You are on page 1of 2

Central Luzon of Science and Technology

Olongapo City

Noon at Ngayon :
Anong nagbago?
Science, Technology, and Society
Jann Ericka U. Jao
BSN-1 Alpha

Submitted to:
Querubin Ocenar Pacayra
Instructor
Central Luzon of Science and Technology

Olongapo City

Kapansin pansin ang pagbabago na nagaganap sa ating kapaligiran. Ang pagkakaiba ng


noon at ngayon? Tunay na malayo na ang nararating ng tao sa iba’t ibang aspeto. Ang
teknolohiya, siyensya, medisina at iba pa na noon ay malayong-malayo na kung ikukumpara sa
ngayon. Gayundin ang pananampalataya, kaugalian, paniniwala, kasabihan at iba pang lumang
nakaugalian nang mga tao ay nag-iba na rin sa kasalukuyan.

Unahin natin sa aspeto ng teknolohiya, sabi ng lolo ko. Kung noon, mahalagang bagay sa
isang indibidwal ang tinatawag na pribadong buhay. Ngayon halos lahat ng mga tao, lalo na ang
mga kabataan ay ibinabahagi ang bawa kilos, galaw at lugar na pinupuntahan nila sa
pamamagitan ng facebook, twitter, blog at iba pa. Noon silid-aklatan at Encyclopedia ang
nagsisilbing gabay ng mga estudyante sa paggawa ng kanilang mga takdang-aralin at iba pang
dokumento na kailangan sa eskwelahan. Ngayon ay isang pindot lamang sa internet ay marami
ng impormasyon na lalabas na maari mong pagpiliaan. Hindi bat ang layo ng pagkakaiba ng
noon at ngayon. Sa panahon ngayon, nagging madali ang paghahanap ng impormasyon na
kailangan sa ating araw-araw na buhay. Hindi rin maikakaila na malayo na ang narrating ng
teknolohiya sa larangan ng komonikasyon. Kung dati ay kailangan pang magdala ng sulat na
aabutin ng ilang araw upang maihatid ang mensahe na nais sabihin sa isang tao upang mabasa at
malaman ng isang tao ang nais mong sabihin sa kanya. Ngayon ay iba na.

Dumako tayo sa aspeto ng pananampalataya, kaugalian, paniniwala at kasabihan. Noon,


ang pananamit ng mga kababaihan ay koserbatibo. Ngayon ay kabaliktaran na, mayroon pa in
namang mga kababaihan na konserbatibo ngunit iilan na lamang dahil karamihan ay liberated na
kung tatawagin. Noon: ang tubi sa gripo ay maaring inumin dahil ito ay malinis, ngayon ay hindi
na sapagkat maari tayong makakuha ng iba’t ibang sakit. Isa rin sa mga dahilan kung bakit hindi
ligtas ay sa kadahilanan na ang mga likas na yaman natin gaya ng tubig ay naabuso ng
karamihan sa mga ao kaya’t ito ay dumudumi. Noon ang paggamit ng po at opo ay
pangkaraniwalan lamang sa kabataan, pero ngayon halos wala ng galang ang mga anak sa mga
magulang dahil kahit anong gawing saway ng magulang sa anak ay hindi pa rin ito sumusunod.
Noon ay napakahalaga ng buhay sa sa mga tao at kung minsan ay isisnasakripisyo pa nila ang
kanilang buhay para sa kanilang anak, ngunit ngayon ay ipinapaabort na sa kadahilanang
nakakatakot sa resposibilidad.

Tunay ngang marami ang nagbago sa Pilipinas sa mga nakalipas na panahon. Patunay
lamang ito na totoo ang kasabihan na “Walang permanente sa mundo, kundi ang pagbabago” at
ang pagbabago na ito ay may magandang dulot at hindi magandang dulot satin. Ang pagbabgo ay
hindi nawawala, dapat lang na marunong magkontrol ang bawat isa, dapat nating alamin an
gating mga limitasyon ng sag anon ay hindi maaabuso ang mga pagbabago na nagaganap sa
ating paligid.

You might also like