You are on page 1of 15

Kabatan National High School

Grade-11 Science Technology Engineering and Mathematics

Epekto ng Modernong Panahon sa mga

Tradisyon ng Subanen sa Vincenzo

Sagun Zamboanga del Sur

Isinumite ni:

Duran, Michel T.

Fontanil, Abbie Claire M.

Saladaga, Jessa F.

Isinumite kay:

Mrs. Mary Jane D. Mago


KABANATA I

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO

A. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral

Sa makabagong panahon ngayon, ang mga tradisyon ng mga subanen sa Vincenzo

Sagun ay unti-unting nawawala dahil sa teknolohiya, at ginagaya ng mga kabataan ang

mga tradisyon ng ibang bansa. Kung ano ang bago at trending ay gagayahin din. Nariyan

pa rin ang mga kultura at tradisyon ng mga Subanen ngunit unti-unting nawawala dahil sa

impluwensya ng teknolohiya. Lalo na sa mga kabataan ngayon na mahilig gumaya sa

kapwa, hindi nila alam na unti-unti na palang nawawala ang ugali ng matatanda, tulad na

lang ng kanilang wika. Hindi na gaanong ginagamit dahil sanay na sila sa paggamit ng

wikang Bisaya. Hindi naman halos lahat, ngunit masasabi nating marami pa rin ang hindi

na gumagamit o minsan na lamang gumamit ng kanilang wika. May mga kabataan din na

hindi marunong magsanay at hindi alam kung ano ang ginagawa ng kanilang mga ninuno.

1
B. Pagpapahayag ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito na may paksang “Epekto ng Modernong Panahon sa mga Tradisyon

ng Subanen sa Vincenzo Sagun Zamboanga del Sur” ay naglalayong sagutin ang mga

sumusunod na suliranin:

1. Bakit naaapektuhan ang mga tradisyon at kultura ng mga subanen sa makabagong

panahon?

2. Ano ang mga masamang naidulot ng makabagong panahon sa mga tradisyon ng mga

Subanen?

3. Bakit mahalagang malaman natin ang mga negatibong epekto ng makabagong

panahon sa mga tradisyon ng mga Subanen?

C. Layunin at Kahalagan ng Pag-aaral

Layunin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik ng gawaing ito ay para malaman ang epekto ng makabagong panahon

sa tradisyon ng mga subanen. Ang kasagutan sa ilang mga katanungan gaya ng mga susunod

ay lubhang makasagot sa aming paksa.

1. Nagpapaliwanag kung bakit naaapektuhan ang tradisyon ng mga subanen sa

makabagong panahon.

2. Nagpapaliwanag kung bakit mahalagang malaman ang mga masamang epekto ng

makabagong panahon sa tradisyon ng mga subanen.

3. Nagbibigay kaalamanan kung paano nakakaapekto ang makabagong panahon sa

tradisyon ng mga subanen.

2
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito na may paksang “Epekto ng Mordernong Panahon sa mga

Tradisyon ng mga Subanen” ay makakatulong ng malaki sa sumusunod.

Sa mga tao upang malaman kung ano ang mga epekto ng modernong panahon sa mga

nakasanayan ng mga subanen.

Upang hindi makalimutan ang mga tradisyon at mga nakasanayan nila noon na

hanggang ngayon ay pinagpatuloy parin nilang ginagawa.

D. Rebyu ng Kaugnay na Literatura

Ang mga Subanen ay kilala bilang mga aborgines ng Isla ng Mindanao, at matatagpuan

karamihan sa hilaga, kanluran at timog na bahagi ng Zamboanga Peninsula. Sila ay orihinal

na natagpuan sa tabi ng mga pampang ng ilog o “suba” ngunit ngayon ay naninirahan sa mga

bundok.

Ang paniniwala ng mga Subanen sa kalikasan ay makapangyarihan at banal, kung kaya’t

mataas rin ang posisyon sa kanila ng mga tinatawag na baylan o pinunong relihiyoso at

ispiritwal. Naniniwalan rin sila sa iisang ninuno lamang sila nagmula.

Ang kanilang pinakahanapbuhay ay ang pagsasaka, at ang kanilang kadalasang itinatanim

ay palay at bigas. Nagtatanim rin sila ng mais at niyog. Ang kanilang tradisyunal na

panghanapbuhay ay pagtotroso, ngunit ang iba na nakatira sa may tabing-dagat ay natutong

mangisda at magkalakal.

3
Ang edukasyon sa mga taong ito ay limitado sa pagtuturo ng pinuno ng Thimuay sa

magiging mag-asawa tungkol sa pagmamahal, paggalang at pagtrato sa isa't isa, mga

magulang, at mga biyenan. Ang tribo ay walang relihiyon bagama't pinaniniwalaan na sila ay

nagkaroon ng isang banal na aklat sa isang panahon. Sa kasal, ang mga magulang ng lalaki ay

naghahanap ng babaeng papakasalan niya at parehong set ng mga magulang ang nagtakda ng

petsa ng kasal. Ang poligamya at polyandry ay ginagawa ngunit hindi pinapayagan ang

paghihiwalay at hindi rin ang pag-aasawa ng pinakamalapit na kamag-anak. Kapag ang mag-

asawa ay nagnanais na magkaroon lamang ng isa o dalawang anak, ang asawa, pagkatapos

manganak, ay kumakain ng halamang tinatawag na benayan. Para sa spacing ng

kapanganakan, kumakain siya ng dalawang halamang gamot, at kung wala nang bata ay gusto

niya kumain siya ng higit pa. Ang isa pang uri ng birth control ay ginagawa ng midwife na

"manipulahin" ang babae pagkatapos ng panganganak. Iba't ibang paraan ang ginagawa para

matukoy ang kasarian ng isang bata. Ang mga buntis na kababaihan ay dapat sumunod sa

maraming mga regulasyon kabilang ang paglalagay ng isang piraso ng kahoy sa kanyang

landas bago pumunta sa isang pintuan. Itinuturing na isang pagpapala ang pagkakaroon ng

mas maraming anak na babae kaysa sa mga anak na lalaki dahil mababawi ng ama ang

ibinayad niyang dote para sa kanyang asawa. Mayroong pangkalahatang paniniwala na ang

lahat ng tao ay dapat.

Ang Modernong Panahon ay kapansin-pansin na malaki ang pinagbago ng paraan ng

pamumuhay ng tao ngayon kumpara noon. Kung tutuusin malaki ang problema ng mga tao

ngayon at ito ay ikinatutuwa nila, ang mga bagay na natatamasa nila sa mga bagay na nalikha

sa modernong panahon pero hindi naman nila iniisip ang magiging dulot nitong pagkaraan ng

maraming taon. Magiging kawawa ang mga taong mabubuhay sa hinaharap dahil sira na ang

kanilang magiging tahanan at ito ang mundo.


Ang palaging bukambibig ng mas mga nakatatanda sa atin ay masisipag ang mga tao

noon kaysa ngayon sapagkat nagagawa nila ang mga bagay sa mano-manong paraan di tulad

ngayon na mga makabagong makinarya na gumagawa sa isang bagay na kaya namang gawin

4
ng kamay ng tao. Maraming halimbawa na malaki ang pinagbago ng pamumuhay ngayon

kumpara noon gaya ng paggising sa umaga. Ang mga tao noon ay nagigising dahil sa tilaok

ng manok pero ngayon ay nang dahil na sa ingay na naidudulot ng alarm clock, sa paglalaba

noon ay halos paltos paltos na ang kamay mo dahil sa kakukusot sa isang tambak na labahin

pero ngayon dahil sa washing machine at dryer isang pindot mo na lang paglabas ay tuyo na

ang iyong damit, isusuot mo nalang at di mo na kailangan pang paarawan ng ilang oras para

matuyo, dati kapag magusot o lukot ang damit mo ay kailangan mo pang magparingas para

ilagay sa plantang di- uling na iyong gagamitin para maging makinis at maayos ang isusuot

mong damit di tulad ngayon na isasaksak mo nalang at konting pindot o pihit sa plantsa

magagamit mo na para maging maayos ang iyong isusuot, sa paraan ng pagtitimpla ng kape,

noon kailagan mo pang magpainit ng tubig para makapagtimpla ng kape pero ngayon dahil sa

makabagong teknolohiya isang pindot mo na lang lalabas na kaagad ang kape at iinumin mo

na lang hindi mo na kailangang haluin, noon kapag mainit ang panahon kailangan mo pang

magpapaypay para ikaw ay malamigan pero ngayon pindot dito pindot doon at 'yon bahala na

si electric fan o air conditioner para palamigin ang iyong katawan, ginawa ba ng mga tao ang

mga bagay na ito upang makatulong o dahil tamad lang talaga sila?

Kapansin-pansin rin ang pananamit ng mga tao ngayon. Tanghali na halos mukha na lang

ang makita sa iyo dahil sa suot mong napagkahaba-habang bestida pero ngayon ay uso na

yung kasuotan na kinulang sa tela parang yung konting yuko na lang ehh kita na pati iyong

kaluluwa. Masakit mang isipin pero mas pinili pa yata ng mga kababaihan ngayon ang

magmukhang maganda kaysa respetada.


Dahil nga moderno na ngayon ay hindi mawawala dito ang mga computer at mobile

games, aaminin namin na naglalaro kami ng mga ito pero hindi madalas, nababahala kami

dahil maraming bata ngayon na nasa murang edad pa lang ay adik na kaagad sa mobile at

computer games. Ang tanging mga laro noon ay patintero, habulan, tagu-taguan at tumbang

5 ay DOTA, COC, at kung ano pang mga X


preso di tulad ngayon na ang mga larong nauuso

Box Games bukod sa nakasisira ng mga mata ay nakapagpapasama din sa ating kalusugan

dahil halos kamay lang ang nagalaw sa katawan natin kapag naglalaro tayo ng mga ito. Alam

niyo ba na mas maganda pang magtatakbo sa isang park o palaruan dahil gumagalaw ang

buong katawan mo at makakapag-exercise ka pa at maaari kang magkaroon ng kaibigan.

Bakit ba mas pinipili pa ng mga kabataan ngayon na magbabad maghapon sa harap ng

computer upang mag-internet o maglaro kaysa maglaro o mamasyal kasama ang iyong mga

kaibigan? Hindi ba nila iniisip na masama ang naidudulot ng radiation sa kalusugan ng tao?

Kung mabubuhay lang ang mga taong nabuhay noon ay tayong kaawaan sapagkat nakikita

lang natin ang kaligayahan sa mga materyal na bagay na gawa ng tao na hindi nilikha ng

Diyos.

Sa aking palagay ay patuloy pa rin na lilikha ang mga tao ng bagong materyal na bagay

na kagigiliwan ng karamihan sapagkat ang dating nakagawian ay unti-unti nang nalilimutan

at ang mga tao ngayon ay namumula na sa Modernong Panahon.

Kung aalisin lang ang mga materyal na bagay ngayon tiyak na makikita ng karamihan

ngayon kung ano ang tunay na kagandahan at mararanasan nila kung ano ang tunay na

kaligayahan. Mas masayang pagmasdan ang mapayapang paligid na nilikha ng Diyos kaysa

maglaro maghapon ng computer games at magbabad magdamag sa pag-iinternet. Hindi

namin sinasabi na huwag gumamit ng computer at kung ano pa mang likha ng tao ang aming

nais lamang iparating ay gamitin nila ito ng may limit at tama.


Kung ipagpapatuloy natin ang maling paraan ay magugulo ang kinabukasan ng mga

susunod pang henerasyon. Ang modernong panahon ay nakakaapekto talaga sa pamumuhay

hindi lamang sa subanen kundi sa lahat ng tao. Hindi man namin masasamang epekto ang

naidulot ng modernong panahon ang sa amin lang ay may limitasyon sa lahat ng sinasabi.

E. Teoritikal na Gabay at Konseptuwal ng Balangkas

Teoritikal na Gabay 6

Ang mga Subanen ay isang katutubong grupo na naninirahan sa probinsiya ng

Zamboanga del Sur. Isa sa kanilang mga pangunahing tradisyon ang kanilang paniniwala at

pagpapahalaga sa espiritu ng kanilang ninuno. Ngunit ang modernong panahon at impuensya

mula sa labas ng kanilang komunidad ay nagsasanhi ng ilang epektong posityibo at negatibo

sa kanilang mga tradisyon.

Positibong Epekto

Ang pagdating ng modernong teknolohiya tulad ng social media at cellphone ay

nagbibigay ng paraan upang mai-preserve at maipahayag ang kanilang kultur at tradisyon

nang mas higit pa. Nakakagawa sila ng mga dance covers at iba pang video na ipinapakita

ang kanilang tradisyon na maipapalitan sa iba.

Gumaganda rin ang akses sa edukasyon at impormasyon. Ito ay nagbibigay ng

kaalaman sa mga subaltern tungkol sa kanilang tunay na kasaysayan at tradisyon hindi

lamang sa simpleng salita kung hindi nang may patunay. Ito ay nakakatulong pag naisin

nilang baguhin ang ilang tradisyon na hindi na angkop.

Negatibong Epekto
Sa pagdating naman ng mga dayuhang relihiyon, ilang mga Subanen ay lumilipat sa

mga ito. Ito ay nangangahulugan ng pagkaagos at pagkawala ng kaalaman tungkol sa

kanilang mga ancestral na paniniwala at practices.

Ang unti-unting pagsali sa modernong ekonomiya ay gumugulo sa ilang mga

tradisyunal na gawaing-buhay. Nakakalimot ang ilan ng kanilang mga matatandang

kasanayan at tradisyon sa pamamagitan ng pagtatrabaho at pagnenegosyo nang hindi kaugnay


7
sa kanilang komunidad.

Sa kabuuan, ang modernong panahon ay may parehong epektong positibo at negatibo

sa mga tradisyon ng Subanen. Kailangan nilang maging mapanuri para mamili ng mga

benepisyo nito na hindi nagpalitaw ng tumpak na pagkawala ng kanilang kasaysayan at

kultura.
Konseptuwal ng Gabay
8
Input
Nais ng mananaliksik na malaman Ang Epekto ng Modernong Panahon sa

mga Tradisyon ng Subanen: Hindi na masyado ginagamit ang Tradisyon ng mga

Subanen kung kaya’t magsasagawa ang mananaliksik ng paglilimbag ng

kwestyuner na naglalaman na mga katanungan hinggil sa paksang pinag-aaralan.

Proseso
Ang mga mananaliksik ay mamamahagi ng mga nasabing kwestyuner sa

mga Subanen ng Vincenzo Sagun upang makakalap ng mga impormasyon o datos

hinggil sa paksang pinag-aaralan o tinatalakay.

Awtput

Inaasahan ng mananaliksik sa pag-aaral na ito na matukoy ang epekto ng

modernong panahon ng mga tradisyon ng subanen ay patuloy na mapagyaman ng

mga kasalakuyan at mgasusunod panghenerasyon.

F. Sakop at Delimitasyon ng Pag-aaral


Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga tao namumuhay sa Vincenzo Sagun. Ang

pag-aaral na ito ay tungkol sa epekto ng modernong panahon sa mga Tradisyon ng

Subanen sa Vincenzo Sagun Zamboanga del Sur.

G. Daloy ng Pag-aaral
9

Matapos mabuo ng mananaliksik ang mga bahagi ng pananaliksik na Rasyonal at

Kaligiran ng Pag-aaral, Paglalahad ng Suliranin, Layunin at Kahalagahan ng Pag-

aaral, Rebyu ng Kaugnay na Literatura, Teoretikal na Gabay at Konseptuwal na Balangkas at

Sakop at Delimitasyon ng Pag-aaral, gagawin naman ng mananaliksik ang Kabanata II

na naglalaman ng Metodolohiya at Pamamaraan ng Pananaliksik kung saan matatagpuan

ang Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik na binubuo ng tiyak na tatakbuhin ng

pananaliksik, Lokal at Populasyon ng Pananaliksik kung saan tinukoy ang kabuuang

populasyon ng mga kalahok ng paag-aaral, Kasangkapan sa Paglikom ng Datos kung

saan tinukoy ang ginamit na instrument sa pagkuhang mga datos, Paraan sa Paglikom

ng Datos at Paraan sa Pagsusuri ng Datos.

Sa Kabanata III naman ng pananaliksik matatagpuan ang mga resulta na nakalap ng

mananaliksik mula sa paggamit ng instrumento na napilinggamitin pati na ang mga

analisasyon ng mananaliksik sa mga datos na kanyang nalikom. At sa huling bahagi

naman ng pananaliksik matatagpuan ang konklusyon, implikasyon, at ang mga ginamit

at pinagbasehan na sanggunian.
KABANATA II
10
METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN

A. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik

Tatalakayin sa kabanatang ito ang Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik na binubuo

ng tiyak na gagawin sa pananaliksik, Lokal at Populasyon ng Pananaliksik kung saan tinukoy

ang kabuuang populasyon ng mga kalahok ng pag-aaral, Kasangkapan sa Pagkuha ng Datos

kung saan tinukoy ang ginamit na instrumento sa pangungumpil ng datos. Paraan sa

Pagkukuha ng Datos at Paraan sa Pagsusuri ng Datos.

Pamamaraan ng pananaliksik

Ang pag-aaral na ginagamit ng mga mananaliksik ay sa paraang Etnograpik. Tatangkaing

ilarawan at suriin ng mga mananaliksik ang epekto ng modernong panahon sa mga Tradisyon

ng Subanen sa Vincenzo Sagun Zamboanga del Sur.

B. Lokal at Populasyon ng Pananliksik

Ang mga tagatugon ng mga pananaliksik ay ang mga Subanen nakatira sa Vincenzo

Sagun Zamboanga del Sur.


C. Kasangkapan ng Paglikom ng Datos

Ang napiling instrumento sa paglikom ng mga datos sa pag-aaral na ito ay questionnaire o

talatanungan. Ito’y naglalaman ng katanungan na naaayon sa paksang, Epekto ng Modernong

Panahon sa mga Tradisyon ng Subanen sa Vincenzo Sagun Zamboanga del Sur.

11
D. Paraan ng Paglikom ng Datos

Ang mananaliksik ay susulat ng kahilingan sa mga Subanen ng Vincenzo Sagun

upang masagawa ang pag-aaral na ito. Kapag nakuha ang pahintulot, isasagawa na ang

pangangalap ng datos na gagamitin sa pag-aaral. Ang mga datos na ito ay ang mga

Subanen sa Vincenzo Sagun.

E. Paraan sa Pagsusuri ng Datos

Isasailalim sa iba’t ibang angkop na estatistika ang makakalap na mga datos at

kasagutan ng mga respondent upangsuriin, analisahin,at bigyan interpretasyon. Upang

matiyak ang mga respondent sa pananaliksik na ito “total population” at “frequency

count.” Gagamitin ang “mean” upang malaman ang epekto ng modernong panahon sa

mga tradisyon ng subanen sa Vincenzo Sagun Zamboanga del Sur.


Rebyu ng Kaugnay na Literatura

12 sa Zamboanga del Sur, partikular na sa


Ang Subanen ay isa sa mga katutubong grupo
bayan ng Vincenzo Sagun. Tumutukoy ang salitang "Subanen" sa sampung bayan na
kinasasakupan nila. May sariling wika at paniniwala ang mga Subanon.

Ang tradisyon ng mga Subanen ay mahalaga sa kanilang kultura at identidad. Ang pag-
aaral ng mga panitikang nauugnay sa kanila ay makatutulong upang mas maunawaan ang
kanilang nakaraan at kasalukuyan.

You might also like