You are on page 1of 2

Tree Planting (LGU)

Editorial

Goal: to restore waters in digos city

52+ teachers, staff, and student leaders involved

One Million Trees Program

500 narra seedlings were planted

Sitio Mainit, Barangay Kapatagan

Coordinated by the bro. Polycarp foundation

61st Founding Anniversary of Cor Jesu College

Cor Jesu College 61st Founding Anniversary: Pahalagahan ang Inang Kalikasan

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-61 anibersaryo ng pagkakatatag ng Cor Jesu College


(CJC) nitong ika-27 ng Septiyembre 2020 sa lungsod ng Digos ay ang pagkilala rin nito sa ating
pinakamamahal na inang kalikasan. Ang biglaang pagbabago ng klima ay nagdadala ng
malaking banta hindi lamang sa kalikasan, kung hindi ay sa buong sangkatauhan. Bagkus, ay
inilunsad ng lungsod ng Digos ang One Million Trees Program na mawiling nilahukan ng CJC
na naglalayong buhaying muli ang minsan ng nalimutang ganda ng ating inang kalikasan. Ang
Institusyon ng Cor Jesu College ay hindi lamang naglalayon na magbigay ng kalidad na
edukasyon, kung hindi ay layunin din nitong makibahagi para sa kinabukasan ng ating mga pag-
asa ng bayan.

Mahigit kumulang 52 mga guro, kawani at mga opisyal na mag-aaral ng CJC ang
nakipagtulungan sa Local Government Unit (LGU) ng lungsod ng Digos sa ilalim ng
administrasyon ni Alkalde Josef F. Cagas upang manumbalik ang kasaganahan ng mga
katubigan sa lungsod. Ang pagkilos na ito ay isinagawa sa Sitio Mainit, Barangay Kapatagan na
pinangasiwaan ng Brother Polycarp Foundation. Matagumpay na nakapagtanim nang mahigit
kumulang 500 punla ng punong kahoy ng Narra ang nasabing pagkilos. Ang simple ngunit
dedikadong aksyon na ito ay magiging pundasyon para sa mga susunod pang mga henerasyon.

Nagdadala ng maraming benepisyo ang pagpapasa ganang muli ng mga punong kahoy sa ating
kapaligiran. Ito ay isang paraan upang hindi lamang luminis ang ating katubigan, ay kung hindi
paraan din ito upang maiwasan ang pagbaha at pagguho ng lupa. Ang pagdami rin ng mga
punongkahoy ay nagpapabalanse rin ng oxygen to carbon dioxide count. Ang patatanim ng mga
punong kahoy ay isa rin sa mga pinakamainam na solusyon upang masagot ang kinakaharap na
problema natin sa global warming. Mahalagang mailapat natin ang mga kaalaman na ating
natutunan sa silid-aralan tungkol sa inang kalikasan tungo sa ikauunlad ng ating kinabukasan.

Marapat na tanawing muli ang kahalagahan ng ating inang kalikasan. Ang pagkasira nito ay
hindi mapaipagkakailang magdudulot ng kapahamakan sa pangkalahatan. Ating tandaan, na ang
mga nagdaang bagyo tulad ng Yolanda, Pablo at Ondoy ay ang kinahinatnan ng kapabayaan sa
pag-aaruga sa inang kalikasan. Layunin ng institusyon ng CJC na hindi lamang hasain ang ating
kaalaman at kagalingan sa ibat-ibang larangan ng siyensa, ay kung hindi ang pagpapangalaga rin
natin sa ating mapagmalasakit at mapagmahal na kalikasan. Ang kabataan ang tinaguriang pag-
asa ng bayan, ngunit sino ang magiging pag-asa ng bayan kung wala na rin man lang tayong
matitirhan?

PS: I wanted to make it a 5 paragraph Sir, however, I think a 4 th paragraph for the risks is
unnecessary for it can be integrated to the final paragraph ending a strong conclusion of warning
and appeal to movement to the readers.

PPS: I am excited and ready to take your suggestions, recommendations and possible
improvements Sir. If I may say, state all the errors even if it’s too many Sir so that I will learn
from it.

Thank you so much!

You might also like