You are on page 1of 3

KURT EIRON PASCUA TURINGAN 10 – Compass – B

Ma’am Diaz

Teknolohiya: Ano nga ba ang tama’t maling dulot nito?

Sa panahon ngayon, lahat nang tao ay laging tutok sa kanilang mga computer o laptop
at ang iba’y hindi maihawalay sa kanilang mga kamay ang maliit na aparato na mas kilala sa
tawag na cellphone. Ano nga ba ang mga ito? Napapansin mo ba na sa bawat paggamit mo ng
mga ito ay may benepisyo ka? May kagandahan ba ito o may kaakibat ring masama sa
paggamit ng mga ito? Ano-ano ang mga naidudulot nito sa ating gumagamit at sa ating
ekonomiya?

Ang mga ginagamit natin ngayon na nagpapadali nang ating mga gawain, nag-uugnay
sa bawat tao kahit na nasa malayo ang iba at nagbibigay aliw dahil sa mga bidyos na ating
napapanood sa mga screen nito ay ang tinatawag nating teknolohiya o sa Ingles ay
technology. Ang teknolohiya ay mga kagamitang nadebelop upang mas padaliin ang buhay
nang bawat indibidwal. Maaari itong magamit sa paraan na makipag-komunikasyon na tulad
na lamang ng nasa larawan sa itaas, makagawa ng isang produkto o produksyon at makapag-
ugnay sa bawat isa tulad nang pakikipaglaro online at pwede ka rin makakilala nang mga
bagong kaibigan.

Sa bawat pagdaan ng henerasyon, may laging bagong imbentong teknolohiya. May


nagiging benepisyo ito para sa mga tao. Sa modernong teknolohiya ay mas nararanasan natin
ang mga imposibleng mangyari, sa isip mo’y tila ‘di totoo pero ngayon ay isa ka na rin sa
nakakakita ng unti-unting pagbabago ng ating henerasyon na tila ba paunlad ng paunlad.

Ang salitang ito ay may kaakibat na nakakabuti at nakakasama rin sa ating mga tao.
Habang sa pagbibigay k ng eksplinasyon sa nakakabuting epekto nito ay sasabihin ko na rin
ang kaakibat nitong masama. Una, mas napapadali nito ang paghahanap o nagbibigay ng mas
mabilis na akses sa mga impormasyon. Isang type mo lang sa search tab ng gusto mong
mabasa o mapanood, ito agad ay lalabas. Mayroon rin tayong tinatawag na social media kung
saan ay mas marami tayong nababasang mga kwento o impormsyon ngunit sa paglago o
maraming pagkukuhanan ng impormasyon, ang iba ay tila hindi alam kung ito ay totoo o
hindi. Karamihan satin ay basta nabasa nila ang isang artikulo ay maniniwala na agad. Yan
ang masamang epekto, ang pagkakaroon ng mga fake news dahil sa dami ng pagkukuhanan
ng impormasyon at dahil na rin sa mga mapanlinlang na mga taong uploader nito. Tulad na
lamang ng mga artistang ‘di umanoy patay na raw ngunit sa telebisyon ay buhay na buhay
silang nagpapakitang gilas sa kanilang mga talento.

Pangalawa, ang teknolohiya ay nakakapagdali ng mga gawin sa maliit lamang na oras.


Kapag ikaw ay ilang oras nang naliligaw, tutulungan ka nitong hanapin ang lugar na gusto
mo na gumagamit ka lamang ng kunting oras o panahon. Ang kaakibat nito ay minsan
nakaasa nalang ang mga tao sa teknolohiya. Pangatlo, ang mga sasakyang sinasakyan mo
araw-araw ay isa rin yang halimbawa ng teknolohiya. Napapadali nito ang iyong paglalakbay.
Kung dati ay naglalakad ka lang, aba, ngayon ay naka-sakay ka na at minsa’y naka-aircon ka
pa na hindi mo ramdam ang maalinsangang panahon. Ngunit may masama rin itong epekto.
Ito ay ang pagkawala ng ehersiyo. Kung ang paglalakad mo noon ay ang iyong ehersiyo sa
umaga, ito ay nilamon na ng teknolohiya. Nagiging tamad ka na. Pang-apat, nagbibigay rin
ito ng mas maayos na komunikasyon. Kung dati ay papel at lapis ang mga hawak nang mga
tao, ngayon, telepono ang mga hawak. Isang halimbawa na rito ay ang online classes na kung
saan nakikita natin ang ating mga guro at mga kaklase sa harap lamang ng mga screen.

Para naman sa ating ekonomiya, ang teknolohiya ay kaugnay ng globalisayon.


Globalisasyon ay malaking epekto sa pagbabago ng mga kultura at pamumuhay ng mga tao.
Ang pagbilis na pag-unlad ng teknolohiya ay kaakibat na mabilis na pag-usad ng ideolohiya
at mga impormasyon. Ang mga pananamit ay nakukuha minsan sa social media kumbaga ito
ay ang trending. Ang mga teknolohiya o mga cellphones ay pinapadali nito ang paghingi ng
tulong sa panahon ng pangangailangan tulad ng kalamidad at ang mabilis na paraan para
makamusta natin ang mga kapamilyang nasa malalayo.

Ang teknolohiya ay kadugtong na talaga nang ating mga buhay ngayon.

You might also like