You are on page 1of 14

Ang Kabataan Noon at Ngayon

Ang Kabataan Noon at Ngayon

Ang kabataan noon at ngayon ay may maliit lamang na puwang sa kanilang pagkakalayo sa kilos, gawi,
ugali, pananamit, damdamin at iba pang bagay. Sinasabing ang mga kabataan noon ay higit na
magalang, masunurin at mabait di-tulad ng mga kabataan ngayon. Lubhang taimtim sa puso’t isipan nila
ang kanilang ginagawa; sa kabilang dako, ang kabataan ngayon ay may mapagwalang-bahalang saloobin.
Lalong masinop sa pag-aayos ng katawan at pananamit at lubhang matapat sa pagsunod sa batas ang
mga kabataan noon, kaya wika nga, ang kabataan noon ay hubog sa pangaral at kababaang- loob at ang
asal ay ipinagmamalaki ng lahat.

Kaiba naman ang mga kabataan ngayon. Mulat sila sa makabagong panahon kaya higit na maunlad sa
pangangatwiran na kung magkaminsan ay napagkakamalang pagwawalang-galang sa kapwa. Lubhang
mapangahas sa mga gawin at mahilig sa maraming uri ng paglilibang. Napakatayog ng mga mithiin nila
at higit na maunlad ang tunguhin. Marami rin ang magkasing bait at magkasing sipag sa mga kabataan
noon at ngayon.

Ang kabataan noon at ngayon ay pag-asa ng bayan natin. Kapwa sila makabayan, mapagmahal,
matulungin sa mga kaangkan at may mga mithiin a buhay. Ang pagkakaiba ay ayon sa lakad ng panahon.
Hindi ba’t mayroon tayong “Sampung Lider na mga Kabataan” na pinipili taun-taon? Sila ang saksi sa
ating pinakamahuhusay na kabataan noon at ngayon.
KABATAAN NOON
AT NGAYON

Sabi ni Jose Rizal “Kabataan ang pag-asa ng bayan”, ngunit ano na nga ba ang
nangyayari sa mga kabataan ngayon? Sila parin ba ang pag-asa ng ating bayan o sila na
lang ang siyang nagbibigay problema sa ating bayan?

Oo, ang kabataan ang pag-asa ng bayan, totoo ito dahil sila ang tutulong magangat sa
mga suliranin ng bayan at haharap sa panibagong bukas ng masagana dahil matatalas ang
mga pagiisip nila at nakikita na nila ang mga mali at pagkukulang ng mga mas matatanda
na kanilang itatama sa takdang panahon ngunit ganyan parin ba sa ngayong henerasyon?
Ganyan parin ba ang pagiisip ng mga kabataan para sa kanilang sarili at sa kanilang
bayan?

“Ang mga kabataan sa ngayon ay ibang iba sa henerasyon namin noon” ,”malaki ang
pagbabago ng mga kabataan”, “ibang iba na talaga ang panahon ngayon lalo ng ang mga
kabataan” yan ang laging sinasabi ng aking lolo’t lola. Nagbabago ang panahon, ang
heneresyon at pati rin ang mga kabataan ay nagbabago sa iba’t ibang larangan mapa
negatibo man o positibo. Laging nakwekwento ng akin lolo at lola ang buhay nila nung
sila ay mga kabataan pa lamang. Sa pag ayos ng pananamit, maayos na pananalita at
pagsagot sa mga nakakatanda, sa pag aaral mabuti, sa kilos at galaw at kung ano ano pa.
Noon daw pag pinagalitan na ng mga magulang ang mga kabataan sila nalang ay
tumatahimik hindi gaya ngayon na kahit mangiyak na ang magulang sa pagsasaway
sasagot at sasagot parin ang mga kabataan. Noon napaka konserbatid nila sa pananamit
hindi gaya ngayon basta makisama sa uso. Lalo na rin sa pag-aaral noon sobrang seryoso
ng mga kabataan gagawin ang lahat para makapagtapos hindi katulad ngayon hindi na
pinapahalagaan ang pag-aaral at nagiging pabaya na rin. Makikita mo nalang ang mga
kabataan nasa mall, sa mga computer shop, sa mga bar at sa mga gilid tumatabay at
nakakalimutan na nila ang kanilang ibang prioridad.

Sa bawat oras, araw o taon na lumilipas onti onting dumadami ang mga kabataang
nalululong sa mga bagay na ikasasama nila. Minsan ako’y napaupo sa isang silid at
napaisip sa kalagayan ng mga kabataan ngayon at tintanong ko ang aking sarili “bakit ba
halos lahat ng kabataan ngayon ay pabaya na sa sarili, sa pagaaral at sa iba pa”. Hindi ba
dapat mas maging mabuti at madali ang buhay ng mga kabataan ngayon dahil sa
pagunlad ng teknolohiya ngunit ginamit ng mga kabataan ito sa maling pamamaraan.
Napapaaway sa social media, nakakakuha ng mali maling impormasyon at iba pa. Malaki
ang tulong ng teknolohiya kung ginamit lang ito sa mabuti at tamang pamamaraan.

Marami parin naman ang mga natitirang kabataan ngayon heneresayon na may
tinatahak sa buhay. Naway sana sila ang magbigay daan sa ibang mga kabataan na
maging katulad nila at hindi maging pabaya sa mga bagay bagay. Upang ito’y
magiging paraan para maging mabuti, makabayan, mapagmahal at matulungin sa
lipunan. At itong mga maling hinaharap ng nga kabataan ngayon ay maging tulong para
sakanila upang matuto at magbago. At ituwid ang kanilang kinagisnan at sarili para sa
bayan. Ang kabataan parin ang pag-asa ng bayan.
EDITORYAL - ‘Lupang Hinirang’
SHARES
(Pang-masa) - June 27, 2017 - 4:00pm
BABALA sa mga babaguhin o iibahin ang tono ng Pambansang Awit: Pagmumultahin ng P50,000
hanggang P100,000!

Pasado na ang House Bill No. 5224 na nagtatakda na dapat awitin sa tamang tono ang
Pambansang Awit na “Lupang Hinirang” at inaatasan ang lahat ng Pilipino na kantahin ito habang
ginagawa sa publiko. Ang sinumang hindi sumunod ay mapaparusahan. Dati ang multa sa mga
nagpapalit ng tono sa “Lupang Hinirang” ay P5,000 hanggang P20,000 lamang.

Napapanahon ang pagpapasa ng batas na ito sapagkat marami na sa mga kabataan ngayon ang
hindi na pinahahalagahan ang Pambansang Awit. Marami ang hindi kabisado o memoryado ang
“Lupang Hinirang” at basta sumusunod na lamang sa agos kapag kinakanta. Wala na ring epekto sa
kanila ang pagkanta nito na para bang karaniwan lang at hindi na pinahahalagahan. Tiyak na kung
may magbibigay ng exam at ipasusulat o ipakakanta ang “Lupang Hinirang” marami ang hindi
makakapasa.

Isang paraan kung paano tatangkilikin o mamahalin ang “Lupang Hinirang” ay sa pamamagitan ng
pagbabalik nang araw-araw na flag ceremony sa mga paaralan. Sa kasalukuyan, tuwing Lunes na
lang ginagawa ang flag ceremony at saka uulitin ng Biyernes, kung kailan ibababa ang watawat.

Kung araw-araw na kakantahin sa umaga ang “Lupang Hinirang”, tiyak na makakabisado ito ng mga
mag-aaral. Napapanahon na para ibalik ang dating nakaugalian nang pag-awit sa “Lupang Hinirang”
para naman hindi mawala ang pagmamahal sa bansa. Malaki ang naidudulot nang sama-samang
pagkanta sa Pambansang Awit. Naisasapuso at nadarama ang labis na pagkamakabayan.

Ipatupad sana ito sa lalong madaling panahon.

You might also like