You are on page 1of 3

Ang Pamumuhay ng mga Tao Noon at Ngayon

Malaki ang pagkakaiba ng buhay noon kaysa ngayon.Sa


ugali,pananamit,at araw-araw na buhay.Noon sa mga naririnig ko sa
mga lolo,lola at matatanda simple daw ang buhay nila.Maraming
puno ang paligid kaya malamig ang hangin.Wala noon electric
fan.Ilan lamang ang may kuryente.Tanim na gulay sa bakuran ang
malimit na ulam.May isda din paminsan-minsan.Mga kamote at mais
ay kinukuha din sa tanim sa palayan.Walang telebisyon kaya
nakikinig lamang ang mga tao sa mga drama sa radyo.Ito ang aliwan
na nila.Ang mga bata ay naglalaro ng patintero,habulan,bahay-
bahayan at tumang preso.

Sa gabi ay taguan ang laro nila lalo na pag maliwanag ang


buwan.Sabi ng matatanda marami sa mga bata noon ay marunong
ng gawaing bahay.Maglaba,magluto,maglinis at umiigib pa ng tubig
sa mga poso o tungga.Hindi sila nakakapag-aral at nakakagawa ng
takdang-aralin kapag hindi muna nakakatulong sa mga gawain sa
bahay.Inaasahan din silang mag-alaga ng nakababatang kapatid lalo
na kapag nagtatrabaho ang ama at ina sa bukid.

Bihira daw noon ang kakaunti ang anak.Marami ang anak ng bawat
pamilya.Kaya hirap ang ama at ina na maibigay ang mga kailangan
ng anak.Kaya malimit ay hindi nakakapagtapos ang mga anak ng
pag-aaral.Hangang elemenyarya lamang ang natatapos nila.Dahil
walang mga libangan lalo na sa gabi,kwentuhan na lang at tawanan
ang ginagawa ng mga kabataan.O kaya ay kantahan.Masaya na sila
na ganitong pamumuhay.Iilan lamang ang mga bahay.Maraming mga
puno.Pero hindi sila natatakot maglakad at umalis sa gabi dahil
tahimik noon at walang mga masasamang tao na pauli-uli.Minsan
naman ang libangan daw nila sa araw ay maglupak ng kamote.Sama-
sama ang mga binata at dalaga sa isang bahay at doon sila
naglulupak.Masasaya sila at nagtutulungan.At kung may mga
gagawain sa barangay,ang mga kabataan ang inaasahang
gumagawa ng maraming bagay.Lalo na pag may pista.Sila ay bahala
sa paghahanap ng mga gamit,pag-iimbita ng mga dalaga at binata sa
ibat-ibang baryo at pati ang pag-aayos ng mga pagkain at
inumin.Kaya ang mga kabataan noon ay maraming kaibigan kahit sa
mga kalapit na baryo o lugar.Pero kahit ganito ang buhay nila
mahigpit ang mga magulang noon sa mga anak.Hindi basta
nakakaalis ng bahay ng hindi nagpapaalam ng maayos sa mga
magulang.At kung payagan man ay umuuwi agad sila.Bawal ang
nagtagalsa labas ng bahay.Ito’y sumusunod naman ng maraming
anak.

Ako,bilang isang mag-aaral ay kabilang sa bagong


henerasyon.Kabilang sa maraming mag-aaral o kabataan na hindi
naranasan ang buhay tulad ng sa mga lolo at lola at tulad ng buhay
ng aking ama at ina.

Ngayon,lahat ng bagay ay nakukuha ng mabilis.Marami ay pinipindot


lamang.Madaling makating sa iba’t-ibang lugar dahil maraming klase
ng sasakyan ang pwede nating masakyan.Noon ay malimit ay lakad
ang tao dahil iilan lamang ang sasakyan.Sa isang baryo ay isa o
dalawa lamang ang pampasaherong dyip.Ngayon ay napakaraming
dyip na nagbibyahe.Noon ay wala pang kulay ang telebisyon at
ginagamitan pa ito ng battery.Ngayon ay makulay na at may ibat-
ibang laki.Maraming channel ang mapapanood.Ang mga kabataan
ngayon ay hindi nakakapaglaro sa labas at naiinitan.Karamihan ay sa
loob lamang ng bahay nanonood ng telebisyon,naglalaro sa
cellphone,tablet at iba pang mga makabagong gamit.

Nagkakaroon ng kaibigan sa text na lamang o sa facebook.Hindi sila


naaasahan sa mga gawaing bahay.Ang mga magulang lalo na ang
ina ang nag-iintindi ng lahat ng kailangan sa bahay.Yong iba ay may
mga katulong pa na siyang naglalaba at naglilinis ng bahay.Marami
ay pumapasok sa magagandang iskwelahan.May tagahatid pa at
tagaturo sa pag-aaral.Noon,kalimutan ay ama lamang ang
nagtatrabaho para sa pamilya.Ngayon ay katulong na rin ang ina sa
paghanapbuhay.Mas mahal ngayon ang mga bilihin at
pangangailangan kaysa noong una.Kaya nagsisikap na mabuti ang
maraming magulang.

Sa panahon ngayon,marami tao ang mga masasamang tao kaya


hindi na ligtas na lumbas ng gabi ang mga kabataan.Maraming bagay
ang ipinagbawal.Maraming mga krimen kaya laging ingat ang mga
tao.Masaya at maunlad naman ang buhay ngayon lalo na ang mga
kabataan pero hindi na nga lang nila masyadong nararanasan ang
simpleng buhay ng isang bata tulad noong unang panahon.Marami
ngayon sa kabataan ay umaasa talaga sa magulang dahil hindi sanay
sa mahihirap gawain,Pero sila naman ay natuturuan pa din ng
magagandang asal.Marami pa rin naman ngayon tulad ng mga bata
noon na may pagmamahal at paggalang sa magulang at sa
maruming tao.Mas bukas ang isip ngayon ng mga tao sa maraming
bagay at may karapatan silang magbigay at may karapatan silang
magbigay ng mga solusyon,paliwanag sa kahit ano mang usapan.

Nabago man ang pamumuhay ng tao noon at ngayon ang mahalaga


ay may nagsisikap silang mabuhay ng maayos laging
nagdarasal,nagsisimba at sumasama sa mga gawaing pansimbahan.

Pero noon ay masarap talaga ang hangin,malamig,walang polusyon


sabi ng mga matatanda.Walang kemikals ang mga pananim kaya
marami ang hindi nagkakasakit nahaba ang buhay.Ngayon marami
polusyon sa hangin at tubig.Makapal ang usok ng mga sasakyan at
pabrika.Pero ito naman nga ay dala ng pag-unlad ng
pamumuhay.Gumagawa naman ng mga programa ang pamahalaan
upang maging maayos ang pamumuhay at kapaligiran natin ngayon.

You might also like