You are on page 1of 2

ROBLES, Julia Marie Y.

12010685

KONDUKTA NG MITING o PULONG at ASEMBLIYA

Pangalan ng Proyekto : Likas na Yaman, Ating Ingatan!

Target na Partisipant : Estudyante sa Kolehiyo

Projeksyon ng Badjet : 20,000 Php (binubuo ng rental fee ng cafeteria, talent fee ng
mga iimbitahing eksperto, pagkain para sa mga dadalo, at sound system)

Oras / Araw / Petsa: Apr 22, 2023 (Kinikilalang Earth Day), 2:00 PM - 4:00 PM (Sabado)

Lugar ng Pulong: DLS-CSB DAC Campus Theater (option b: DAC Campus Cafeteria)

Layunin ng Proyekto: Upang magbigay ng kamalayan sa iyong mga desisyon ay


nagbibigay-daan mapanatili ang ating mga likas na yaman pati na rin ang pagtulong
sa pagbawas ng polusyon. Ito ay makakatulong rin sa pagpapalaganap ng
kaingatan sa ating kapaligiran. Ang ating mundo ay hindi sa atin lamang, ito rin ay
para sa mga susunod na henerasyon. Karagdagan dito, ang paguupasan ng mga
tagapasalita ay kung paano maipapabuti ng paaralan ang pagpapatupad ng mga
sustainable practice sa loob ng campus at tunay na kailangan ba ito? Isa pang
maaring mapagusapan ay ang konsepto ng renewable energy at ang
pagpapalaganap nito sa kolehiyo.

Kahalagahan ng Proyekto: Tulad ng nabanggit sa layunin, mahalaga ang kamalayan


sa konsepto ng sustainability dahil ang ating likas na yaman tulad ng elektrisidad,
tubig, at pagkain ay may hangganan at ito’y maaring maubos kung hindi natin
aalagaan nang tama at maigi. Importante rin na hindi lamang mga estudyante ang
makakarinig ng kung ano masasabi ng tagapagsalita dahil hindi lamang ang
henerasyon namin ang maaapektuhan kung maubos man ang ating mga likas na
yaman.
Kalakasan ng Proyekto: Ang target audience ng proyekto. Ito ay isang kalakasan dahil
maimpluwensiya ang kabataan. Tulad ng sinabi ng ating pambansang bayani, ang
kabataan ang pag-asa ng bayan. Ang proyektong ito ay makakatulong magbigay ng
“spark” at magkaroon ng domino effect sa mga makakaranas ng pagpulong na ito.
Higit pa dito, diverse o iba-iba ang mga batang dadalo sa pagpulong, maraming
mga ideya at opinion ang maririnig. Dahil din dito, mas maraming perspektibo ang
mailalahad at ang mga problema ay mas madaling mairesolba.

Kahinaan ng Proyekto: Ang kinakailangang oras upang maghanap ng mga


boluntaryo at ng mga eksperto tulad ng mga environmentalists at mga eksperto sa
renewable energy. Dahil din nakatakda ang pagpulong sa Earth Day, possibleng may
mga ibang kaganapan sa araw na ito na mangangailangan ng mga ekspertong
nabanggit.

Mga Inaasahang Magsisidalo: Mga professor at mga interesado sa paksa ng pulong.

You might also like