You are on page 1of 2

“ANG MGA KABATAAN”

Ayon sa mga matatanda ang mga kabataan ngayon ay ibang – iba na kung ikukumpara
natin sa mga kabataan noon sa maraming aspeto at kabilang dito ang kanilang pag – uugali at
pananamit.

Ang mga kabataan noon ay higit na magagalang, masunurin, mababait, masisipag,


matulungin, at hindi marereklamo di katulad ng mga kabataan sa panahon natin ngayon. Noon
dahil nga mahirap ang buhay, ang mga kabataan ay maagang namulat sa katotohanang, “ang
isang tao para mabuhay ay kailangan niyang magbanat nang kanyang sariling mga buto.”
Katulad ito nang mensaheng nais iparating ng isang matandang kasabihan na, “kung walang
tiyaga ay walang nilaga,” kung hindi ka kikilos at gagawa ay walang mangyayari sa iyo.
Kaya’t sa halip na maglaro at pumasok sa eskwelahan para mag – aral ay tumutulong na
lamang sila sa kanilang mga magulang sa mga gawaing bahay at paghahanapbuhay. Sa
madaling salita ang mga kabataan noon ay maagang natuto na maging isang responsableng
mamamayan .Lubha ring malinaw sa kanilang puso’t isipan ang mga gingawa ng kanilang
mga magulang upang sila’y makaraos sa pang – araw – araw nilang pamumuhay. Sila’y
masinop rin sa pag – aayos ng kanilang mga pangangatawan, maingat din sila kung manamit
at matapat din sila sa pagsunod sa mga utos ng kanilang mga magulang at sa iba’t – ibang
mga mga alituntunin sa ating lipunan. Sapagkat ang mga kabataan noon ay lubhang sagana sa
mga pangaral ng kanilang mga magulang kung kaya’t sila’y mayroong mabubuting asal.

Kaiba naman sa mga kabataan sa panahon natin ngayon. Mulat sila sa makabagong
panahon na dulot nang mabilis na pag – unlad kaya’t higit na mas malawak ang kanilang
kaalaman at pangangatwiran na kung minsan ay nagiging sanhi na nang kawalan nila ng pag
– galang sa kapwa. Mayroon na din silang isang mapagsawalang – bahalang ugali ---
sapagkat ang mga bagay na maaari na nilang gawin ngayon ay palagi na lamang nilang
ipinagpapabukas kaya’t kung minsan ay hindi na nila ito nagagawa. Mas bulgar na rin ang
kanilang mga pananalita at mga pananamit --- kung ano ang kanilang nararamdaman ay
tahasan na nila itong sinasabi hindi batid ang mararamdaman ng kanilang kapwa. Sila ay
lubos na ring mapangahas sa paggawa ng mga bagay na kung minsan ay hindi na kanais –
nais. Katulad na lamang ng pagiging mahilig nila sa mga kung anu – anong uri ng
paglilibang. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang paglalaro nila ng mga kompyuter games,
pagkakalulong nila sa iba’t – ibang uri ng sugal, pagkakaroon nila ng iba’t – ibang uri ng
bisyo at marami pang iba. Ito ang mga dahilan kung bakit nila napapabayaan ang kanilang
pag – aaral at dahil hindi rin nila batid ang hirap na dinadanas ng kanilang mga magulang
para lamang sila ay mapag – aral at mabigyan ng isang magandang kinabukasan. Ngunit sa
kabilang dako, itinuturing na mas mapalad ang mga kabataan ngayon kaysa sa mga kabataan
noon. Alam niyo ba kung bakit? Ito ay dahil hindi na nila kailangan pang magbanat ng buto
para lamang makakain ng tatlong beses sa isang araw at makapag – aral sa isang magandang
paaralan sapagkat nandiyan naman ang kanilang mga magulang na sa kanila’y handang
umagapay; nandiyan na din ang mga makabagong teknolohiya na lubhang pinapadadali ang
kanilang mga gawain.
At kahit ano pa ang ating sabihin, mananatili pa ring ang mga kabataan ang nag - iisang
pag – asa at kinabukasan ng ating bayan. Sila ang maghahatid sa ating bayan sa kasaganahan
at mag – aahon dito mula sa kahirapan. Ang panahon ng pagkilos at paggawa ng aksyon ay
hindi mamaya, hindi rin bukas o sa isang taon kung hindi ngayon na mismo. Huwag tayong
maging tamad at pabaya sa ating pag – aaral sapagkat balang araw o di kaya’y maaaring
bukas tayo ay isa na sa mga taong magiging tulay upang ating bansa’y umunlad. At ang tunay
na tagumpay ay yaong galing sa ating sariling dugo’t pawis at pagsisikap at hindi yaong
galing sa dugo’t pawis ng ibang tao. Kaya’t mga kabataan ay ating pangalagaan, mahalin at
gabayan ng sa gayon sila’y di maligaw ng landas.

You might also like