You are on page 1of 2

Doliente, Honey Babe M.

BSED FILIPINO-1B

Habang lumalawak at nakakaapekto ang teknolohiya sa mas maraming bahagi ng aktibidad at


karanasan ng tao, nagiging mahalaga na isama ang pag-unawa ng mga tao at lipunan sa pag-
unlad ng teknolohiya kung ito ay magiging makabuluhan at may kaugnayan. Sa tingin mo ba
hinuhubog tayo ng teknolohiya, o hinuhubog ba natin ang teknolohiya?

Sa tingin ko pareho, sabi nga " ang pangangailangan ang ina ng imbensyon", kaya naman ngayon
ang mga naimbensyon na ang siyang humuhubog sa atin. Ayon kay Sarah Drinkwater:
“Hinuhubog natin ang ating teknolohiya; pagkatapos ay hinuhubog tayo ng teknolohiya.”
Nagsimula ang lahat sa paghubog natin mula sa pinaka mababa hanggang sa papataas na antas at
kalidad ng teknolohiya. Kaya naman ngayon, ang teknolohiya na ang siyang humuhubog, hindi
lamang sa buhay natin bagkus pati na rin sa ating pamumuhay.Kung inyong mapapansin, laging
kuwento sa atin ng ating mga lola't lolo na noong panahon nila ay wala pa lamang gaanong
teknolohiya; katulad ng mga cellphones, laptop, at iba pa. kaya naman marami sa kanila ay hindi
marunong gumamit ng mga gadgets, katulad nga ng mga nabanggit kanina, kahit pa ito ay
keypad lamang. Kanila ring ibinahagi sa atin at ipinagkumpara ang buhay nila noong sila'y mga
bata pa sa buhay nating ngayon bilang isang mag-aaral. Palaging sinasambit sa akin ng aking lola
na ma-suwerte raw tayo ngayon dahil mas napadali ang pamumuhay na mayroon tayo ngayon
kaysa sa kinamulatan nila noon. Na kung saan sila'y papasok sa paaralan noon ay kinakailangan
nilang maglakad sa masusukal na gubat at minsan pa raw ay kinakailangan nilang lumusong sa
ilog at sa maputik na daanan, dahil 'yon lamang ang daan patungo sa kanilang eskwalahan,
ngunit sa panahon natin ngayon kahit pa napakalayo ng ating mga eskwelahan ay madali na
lamang para sa atin na makarating doon nang hindi gaanong napapagod at nauubusan nanng oras
dahil sa mga trasportasyon na mayroon tayo, katulad ng mga jeep, bus, motor, kotse, van, at iba
pa. Gayundin naman pagdating sa usaping medakasyon, palagi ring ikinukwento sa akin ng
aking mga lolo't lola na dati raw sa panahon nila ay maraming namamatay na tao kahit sa
simpleng mga sakit lamang. Sa kadahilanang ang mga gamot na mayroon pa lamang sila noon
na kanilang ginagamit na para malunasan ang isang sakit ay mga herbal na gamot, katulad ng
mga akapulko, oregano, dahon ng bayabas, at iba pa. Kumpara sa panahon natin ngayon na
talaga namang napakadali ng buhay, dahil nagkaroon tayo ng maraming access ng medikasyon
na naging sanhi sa pagbaba ng bilang ng mga namamatay. At dahil ito sa tulong ng mga
teknolohiya na naimbento ng iba't-ibang mahuhusay na mga tao sa iba't-ibang panig ng mundo.
Ngayong marami na at mataas na ang kalidad ng teknolohiya,hinuhubog tayo ng mga
teknolohiyang ito sa kung paano natin ipinamumuhay ang ating buhay. Ito naman ngayon ang
kaagapay ng bawat-isa sa atin sa pang araw-araw na pamumuhay. Halimbawa na lamang diyan
ay ang mga cellphones na mayroon tayo na kung saan ay nakatutulong saatin upang mapadali
ang komunikasyon natin sa ating mga pamilyang nasa ibayong panig ng bansa, na kahit hindi
man natin nararamdaman ang presensiya nila sa ating mga tabi, sa pamamagitan ng cellphones
ay parang walang distansya kung atin silang kausapin dahil sa mas pinataas na kalidad, hindi na
lamang boses nila ang ating maririnig bagkus ay atin pa silang nakikita virtually. Hindi lang
naman sa pakikipag-komunikasyon natin nagagamit ang cellphone; nagagamit din natin ito sa
ibang aspeto, katulad ng pananaliksik, panonood ng tiktok, pagbabasa ng wattpad, at syempre
naging kagamit gamit ang cellphone lalo na noong kasagsagan ng pandemya na kung saan ay ito
ang siyang nagsilbing daan sa bawat-isang estudyante na katulad ko upang maipagpatuloy ang
pag-aaral, dahil nga bawal ang makisalamuha sa labas, ito ang naging susi upang kahit na kami
ay nasa aming mga tahanan ay naipagpapatuloy pa rin naming mag-aral, kahit pa sa gitna ng
crisis na ikinaharap ng ating bansa at ng bawat-isa. Isa pa riyan ay ang mga kagamitan natin sa
bahay katulad ng mga rice cooker na kahit iwanan natin habang gumagawa ng ibang gawaing-
bahay ay hindi basta-basta masusunog ang kanin. Ang refrigerator na siyang nagagamit naman
natin upang mapreserve ang mga natirang mga ulam, pagkain, gulay, prutas, at iba. Gayundin
naman sa electricfan na siyang nagsisilbing paypay natin at pangkontra sa mainit na panahon.
Gayundin ang telebesyon na siyang pinagkukunan natin ng mga impormasyon patungkol sa kung
anong nangyayari sa ating bansa at sa iba pang bansa. Sa usaping imprastraktura naman, nariyan
ang mga expressway na siyang nagagamit natin ngayon upang makaiwas sa mahaba-habang
trapiko. Dahil sa mga makabagong teknolohiya ay nagkaroon nang makabagong pamumuhay
ang bawat-isa, na mas pinadali at pinabilis na siyang mapapakinabanggan ng henerasyon ngayon
at sa mga susunod pang mga henerasyon. At upang masagot ang tanong, ang sagot ay parehong
hinuhubog nito ang bawat isa. Hinuhubog ng teknolohiya ang ating simula, pagkatapos ay
hinuhubog natin ang teknolohiya para sa ating kaginhawahan at kaligtasan, na humuhubog sa
ating buhay na nagreresulta sa mga bagong pangangailangan at interes, at pagkatapos ay mauulit
ito.

You might also like