You are on page 1of 1

Epekto ng Teknolohiya

Magandang umaga sa inyong lahat, sa aking mga kaklase at sa aming guro. Narito ako

upang ipaliwanag sa inyo ang epekto ng teknolohiya lalo na sa mga millenial. Sa


makabagong panahon ngayon di natin maiikaila ang pagdepende natin sa teknlohiya lalo na
sa mga millenials. Ang teknolohiya ay inuugnay sa mga makina, gadget o anumang bagay na
nagpapadali sa gawain ng tao. Madaming mabuting dulot ang teknolohiya sa mga millenial
ngunit meron din itong masamang dulot.

Ang mga mabuting dulot ng teknolohiya sa mga millenials ay ang pagpapadali ng


komunikasyon, pagpapadali ng pagsasaliksik dahil sa internet at pagpapadaili ng mga gawain
sa araw-araw. Ang pagdating ng mga gadget tulad ng smartphone na pwedeng i-connect sa
internet ay nagpapadali ng komunikasyon. Noon ay kailangan natin magpunta sa ga
publikong silid-aklatan upang magsaliksik ngayon may mga search engines tulad ng Google,
Yahoo at Bing kung saan itatype na lang sa search bar at pagktapos ng ilang segundo lalabas
ang mga libo-libong resulta na maaari mong gamitin sa pananaliksik.

Hindi lahat ng epekto ng teknolohiya ay mabuti para sa mga milllenial dahil ang
teknolhiya sa makabagong panahon ay nakakapagdulot ng katamaran,
adiksyon ,cyberbullying at ang pagkakaroon ng access sa mga nilalaman para sa mga taong
may sapat na gulang o sa madaling salita ay adult content. ang adiksyon sa paggamit ng
gadget tulad ng smartphone, computer at laptop ay nakakaapekto sa pisikal at mental na
kalusugan na isang tao. Ang teknolohiya and dahilan kung bakit may internet at ang internet
ang dahilan kung bakit mayroong social media at ang social media ay ang pangunahing lugar
kung saan nangyayari ang cyberbullying kung saan nangyayari ang pagbablackmail.

Ang epekto ng teknolohiya sa mga millenial ay maaaring mabuti o masama dahil ito ay
depende sa paggamit at pagalam ng limitasyon ng gamit nito. Para sa mga millenial na tulad
ko ang teknolohiya ay dapat huwag abusuhin at ito ay gamitin sa paraan kung saan ito
karapatdapat na gamitin.

You might also like