You are on page 1of 4

vKomunikasyon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya


Jump to navigationJump to search
Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa
sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ang araling
pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan ang komunikasyon. Ito rin ay
ang interaksiyon ng mga tao sa isa't isa.
Ang komunikasyon (galing sa salitang Latin na commūnicāre, na ang ibig sabihin ay "ibahagi") ay
aktibidad ng pagpapahiwatig ng kahulugan batay sa sistema ng mga senyales at batas semiyotiko.
Ang komunikasyon sa biyolohiya ay kadalasang nangyayari sa pamamagitan ng biswal, awditoryo, o
sa biyokimikal na paraan. Ang komunikasyong pang-tao naman ay kakaiba dahil sa malawak na
gamit ng wika. Ang hindi pang-taong komunikasyon naman ay inaaral sa biyosemiyotiko.
Ang hindi pasalitang komunikasyon ay naglalarawan sa proseso ng paglalathala ng kahulugan sa
pamamagitan ng mga mensahe na hindi kinakailangan ang mga salita. Ang mga halimbawa ng hindi
pasalitang komunikasyon ay ang komunikasyong sa pamamagitan ng hipo (haptic), komumikasyong
kronemerika, mga pagkumpas, wika ng katawan, pangungusap ng mukha, pagkikita ng mata, at
kung paano manamit ang isang tao. Ang pagsasalita ay maaari ring maglaman ng mga elemento ng
hindi pasalitang komunikasyon tulad ng mistulang wika, halimbawa. ritmo, intonasyon, tempo at diin.
Ayon sa pagsasaliksik, 55% sa komunikasyon ng tao ay pangungusap ng mukha at ang iba pa ay
38% na mistulang wika o paralanguage. Gayun din, ang mga nasusulat na teksto ay naglalaman din
ng mga elemento ng hindi pasalitang komunikasyon tulad ng estilo sa pagsulat at ang paggamit
ng emoji" upang maipahayag ang nararamdaman sa pamamagitan ng porma ng mga imahe.

Kahalagahn ng teknolohiya

Lingid na sa kaalaman nating mga Pilipino ang mamuhay gamit ang teknolohiya. Sa aking pagkakaalam
ang teknolohiya ay inembento ng ating mga ninuno para makatulong at mapadali ang isang gawain.
Teknolohiya ang ginagamit natin upang makapagbigay ng malikhaing ekspresyon. Mga magagandang
naitulong nito ay ang pakikipagkomunikasyon. Mas nagiging madali ang pakikipag-komunikasyon para
samga taong nalalayo sa kanilang mga mahal sa buhay.

Mayroon ding masamang naidulot ang teknolohiya. Isa sa mga ito ang kawalan na ng oras sa
mahal natin sa buhay, ang atensyon ay mas nakapokus na sa teknolohiya dahil sa ito ay nakapagbibigay
natin ng kasiyahan. Sa ibang banda, nagiging isang hadlang din ito para sa mas magandang samahan ng
ating mga kaibigan,magulang at iba pang tao na malapit natin sa buhay. Kaya, karapat-dapat lang na
mamulat ang mga tao sa kung paano gamitin nang tama ang teknolohiya.

Malaki na ang naitulong ng teknolohiya sa ating bansa. Isa ito sa mga ginagamit nga mga para
mas maging maunlad ang ating ekonomiya at bansa. Ito ay naging isang daan para maisakatuparan ang
mga nais maabot ng ating bansa ng mas madalian. Ang kahalagahan ng teknolohiya ay dapat isinasaaisip
nating mga tao para sa maayos na paggamit nito. Maging sa mga kabtaan at sa mga bago pang
henerasyon.
Ang Kahalagahan ng Makabagong Teknolohiya sa Pagkatuto ng
mga Mag-aaral
Published: 24 January 2017

Created: 24 January 2017

Ang kompyuter ay itinuituring na produkto ng maraming matatalinong tao sa makabagong


panahon. Isang kasangkapan na nagsisilbing tulay o mata sa isang mas malawak na kaalaman
patungo sa tinaguriang ika-21siglo.
Tunay ngang ang sistema ng edukasyon sa ngayon ay sumasailalim sa 21stsiglo. Na kung
saan ang pangunahing kagamitan ng mga paaralan ay isang kompyuter na nagpapabilis at
nagpapadali ng paraan ng pag-aaral.
Ang paggamit ng kompyuter sa isang pag-aaral ay napakalaking kontribusyon para sa mga
mag-aaral lalo’t higit sa mga guro sa larangan ngkaalaman at proseso. Nauuso ngayon ang
tinatawag naE-learning. Ang electronic learing at tumutukoy sa lahat ng mga anyo
ng elektronikona suportado sa pag-aaral at pagtuturo. Ang impormasyon at sistema ng
komunikasyon, kung ang pag-aaral ng network o hindi, maglilingkod bilang mga tiyak na medya
upang ipatupad ang proseso sa pag-aaral. Ang electronic learning ay umaakmasasanggunian ng
silid-aralan at maging sa edukasyon. Karanasan sa silid-aralan sa pamamagitan ng teknolohiya,
kahit tulad ng mga makabago ay patuloy tungkol sa mga aparato at kurikulum.
Halos lahat ng pangpribadong paaralan sa sekondarya ay tumutugon na dito. Batid ng
pamahalaan ang kahalagahan ng e-learning system kung kaya’t maging sa pampublikong paaralan
ay ninanais na maituro sa mga mag-aaral. Ang bawat pampublikong paaralan ay mga ICT pasilidad
na nakalagay sa isang E-Classroom. Namamahagi ang ahensya ngEdukasyon ng sapat na bilang
ng kompyuter upang tugunan ang tawag ng pagbabago. Ang bawat yunit ng kompyuter ay
konektado sa Mother Board na nagsisilbing kadluan ng kaalaman. Na kung saan gamit ang
internet. Mabilis na nakapagsasaliksik ang mga mag-aaral sa gabay ng isang magaling at
ekspertong ICT na guro.

Importansiya ng teknolohiya sa pag-aaral:


Kailangan pa nga ba ang mga pisikal na libro?
June 27, 2017 Filed under Opinyon Posted by Balita Online RSS Feed




 Email
 Print

Ni: Associated Press
SA nakalipas na ilang dekada, mga libro ang naging pundasyon ng pagtuturo sa mga
paaralan. Ang mga librong ito ang isa sa mga pangunahing kailangan sa pag-aaral,
ibinibigay sa mga mag-aaral na nakagawian namang ilagay sa kani-kanilang bag araw-
araw, pagpasok sa paaralan at pauwi sa kani-kanilang tahanan.
Ang karanasan ng mga mag-aaral ay labis na iba sa kasalukuyang panahon.

Nakita ng publiko kung gaano naging kabilis ang pag-unlad ng teknolohiya sa mundo at
kung paano naging digital ang curriculum ng mga paaralan, na malayo sa nakagawiang
paggamit ng pisikal na libro.
ADVERTISING

inRead invented by Teads

Ito na nga kaya ang katapusan ng tradisyunal na paggamit ng libro? Makabubuti ba ito sa
mga mag-aaral at mga guro?
Sa pagtaas ng antas ng paggamit ng internet at paglaganap ng online content, natagpuan
ng mga guro ang mga bagong mapagkukunan ng impormasyon upang suportahan ang pag-
aaral ng mag-aaral.
Sinasabi sa mga huling pag-aaral na ang ratio ng mag-aaral sa computer sa karamihan sa
mga paaralan sa Amerika ay umabot na 5:1 (limang mag-aaral bawat computer), na halos
lahat ng guro ay may access sa kahit isang computer sa kanilang silid-aralan. Ang mga one-
to-one na programa sa laptop computer, na nagbibigay sa bawat mag-aaral ng isang
aparato ng computing, ay ipinatutupad sa maraming estado.
Natukoy sa pag-aaral kamakailan na may tinatayang 5:1 (limang mag-aaral sa bawat isang
computer) ang student-computer ratio sa halos lahat ng paaralan sa Amerika, na mayroong
katapat na isang guro sa bawat computer.
Upang suportahan ang mga hakbanging ito, ang mga paaralan ay binigyan ng access sa
sagana at libreng content sa Internet na idinisenyo para sa curriculum ng K-12. Karamihan
sa mga kumpanyang naglalathala ng mga aklat ay naglunsad na rin ng mga digital platform.
Sa katunayan, ang ilan ay nagbago ng kanilang mga pangunahing pagkakakilanlan mula sa
tradisyunal na mga publisher ng aklat tungo sa mga learning science company o mga digital
education company.
Tunay ngang unti-unti nang lumalabo ang kahulugan ng libro. Ang mga leksiyon ngayon sa
paaralan ay maaari nang ituro sa mga mag-aaral gamit ang iba’t ibang paraan. Malayo sa
nakagisnang pagbuklat sa libro at paglipat sa mga pahina nito.
Ngunit hindi ito puro mabuting balita lamang. Nahaharap din ang mga paaralan sa mga
pagsubok dahil sa mga impormasyong nakukuha sa Internet.
Kailangan pa ba ang mga tradisyunal na libro? Ang sagot, oo. Ngunit may pagbabago na rin
sa komposisyon ng mga ito. Naging mas digitized, mas bukas, mas naging abot-kaya, mas
dynamic at interactive, at mas madalas na ma-update.
Samantala, binago ng teknolohiya at ng Internet ang paraan ng pagkatuto ng mga
estudyante. Mula sa mga pisikal na libro hanggang sa digital na pagkatuto, nabigyan ang
mga mag-aaral (at mga guro) ng access na mas malawak sa naibibigay na impormasyon ng
tradisyunal na libro. Sa pamamagitan ng mga ito, nagiging mas nakaeengganyo at kapana-
panabik ang pag-aaral.

You might also like