng wolf whistle sa news report ng TV5 na matatagpuan sa
talasanggunian sa baba.
9
Papadaki, Evangelia. Feminist Perspectives on Objectification. Stanford Encyclopedia of Philosophy.
N.p., 28 June 2011. Web. 18 May 2014. <http://plato.stanford.edu/entries/feminism-objectification/>
5
Sa pag-catcall, pinaaalam din ng lalaki na kaakit-akit ang babae. Siya ay kaakit-akit dahil
siya ay pumapasa sa isang istandard ng kagandahan na nakabase sa perspektibo ng lalaki.
10
Ang
babaeng pumapasa ay naca-catcall ng hi, sexy. Ang hindi pumapasa ay hindi pinapansin. Sa
ganitong lagay, pinipilit at pinananatili ng lalaki na ito ang tamang istandard ng kagandahan sa
pamamagitan ng catcalling. Muli, naisasantabi ang konsepto ng kalayaan ng babae sa kanyang
espasyo pati na rin sa kanyang katawan. Lahat ay nakabatay sa kalalakihan.

Ako ay naniniwalang pambabastos ang catcalling dahil ito ay mapanghimasok at
mapagmataas na gawain sa parte ng mga lalaki. Ito ay mapanghimasok dahil pinipilit ng lalaki
ang kanyang sarili sa atensyon at personal na espasyo ng babae. Ito ay mapagmataas dahil may
pagtingin na ayos lang ang gawaing ito ng mga lalaki pero hindi na tama kapag babae na ang
gumagawa. Hindi na pantay ang trato sa babae at lalaki, at naisasantabi ang respeto na dapat
binibigay sa dalawang kasarian.

Sa parte ng mga babae, pambabastos ito dahil nagdudulot ito ng pakiramdam ng
pagkahusga, hiya at maski takot. Nalalagay ang babae sa spotlight dahil sa uncalled-for attention
na hindi naman lagi positibo ang resulta. Kadalasan mas nararamdaman ng babae ang takot dahil
biglaan ang atensyon na ito at may mga panganib na kaakibat kung mali ang reaksyon sa nag-
catcall. Napaparating sa kanya na hindi niya kayang gawin ang kanyang pang-araw-araw na
gawain ng matiwasay. Walang rin syang magagawa sa kanyang nararamdaman dahil umiiral na
pagiisip na over-reacting siya at hindi isyu ang catcalling. Naaapektuhan nito ang kanilang
partisipasyon sa pampublikong espasyo pati na rin ang pakikipagsalamuha nila sa mga lalaki.

Naniniwala akong importanteng magkatindig sa isyu ng catcalling dahil ito ay isang
paglabag sa karapatan ng babae sa kanyang independensya, kilos at katawan. Ito ay isang
karapatang kinikilala bilang isang universal human right na dapat hindi pinagkakait base lamang
sa sekswalidad.
11
Sa Pilipinas, kinikilala rin ang karapatan na ito ng mga babae at gumagawa na

10
Murphy, Meghan. Of course some women are flattered by catcalls, but that doesnt make it ok: A
response to Paris Lees. Feminist Current. N.p., 06 March 2014. Web. 18 May 2014.
<http://feministcurrent.com/8692/of-course-some-women-are-flattered-by-cat-calls-but-that-doesnt-make-
street-harassment-ok-a-response-to-paris-lees/>
11
The Universal Declaration of Human Rights. United Nations. N.p., n.d. Web. 18 May 2014.
<http://www.un.org/en/documents/udhr/>
6
ng mga positibong hakbang ang gobyerno upang harapin ang isyu ng street harassment.
Aminado ang gobyerno na wala pang batas na sumasagot sa isyu ng street harassment.
12
Ang
nasasaad pa lamang sa batas ay uri ng sexual harassment sa paaralan at trabaho, mga espasyo na
nagpapakita ng power relations. Pero kinikilala ng gobyerno na may pagkukulang nga ang
ganitong pananaw sa sexual harassment at sinusulong na palawakin ang sakop nito upang isama
ang sexual harassment na nagaganap sa mga pampublikong lugar sa pagitan ng dalawang taong
hindi magkakilala.

Sa pagkakaroon ng tindig, makakatulong ang mga tao na mabuwag ang mga maling
paniniwala tungkol sa catcalling. Importanteng mapaalam sa mga lalaking nagca-catcall, mas
lalo na sa mga babaeng hinahayaang macatcall, ang mga implikasyon ng kanilang mga aksyon
hindi lamang sa praktikal na antas kundi pati na rin sa antas ng teoretikal o ideolohikal. Kung
mabibigyan ng impormasyon ang mga tao, hindi na sila madadala sa pagmamaliit sa kanilang
mga nararamdaman twing naca-catcall, at madadala sa pabirong pagturing dito.


12
Expanding the Anti-sexual Harassment Law. Philippine Commission on Women. Philippine
Commission on Women, 2009. Web. 18 May 2014. <http://pcw.gov.ph/wpla/antisexual-harassment>
7
TALASANGGUNIAN

About. Hollaback!. Hollaback, n.d. Web. 18 May 2014. <http://www.ihollaback.org/about/>

Baxter, Holly. Discover the real reason why men shout pervy things at women in the street.
The Telegraph. Telegraph Media Group Limited, 25 July 2013. Web. 18 May 2014.
<http://www.telegraph.co.uk/women/womens-life/10202137/Catcalling-discover-the-real-
reason-why-men-shout-pervy-abuse-at-women-in-the-street.html>

Bowman, Cynthia Grant. Street Harassment and the Informal Ghettoization of Women.
Cornell Law Library. Cornell Law Faculty Publications, January 1993. Web. 18 May 2014.
<http://scholarship.law.cornell.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=1141&context=facpub>

Definition of catcall in English. Oxford Dictionaries. Oxford University Press, 2014. Web. 18
May 2014. < http://www.oxforddictionaries.com/us/definition/american_english/catcall>

Expanding the Anti-sexual Harassment Law. Philippine Commission on Women. Philippine
Commission on Women, 2009. Web. 18 May 2014. <http://pcw.gov.ph/wpla/antisexual-
harassment>

HILING NI DENIECE, DAPAT MAGANDA SIYA SA PICTURES. News5 Everywhere.
N.p., 06 May 2014. Web. 18 May 2014.
<http://n5e.interaksyon.com/videos/563ECE0E6DF4440/9/hiling-ni-deniece-dapat-maganda-
siya-sa-pictures>

Leonardo, Micaela. The Political Economy of Street Harassment. Stop Street Harassment.
Aegis: Magazine on Ending Violence Against Women, 1981. Web. 18 May 2014.
<http://www.stopstreetharassment.org/wp-
content/uploads/2011/04/PoliticalEconomyofStHarassment.pdf>

8
Morrissey, Tracie. This Is How Men React to Being Catcalled by a Woman. Jezebel. N.p., 04
April 2014. Web. 18 May 2014. <http://jezebel.com/this-is-how-men-react-to-being-catcalled-
by-a-woman-1558156441>

Murphy, Meghan. Of course some women are flattered by catcalls, but that doesnt make it ok:
A response to Paris Lees. Feminist Current. N.p., 06 March 2014. Web. 18 May 2014.
<http://feministcurrent.com/8692/of-course-some-women-are-flattered-by-cat-calls-but-that-
doesnt-make-street-harassment-ok-a-response-to-paris-lees/>

Papadaki, Evangelia. Feminist Perspectives on Objectification. Stanford Encyclopedia of
Philosophy. N.p., 28 June 2011. Web. 18 May 2014. <http://plato.stanford.edu/entries/feminism-
objectification/>

Siddiqui, Sehar. Catcalling not synonymous with flattery. The Daily Illini. N.p., n.d. Web. 18
May 2014. <http://m.dailyillini.com/opinion/columns/article_384caedc-86ed-11e3-a94d-
001a4bcf6878.html?mode=jqm>

The Universal Declaration of Human Rights. United Nations. N.p., n.d. Web. 18 May 2014.
<http://www.un.org/en/documents/udhr/>

What is Street Harassment? Stop Street Harassment. N.p., n.d. Web. 18 May 2014.
<http://www.stopstreetharassment.org/about/what-is-street-harassment/>

You might also like