You are on page 1of 3

Talumpati'ng Dokumentaryo

sa KPWKP
“Ang Kabataang Pilipino sa
Henerasyon Natin Ngayon”

Ipinasa ni:
Khrushchev Cliff E. Cabonilas
Gr.11 – STEM

Ipapasa kay:
Gng. Ma. Chona Bracho M.E.D.
GURO
PANGALAN: Khrushchev Cliff E. Cabonilas

POSISYON: Ambasador ng mga Kabataan

TAGAPAGPAKINIG: Mga Kabataang Pilipino

Ang Kabataang Pilipino sa


Henerasyon Natin Ngayon
Sa henerasyon natin ngayon, sinu-sino naba ang mga kabataang nasa ating lipunan? Sila
ba yung mga mabait, magalang, mahinhin, masipag at mapagmahal o sila ba yung matalino,
marunong, hambog, at walang modo? Ano naba ang nangyayari sa kabataan ngayon?
Masolusyonan pa kaya ito?

Ang kabataan sa henerasyon natin ngayon ay ibang-iba talaga kesa sa mga kabataan
noon. Noon sa pagdating sa bahay galing eskwela ang una-una nilang ginagawa ay ang pagmano
sa mga nakakatanda sa kanila. Binibigyan nila ng halaga ang kanilang mga mahal sa buhay. Pero
ngayon mas inuuna pa ang pagpopost sa “Facebook” o pagtweet sa “Twitter” at kung ano-ano
pa. Di nanga nakagagawa ng mga simpleng gawaing bahay dahil sa kakaselfie’t kakalaro. Hindi
naman masama ang mga bagayng iyon, pero sana ay gawin n’yu ang mga bagay na yan sa
tamang oras. Para kasing mas gusto n’yu pang makapiling ang iyung mga “gadgets” kesa sa
inyung mga mahal sa buhay. Ganyan ba ka importante ang inyung mga “gadget” na hindi nyu na
rinerespeto ang inyong mga magulang. Aking mga tagapagpakinig lagi n’yung tandaan na kung
wala ang iyung mga magulang, wala rin ang mga “gadget” mong yan. Huwag nating kalimutan
ang mga magagandang asal na itinuro sa atin ng ating mga ninuno. Dapat tayong matuto na may
oras para sa mga bagay na iyan at oras para sa ating pamilya at mga responsibilidad. Dapat
matuto tayong mamahala sa ating oras. Dahil kung wala ang ating mga magulang na siyang
umaruga’t naggabay sa atin tungo sa tamang landas, sigurado ako na wala tayo sa kinatatayuan
natin ngayon.

Mahal kong mga tagapagpakinig wag nyung kalimutan na “Walang makatutumbas na


kahit anumang materyal na bagay sa tiwala, respeto at pagmamahal ng iyong mga magulang”.
Kaya tayo na at magbago. Alam kong hindi ito madaling gawin kaya’t sa lalong madaling
panahon ay simulan na natin ito.

You might also like