You are on page 1of 1

Kaginhawaan sa Daan, Kapalit ng Kalikasan

Ni Gladys Faith Roxas

Hindi madali ang pagbiyahe paroon at parito, lalo na kung araw-araw ay may
pinupuntahan; sa trabaho man o sa paaralan. Ang daan ay ang pinakamahalagang aspeto ng ating
pagbibiyahe ngunit mayroong mga pagkakataon na tayo ay naaantala dahil sa trapik. Kaya’t
nagkaroon ng solusyon para rito at ito ang road widening o pagpapalawak ng kalsada. Ang
tanong: Solusyon nga ba ito o sagabal sa kalikasan?

Hindi katanggi-tanggi na sagabal sa ating pagpasok ang trapik. Normal ito araw-araw
sapagkat maraming tao ang pumapasok sa trabaho, naghahanapbuhay, at nag-aaral. Sa walang
patid na abala ng trapik, inilunsad ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang
road widening sa Bataan. Ibig sabihin ay lalawak na ang daan upang mas maraming sasakyan
ang makabiyahe. Sa kabila ng solusyon na ito ay ang madugong proseso tulad ng pagpuputol ng
mga puno. Ang mga puno ay ang nagdadala ng preskong hanging nilalanghap natin, ang
nagbibigay-lilim mula sa sinag ng araw, sumisipsip ng tubig-ulan kapag may bagyo at baha.
Marami pang ibang naitutulong ang mga kalikasan sa atin. Kaya’t nakakabahalang isipin na para
sa kaginhawaan ay ibubuwis natin ang kalikasan.

Napapaginhawa ng road widening ang pagbiyahe natin araw-araw, nababawasan nang


bahagya ang inilalabas na usok ng mga sasakyan dahil makakarating sila nang mas mabilis sa
ating destinasyon, ngunit sa pagdami ng mga sasakyan, hindi rin gaano nababawasan ang
polusyong inilalabas ng mga ito. Maaari ring mabawasan ang panganib ng aksidente sa
pamamagitan ng pagbibigay sa mga drayber ng mas maraming espasyo upang makabiyahe nang
hindi tumatawid sa kasalungat na daan. Ngunit kahit na malawak ang daan ay mayroon pa ring
naaaksidente, kaya’t lalong pinagiingat ang mga bumabiyahe dahil buhay nila ang nasa linya.

Hindi mabisa ang pagpapalawak ng daan para sa kalikasan. Ang road widening ay
nagiging sanhi ng pagpapalit ng lupa, hindi ito tumatatag at madaling gumuho. Ang mga puno sa
gilid ng kalsada na ang mga ugat na nagdidikit ng lupa ay pinuputol din sa panahon ng
pagpapalawak ng kalsada, nakokompromiso ang katatagan ng lupa sa ilalim ng semento. Maaari
ngang napapadali nito ang pagbibiyahe ng mga tao ngunit ang kapalit ng kaginhawaang ito ay
ang kalikasan. Tanging pagpuputol nga lang ba ng mga puno ang solusyon? Hindi mabilang sa
kamay ang bilang ng mga punong pinuputol dahil sa proyektong ito. Hindi rin siguro mabilang
sa kamay ang mga bungang abala nito sa mga tao tulad ng polusyon.

Totoong benepisyaryo tayo ng proyektong ito ngunit karamihan sa atin ay hindi naiisip
ang mas malalim na epekto nito. Hindi maipagkakailang madalas ay iniisip lamang natin ang
sariling kapakanan at kaginahawaan kahit na ang kapalit nito ay ang pagsira sa kalikasang
matagal na nating inaalagaan at nagsisilbing proteksyon sa atin. Sa paglipas ng panahon,
maipapamana rin natin sa mga susunod na henerasyon ang ating desisyon.

You might also like