You are on page 1of 7

Region 02

DIVISION OF THE CITY OF ILAGAN


ISABELA SCHOOL OF ARTS AD TRADES
CITY OF ILAGAN, ISABELA 3300
Email Add: isat_deped@yahoo.com Telefax No. (078) 624-0042

Activity I

EDUKASYON
By: Claire B. Pielago

                       Edukasyon, isang salita subalit marami ang kahulugan. maraming tao ang nagsasabi
na edukasyon ang pinakamahalaga sa buhay ng isang tao. Sa pamamagitan ng edukasyon,
nagkakaroon ang tao ng malawakang pag iisip, nadadagdagn ang kaalaman at ito ang nagiging daan
tungo sa tagumpay.
                      Lahat ng tao sa mundo ay nangangailangan ng edukasyon para sa sariling kapakanan.
bawat isa ay may karapatang tumuntong sa paaralan dahil edukasyon ang nagsisilbing gabay at
sandata sa lahat ng pagkakataon. Alam natin na napakalaki ang naiaambag nito sa ating buhay pati
na sa lipunan. Ito ang pinakaimportante sa lahat ng bagay sapagkat dito nakasalalay ang buhay para
sa hinaharap. Edukasyon ang tanging paraan para masuklian ang paghihirap at sakripisyo na dinanas
ng ating mga magulang.
                       Ayon sa inilathala ni Nani sa internet noong araw ng Miyerkules, ika-30 ng Enero taong
2013, napakahalaga ang pagkakaroon ng edukasyon sa buhay ng isang tao. Nakakatulong ito sa
pagpapaunlad ng sarili at maging ang kinabukasan. Nagpapalakas ito ng loob ng isang tao para
makipagsapalaran sa buhay. Nagpapatatag sa pagkatao para harapin ang mga pagsubok at matutong
lumaban sa agos ng buhay. Madalas nating naririnig sa ating mga magulang na ang edukasyon lamang
ang tanging maipapamana sa mga anak kaya pinapayuhan silang mag-aral ng mabuti at magtapos sa
pag-aaral. Ang edukasyon ang pamanang kailanman ay hindi mawawala sa tao at hindi mananakaw
ninuman. 
                      Ayon sa inilathala ng Nuffnang sa blogger noong taong 2011, ang edukasyon ang
nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang
mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng
edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na
maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila ng kanilang mga inaasam na mithiin.
Ang unang layunin ng edukasyon ay ang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at
impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na
humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng
mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran. 
                        Ang pagkakaroon ng pagkakataon na makapag-aral ay biyaya na hindi maaaring
sayangin, pabayaan at ipagbalewala. Sa pamamagitan ng edukasyon, maraming natututunan ang
isang tao at napupukaw ang kanyang isipan sa mga bagay-bagay. Natututong dumiskarte sa buhay at
nagkakaroon ng lakas ng loob na harapin ang problema. Maraming magandang naidudukot ang
edukasyon na siyang tutulong at gagabay sa dako ng ating buhay.

1. Ibigay ang kaisipan at mga pantulong na detalye ng binasang teksto?

2. Batay sa binasa, bigyan ng sariling paliwanag o ebalwasyon ang tekstong Impomatibo?

3. Bakit nasasabing nag- aalis ng agam- agam at alinlangan tungkol sa isang paksa ang tekstong Impormatibo?
Pangatwiranan.

4. Bakit sinasabing obhektibo ang tono ng tekstong impormatibo? Ipaliwanag.


Region 02
DIVISION OF THE CITY OF ILAGAN
ISABELA SCHOOL OF ARTS AD TRADES
CITY OF ILAGAN, ISABELA 3300
Email Add: isat_deped@yahoo.com Telefax No. (078) 624-0042

Activity I

Global Warming!
By: Joshua P. Alarcon

             Anu na ba ang nagawa mo para sa mundong ito? Sumira ng kalikasan? O kaya naman kasali ka sa
mga taong may pagmamahal sa mundong iyong kinalakihan? Mundo’ng sa ngayo’y namimiligro dahil sa
kagagawan nating mga tao. Malamang isa ka sa mga nakakaramdam ng mga pagbabago dito sa mundo,
mga pagbabagong tila’y hahamakin ang katatagan mo. Mga pagbaha, malalakas na mga bagyo, ulan- na
tila’y walang katapusang papatak dito sa mundo. Ilan lamang yan sa mga sinyales ng Pagbabago ng
Panahon o mas tinatawag na Global warming. Anu nga ba ito? Bakit kailangan nating tuonan ng pansin
ang phenomena na ito? Anu ba ang mga epekto nito sa atin hindi lang sa tao pati na sa kalikasan? Tayo ay
dapat lamang na magkaroon ng ideya o kaalaman sapagkat napapanahon ang pagsagawa ng kilos para
masulosyonan ang suliraning ito.
Ang Pag-init ng Daigdig o “Global Warming” ayon sa Wikipedia ay tumutukoy sa nararanasang
pagtaas ng katamtamang temperatura ng himpapawid at mga karagatan sa mundo nitong mga nakaraang
dekada. Ayon sa siyentipikong opinyon, “ang nararanasang paginit nitong huling 50 taon ay gawa ng tao”.
Ang pagtaas ng antas ng carbon dioxide at iba pang mga greenhouse gases na resulta ng mga produkto
mula sa petrolyong langis, pagpapanot ng kagubatan, pagsasaka, at iba pang kagagawan ng tao ang mga
pangunahing sanhi ng paginit ng mundo. Ang pagtaas sa pandaigdigang temperatura ay magdudulot ng
malaking pagbabago kasama na rito ang pagtaas ng karaniwang taas ng dagat at pagbabago sa dami ng
mga paguulan. Ang mga pagbabagong ito ay sinasabing magpaparami sa dalas at lakas ng mga mapanirang
kalagayan ng panahon tulad ng baha, tag tuyot, bugso ng init, bagyo at buhawi. Ang paginit ay makaapekto
sa bilang at tindi ng mga ito. Gayunman, ang mga pagaaral ay nakatuon sa panahon hanggang taon 2100
na ang pag-init ay patuloy na mangyayari dahil sa ang CO2 o carbon dioxide ay may mahabang buhay sa
himpapawid.           
Ang klima ay patago-tago sa pamamagitan ng mga prosesong “panloob” gayundin sa tugon sa
pabago bagong  panglabas ma puwersang gawa at di-gawang tao kasama ang pagkilos ng araw, pagputok
ng bulkan at ng greenhouse gases. Tanggap ng klimatologo o mga nagaaral sa klima na tumaas ang
temperatura ngunit ang sanhi ng pagbabagong ito ay kontrobersyal lalo na sa labas ng komunidad ng mga
siyentipiko. Sinasabing ang kasalukuyang klima ng mundo ay wala sa kapanatagan kasama ang pwersang
dulot ng pagtaas ng mga greenhouse gases  dahil sa enersiyang termal ng mga karagatan at mabagal na
pagtugon ng ibang di tuwirang mga epekto- ito’y ayon sa Association of British Insurers Financial Risks of
Climate Change noong Hunyo 2005.
Ang bansang Pilipinas ay isa rin sa mga nagkokontibusyon sa tinatawag na Global Warming
sapagkat narito rin sa atin ang mga aspetong nagdudulot ng pagtaas ng temperatura ng mundo –mga
sasakyang dulot ay maitim na kausukan, mga pabrikang nagsisi- pagkompitensyahang dulot ay pagdami ng
Carbon Dioxide sa atmospere at mga aktibong Bulkan o mga likas na sanhi ng Climate change. Ang pag
pabaya sa kalikasan ay nagdudulot ng kapahamakan sa mundong ating kinalalagyan.      
Ang Global Warming ay nagpapabahala sa ating buhay sapagkat ito ay pwedeng magdulot ng
kapahamakan, mga mas kakaibang mga pangyayari dito sa mundo, kagaya na lamang ng mga malalakas
na bagyo at pag init ng matagal na araw. Masusugpo natin ang bagay na ito kapag tayo ay nagkaisa, kapag
magtutulong tulong ang lahat ng mga bansa upang paunti unting mabawasan ang mga piligrong ating
nararanasan. Masusulosyanan lang ito kapag mismong tayong mga tao ang gumawa ng paraan para ang
problema ay ating mawakasan. https://tl.wikipedia.org/wiki/Pag-init_ng_daigdig 
-
1. Ibigay ang kaisipan at mga pantulong na detalye ng binasang teksto?
2. Batay sa binasa, bigyan ng sariling paliwanag o ebalwasyon ang tekstong Impomatibo?
3. Bakit nasasabing nag- aalis ng agam- agam at alinlangan tungkol sa isang paksa ang tekstong Impormatibo?
Pangatwiranan.
4. Bakit sinasabing obhektibo ang tono ng tekstong impormatibo? Ipaliwanag.
Region 02
DIVISION OF THE CITY OF ILAGAN
ISABELA SCHOOL OF ARTS AD TRADES
CITY OF ILAGAN, ISABELA 3300
Email Add: isat_deped@yahoo.com Telefax No. (078) 624-0042

Activity I

“Social Media at ang Modernong Kabataan”


Isinulat ni Annie Rose P. Pastorco

Sa bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya ay maraming kahalagahan ang naiaambag nito


sa ating pamumuhay sa pang-araw-araw. Hindi maipagkakaila na ang mga social media ay isa sa naging
produkto ng makabagong panahon, at kasabay nito ang pagusbong ng modernong kabataan .
Ang social media ay isang daan upang makipagkaibigan sa isang tao kahit hindi mo nakikita. Ito
ay may malaking kontribusyon sa ating pakikipagkomunikasyon sa mga taong nasa malalayong lugar.
Ano nalang ang buhay kung walang social media? Maraming kabataan ang natutulungan at patuloy na
tinutulungan ng bagong teknolohiyang ito, tulad na lamang ng mga kabataang hindi
masyadong outgoing,  mga taong gustong magtipid sa entertainment, mga gustong makahanap
ng sideline income (online shop), mga naghahanap ng bagong impormasyon at mga gustong magpasikat
(Residentpatriot, October 7.2012).
Hindi kapani-paniwala ang bilis ng paglaganap ng impluwensya ng social media sa buhay ng mga
kabataan. Pinagtitibay nito ang isang aspeto ng kultura natin,  ang pagpapa-halaga natin sa pakikipag-
ugnayan. Pinatunayan na natin ito dati pa sa mga naging popular na paraan ng komunikasyon gaya ng
pagte-text, pagbisita sa mga yahoo chat rooms, pakikipagtalastasan sa mga online forums at
pagtatambay sa Friendster. Ngayon naman ay laman tayo ng blogs, twitter, facebook, at iba pang social
media’s,kung kaya’thindi nakapagtataka na napakataas ngporsyento ng mga online na pinoy sa social
networks (Gabnadateblog.February 2016).
Dahil sa pagkauso ng mga social media mas lalo nitong naimpluwensyahan ang nakararami tulad
nalang ng mga kabataan ngayon na lubos na nahuhumaling dito, kaya wala na yatang kabataan ngayon
ang walang account sa mga nabangit na websites o di kaya ay pamilyar dito. Ganap na sikat ang mga
nabangit na websites ngunit ano nga ba ang epekto ng social media sa paguugali natin? partikular sa
mga kabataan ngayon? (Eloisa Cassandra E. Emi).
Ang mga katanungan na nasawalat sa inyong isipan ay aking bibigyan ng kasagutan. Ang social
media at ang modernong kabataan, dahil ang mga modernong kabataan ang syang nagpausbong at mas
lalo pang naging uso sa mga mata ng mga tao sa ating mundo. Napakalaking impluwensya ng social
media sa panahong ito lalong lalo na ang facebook, siguro parte na ng ating buhay ang mag-log in araw-
araw dito. Isa sa mga mabuting epekto ng social media sa kabataan ngayon ang  easy acess o madaling
paraan upang makapagpalaganap o makapagbahagi ng impormasyon. O mga balita na interesado ang
lahat na malaman, kagaya ng suspension ng klase, mga balita tungkol sa showbiz at mga babasahin na
marami tayong matututunan.  Ang social media ay tulay na nagdudugtong sa atin sa kasalukuyan dahil
ito ang nagbabahagi ng bagong ideya o kaisipan, at dinudugtong din ng social media ang kasalukuyan sa
hinaharap sa pamamagitan ng mga impormasyong tungkol sa makabagong teknolohiya, mga balita
tungkol sa mga pagbabagong makaka-impluwensya sa hinaharap at mga matutunang kaalaman na
makapagpapa-unlad sa ating kinabukasan.

1. Ibigay ang kaisipan at mga pantulong na detalye ng binasang teksto?

2. Batay sa binasa, bigyan ng sariling paliwanag o ebalwasyon ang tekstong Impomatibo?

3. Bakit nasasabing nag- aalis ng agam- agam at alinlangan tungkol sa isang paksa ang tekstong Impormatibo?
Pangatwiranan.

4. Bakit sinasabing obhektibo ang tono ng tekstong impormatibo? Ipaliwanag.


Region 02
DIVISION OF THE CITY OF ILAGAN
ISABELA SCHOOL OF ARTS AD TRADES
CITY OF ILAGAN, ISABELA 3300
Email Add: isat_deped@yahoo.com Telefax No. (078) 624-0042

Activity I

DROGA PANGUNAHING PROBLEMA !


Droga isang mapaminsalang bagay na nakakaapekto sa kalusugan ng katawan at pag-iisip ng
isang tao kaya hindi nakapagtataka na laganap ang krimen sa ating bansa na ang panunahing dahilan ay
ang paggamit ng ipinag babawal na gamot, marami na rin ang sinirang buhay at nagdulot ng masamang
dulot sa karangalan ng buhay ng isang tao ang illegal na droga lalong lalo na ang mga taong kumakapit
sa patalim para mabuhay para kumeta ng maraming pera. Bakit nga ba hindi matapos tapos ang
pagsugpo sa illegal na droga na pangunahing problema ng ating bansa?
Simula ng nailoklok sa piyesto ng pagkapangulo si pangulong Rodrigo Duterte isa sa mga
pinangako niya ay ang paglaban sa illegal na droga na susugpuin niya sa loob ng tatlo hanggang anim na
buwan, ngunit hindi ito nangyari sapagkat marami pang sangkot dito na hindi pa nahuhuli hanggang sa
ngayon kasama na ang nagkalat na pusher at mga drug Lord na nagpapatakbo ng mga malalaking
pagawaan o Laboratoryo ng  illegal na droga.
  Ayon sa maraming pagsusuri, popular ang pilipinas bilang “transit hub” dahil sa pangangalakal
ng iligal na droga sa iba’t ibang bansa isa na rito ang shabu at ang marijuana na kung ipagbibili ay halos
daan-daang milyong piso ang halaga ito ay kinasasangkutan ng multimilyonaryong mga smuggler at
drug lord mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ginagamit ang mga karamihan sa mga OFW (Overseas
Filipino Workers) na kapit sa patalim upang maipuslit ang droga sa ibang bansa, Ayon kay Priscilla
Pamintuan (July 14,2016) kaya karamihan sa mga Nakikipagsapalaran na OFW ay napipilitan na
isakripisyo ang kanilang mga prinsipyo makapagkita lamang ng malaking halaga ng pera.
Isa pa sa mga dahilan kung bakit hindi matapos-tapos ang problema kontra droga ay dahil sa mga
protektor nito na karamihan ay opisyal ng pulisya ng pinakamalalaking sindikato ng droga at mga
kriminal sa bansa. Kamakailangan nga  noong July 5, 2016 ay isinapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte
ang mga pangalan ng limang high-ranking officials ng Philippine National Police na sangkot sa illegal na
droga. Sa kaniyang talumpati ika-69 na anibersaryo ng Philippine Air Force(PAF) binanggit ng pangulo
sina PNP Deputy Director General Marcelo Galbo Jr. Dating National Capital Region Police office, Chief
Director  Joel Pagdilao. Western Visayas Regional Director, Chief Superintendent Bernardo Dias Quezon
City Police District, Director Chief Superintendent Edgardo Tinio at retired police General na si Vicente
“Vic” Loot. lahat  ng mga opisyal na ito ay pinaimbestigahan ng Pangulo at kung sakali man na
mapatunayan na totoo ito maaaring alisan sila ng tungkulin sa PNP at hindi na muling makapagsilbi dahil
sa kasong bahid ng illegal na droga. Ngunit gayunpaman naniniwala pa rin si pangulong Duterte na mas
marami pa ring mga tapat na pulis sa kanilang mga serbisyo kaysa mga tiwaling pulis na nag lilingkod sa
ating bansa.(www.Philstar.com)  
Ngunit sa kabila ng lahat ng problema sa droga at kriminalidad palaging may naka akibat na
solusyon upang ma iwasan ang paglaganap nito sa ating bansa gayunpaman magkaisa tayong lahat
hindi lang ang pangulo ng pilipinas. Mag bago ang dapat magbago, Ang igawa sa masama gawin na lang
itong kapakipakinabang sa kapwa. Itatak natin sa ating mga isipan na “Ang Prinsipyo at Karangalan natin
bilang isang tao ay Kahit Kailan Hinding-Hindi matutumbasan ng maraming Salapi”.
Sangunian:
            Priscilla Pamintuan may akda(July 14,2016)
            (www.Philstar.com)

                                                                                    Isinulat ni: Angelica R. Sales

1. Ibigay ang kaisipan at mga pantulong na detalye ng binasang teksto?

2. Batay sa binasa, bigyan ng sariling paliwanag o ebalwasyon ang tekstong Impomatibo?


Region 02
DIVISION OF THE CITY OF ILAGAN
ISABELA SCHOOL OF ARTS AD TRADES
CITY OF ILAGAN, ISABELA 3300
Email Add: isat_deped@yahoo.com Telefax No. (078) 624-0042

3. Bakit nasasabing nag- aalis ng agam- agam at alinlangan tungkol sa isang paksa ang tekstong Impormatibo?
Pangatwiranan.

4. Bakit sinasabing obhektibo ang tono ng tekstong impormatibo? Ipaliwanag.

Activity I
Region 02
DIVISION OF THE CITY OF ILAGAN
ISABELA SCHOOL OF ARTS AD TRADES
CITY OF ILAGAN, ISABELA 3300
Email Add: isat_deped@yahoo.com Telefax No. (078) 624-0042

1. Ibigay ang kaisipan at mga pantulong na detalye ng binasang teksto?

2. Batay sa binasa, bigyan ng sariling paliwanag o ebalwasyon ang tekstong Impomatibo?

3. Bakit nasasabing nag- aalis ng agam- agam at alinlangan tungkol sa isang paksa ang tekstong Impormatibo?
Pangatwiranan.

4. Bakit sinasabing obhektibo ang tono ng tekstong impormatibo? Ipaliwanag.

ACTIVITY I

Age of Heroic Medicine

During the period of 1780 to 1850, known as the “Age of Heroic Medicine,” patients were as likely to
die from their treatment as they were from disease. Many reputable doctors at this time believed most
illnesses could be cured by removing toxins from the body through bloodletting, purging, and blistering.
Sometimes patients, already weak- ened from disease, died when too much blood was taken. Others
suffered serious side effects from the poisons used to clean out their intestines. Few wanted the
additional pain from acidic materials applied to the skin to cause blisters that were then pierced and
drained. Given the misery these dangerous treatments induced, the patients truly were the “heroes” of
this age. Now read the same passage after it has been expanded with details and examples. After you
have finished reading, answer the questions that follow.
Region 02
DIVISION OF THE CITY OF ILAGAN
ISABELA SCHOOL OF ARTS AD TRADES
CITY OF ILAGAN, ISABELA 3300
Email Add: isat_deped@yahoo.com Telefax No. (078) 624-0042

During the “Age of Heroic Medicine” from 1780 to 1850, many reputable doctors believed they could
cure illnesses by removing toxins from the body. Unfortunately, patients, even wealthy and highly
esteemed ones like George Washington, were likely to suffer as much from their treatment as they
were from their illness. When the retired President developed a severe sore throat after riding around
his estate on
horseback during a snow storm, three prominent physicians were called to his aid. A doc- tor typically
began treatment with bloodletting, a remedy for everything from fever to toothaches to mental illness.
The doctor removed “stagnant” blood by applying leeches to the patient or by cutting open a vein.
Over the course of nine to ten hours, Washing- ton’s physicians bled him multiple times. They
eventually drained about four pints of his blood—almost half the blood in his body. Doctors also
removed toxins by purging the intestines with powerful, often dangerous, chemicals, such as calomel or
mercurous chloride. Those who survived often suffered from serious side effects, such as losing teeth or
having their jawbones deteriorate. Washington received multiple doses of calomel. Along with being
bled and poisoned, a patient might undergo blistering, a painful procedure in which the doctor would
apply a “blister,” an acidic substance, to the patient’s skin, resulting in a second degree burn and
blisters. The theory behind blistering was that the body’s toxins would be drained along with the blood
and pus. Washington’s physicians initially applied to his throat a blister made from a mixture of dried
beetles. As his condition worsened, doctors applied additional blisters to his extremities. Further
weakened by his treatment, Washington died that evening, unable to overcome the septic sore throat
and possibly pneumonia. Given the misery these dangerous treatments caused, the patients truly were
the “heroes” of this age of medicine.

1. Based on the article, explain and evaluate informative text?

2. Why informative text must be objective?

3. Why informative text can remove the doubt in one article? Explain.

DESRIPTION RATING/ SCORE


Smartness and Confidence of the presentor. 5 points
Cooperation- all members are cooperating. 5 points
Accuracy of concept. 10 points

Character/ Discipline 10 points


Total 30 points

You might also like