You are on page 1of 2

Nakatatakot. Nakawawala ng tiwala sa sarili.

Nagsasanhi ng trauma at
depresyon. Iyan… iyan ang tumatatak sa isip kapag pinag-uusapan ang gender bias
at diskriminasyon.

Bakit kaya ganito ang mararamdaman kung ito na ang pinag-uusapan?


Upang higit nating maunawaan, ihahayag ko ang ibig sabihin ng gender bias at
diskriminasyon. Ang gender bias ay ang hindi pantay na pagtingin sa kasarian
habang ang diskriminasyon ay ang pagtangi o paglayo sa tao o pangkat na ang
maaaring sanhi ay ang kasarian.

Hindi na ito bagong isyu. Noon pa man ay kinahaharap na ng mga tao hindi
lamang ang tulad kong Pilipino ngunit maging ang mga mamamayan sa buong
mundo. Nais kong pagkatandaan ninyo ang inisyal ng aking paaralan na yumayakap
sa akin at sa kapwa ko mag-aaral magkakaiba-iba man kami ng kasarian, CBNHS
RAYURAY. Ang CBNHS ay para sa sanhi at epekto ng gender bias at
diskriminasyon, ang RAYURAY ay para sa mga dapat gawin upang
mapagtagumpayan ang mga ito.

C - CULTURE – Sa wikang Filipino ay kultura. Nakaangkla na sa kulturang Pilipino


ang gender bias at diskriminasyon. Noon, ang para sa lalaki ay para sa lalaki
lamang. Tulad sa ng pag-aaral, pagiging lider, at pagbabanat ng buto. Ang mga
babae naman ay para sa tahanan lamang.

B - BATAS – Tila ba ginawa noon ang batas na tanging para sa lalaking lamang.
Tila walang puwang ang kababaihan sa lipunan.

N - NARARAMDAN – Takot, kawalan ng tiwala sa sarili, trauma, depresyon. Iyan


ang mga damdaming nanunuot sa puso’t isipan ng mga taong nakaranas ng gender
bias at diskriminasyon.

H - HEALTH – o kalusugan lalong-lalo sa aspektong mental ng mga taong dehado


sa kasong ito, ay nagdurusa, nakapag-iisip ng hindi kaaya-ayang mga bagay lalo na
tuwing sila’y nag-iisa.

SEGURIDAD – Hindi nakararamdam ng seguridad ang mga taong nagiging biktima


ng isyu ng gender bias at diskrimisnasyon.
Ano naman ang dapat nating gawin upang mapagtagumpayan ang isyung ito?
Tandaan ang salitang RAYURAY

R – Responsable – Maging responsableng mamamayan at indibidwal sa mga


ginagawang maaaring makaapekto sa iba.

A – Aksiyon – Umaksyon tayo upang matigil na ang pagkakakulong natin sa kahon


ng gender bias at diskirminasyon

Y – Yabong – Hayaan nating yumabong ang bawat isa sa atin anuman ang
pagkakaiba-iba ng kasarian, pag-iisip at disposisyon sa buhay.

U – Uunlad – Paunlarin natin ang ating relasyon sa bawat isa.

R – Respeto – Pailarin natin ang respesto sa lahat ng pagkakataon.

A – Anuman ang kasarian ng

Y – Yaong mga Pilipino.

Maging responsable at umaksiyon, yayabong at uunlad ang pagrespeto sa


anumang kasarian ng yaong mga Pilipino.

Oras na para baguhin ang pagtingin natin sa gampaning nakakabit sa


kasarian ng bawat tao. Lahat ay pantay-pantay.

Kanino magsisimula ang paglaho ng gender bias at diskrimisnasyon? Sa akin,


sa’yo at sa ating lahat.

You might also like