You are on page 1of 1

Teknolohiya…Teknolohiya Ano ang Iyong Dala?

Isa ka ba sa mga kabataang babad sa gadget? Sa panahon ngayon unti-unting


nagkakaroon ng pagbabago lalo na sa mga kabataan na gumagamit ng ibat-ibang teknolohiya
tulad ng cellphone,laptop,kumpyuter at marami pang iba.
May mga pag-aaral ukol sa epekto ng gadgets sa mga kabataan na naglalayong mailahad
ang mga limitasyon sa paggamit ng mga gadgets na ngayon ay patuloy na lumaganap sa buong
mundo na walang piling edad o estado.
Ang cellphone ay isa sa teknolohiya na nakakatulong sa komunikasyon saang lupalop
ka man ng mundo at nagbibigay daan upang mas mapadali ang ano mang transaksyon
mapaloob o labas man ng bansa.
Sa panahon ngayon mas madali nating magagawa ang mga gawain na may kaugnayan sa
teknolohiya halimbawa sa pagkakaroon ng mga pagsaliksik sa mga bagay-bagay sa pamamagitan
ng internet at social media para mas madali nating malaman ang mga impormasyon.
Pero ano nga ba ang hatid ng pagkakaroon natin ng mga makabagong teknolohiya ?Alam
natin na ang mga ito ay may kaakibat na mga positibo at negatibong resulta lalong lalo na sa
mga kabataan na labis ang panahon na iginugol sa paggamit nito. Kahit ang mga bagong silang
na sanggol ay may sarili ng facebook account.
Ang mga kabataan ay hindi na masyadong nakakapaglaro sa labas at nakikipagsalamuha
sa ibang bata dahil mas malilibang siyang gamitin ang cellphone o kumpyuter. Dahil sa ibat-
ibang naglalabasang site o apps, mas nakatutok ang mga kabataan na gamitin ito gaya ng mga
online games at offline games.
Sa madaling salita, ang lahat nang sobra ay nakakasama. Huwag nating abusuhin ang
paggamit ng ating teknolohiya dahil may malaking pakinabang ito sa atin. Nararapat lamang na
maging responsable tayo sa paggamit nito , kontrol sa sarili at tamang paggabay ng mga
magulang.

You might also like