You are on page 1of 2

Talumpati sa Diskriminasyon

Mga minamahal kong kababayan, mga kaibigan, ilang taon na tayong nakikibaka upang
mapanindigan ang ating mga pinaniniwalaan. Sa paglipas ng panahon ay tila lalong
lumalaki ang ating pagkakaiba, halo-halong kultura, hiwa-hiwalay na ideya. Laganap ang
panghuhusga. Kapag ang isang tao ay naiiba para sa kanyang mga nakakasalamuha,
siya ay minamaliit, isinasantabi. Hindi ba natin nalalaman na sa twing nangyayari ito ay
nababawasan ang dignidad ng bansa pati na rin ang respeto sa ating mga sarili?

Deskriminasyon. Mababa ang tingin sa iba dahil sa pag-iisp na sila ang nakatataas.
Deskriminasyon. Bumabase lamang sa panlabas na anyo at hindi sa kakayahan.
Deskriminasyon. Namimili, humuhusga, isinasantabi, kinukutya, sinasaktan, nasasaktan.
Nagiging sarado ang ating mga isipan. Wala na ang diwa ng pagkakaisa. Wala na ang
diwa ng pagkakaisa. Wala na ang pagkakapantay-pantay. Lumilipol, sumisira.
Deskriminasyon.

Ang bansang hitik sa deskriminasyon, ay isang bansang walang kalayaan. Sa lagay n


gating mundo ngayon, hindi natin masasabing Malaya tayo. Marami pa rin sa atin ang
nakararanas na mawalan ang karapatan. Lahat tayo ay nag-iisip na tayo ay nakatataas
sa iba. Kayat nagkakaroon ng paghahambing. Pilit ipinalalabas na mas magaling, mas
maganda at nakahihigit tayo kaysa sa ibang lahi, sa ibang grupo.

Mga kasariang hindi kabilang sa babaet lalaki, iba ang kutis, iba ang hitsura, iba ang
relihiyon. Ilan lamang yan sa mga nakararanas ng deskriminasyon. Kailan ba ito
matatapos? Kalian ba ito mag-iiba? Hindi ba natin kayang magkaroon ng pantay na
pagtingin sa isat isa?

Narito ako ngayon upang ipabatid sa inyo ang aking layunin: matigil na ang paglaganap
ng ganitong kalagayan. Kailangan na itong mawakasan. Lahat naman tayo ay
naghahangad ng isang mundong matiwasay, isang mundong marunong umintindi.
Matatapos ang lahat ng kawalang respetong ito kung sisimulan natin ito sa ating mga
sarili. Panahon na upang subukan nating iwasan ang pagiging mapanghusga. Panahon
na para tayo ay maging isa. Maging tunay na malaya.

You might also like