You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino 8

I. Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;


a. Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa mga napakinggang pahiwatig sa
akda.
b. Naipahahayag ang sariling pananaw at damdamin sa ilang pangyayari sa binasa,
c. Naisasalaysay ang talambuhay ni Francisco Baltazar
Pagpapahalagang Pangkatauhan:
 Ang pag-aaral ng kaligirang pangkasaysayan ng Florante at Laura ay makatutulong sa pag-
unawa ng mga salik at pangyayaring nakaimpluwensiya sa may-akda upang lubos na
maunawaan at maihambing ang mga isyong panlipunang nangyari noon at sa kaslukuyan.
(Community)

II. Paksang Aralin: Ang Talambuhay ni Francisco Baltazar


Integrasyon: English (William Shakespeare)
Kagamitan: cards, larawan
Sanggunian: Remedios Infantado (2015), Baybayin:Paglalayag sa Wika at Panitikan, Rex Book Store,
Inc., Sampalok, Maynila
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pag-alam sa Lumiban
B. Proseso ng Pakatuto
1. Introduksyon
 Pagganyak:
- Itatanong ng guro ang mga sumusunod na tanong:
1. Nanonood ba kayo ng programang “MMK?” ng ABS-CBN?
2. Saan ba nakabatay ang mga istorya sa MMK?
 Pag-alam sa dating kaalaman
- Itatanong ng guro ang mga sumusunod na tanong:
1. Kailan at saan ipinanganak si Francisco Baltazar?
2. Ilang beses ba nakulong si Baltazar?
3. Ano ang dahilan kung bakit niya sinulat ang Florante at Laura?
 Paglalahag ng Paksa at Layunin
- Ilalahad ng guro sa klase ang paksa at mga layunin sa paksang tatalakayin.
2. Interaksyon
 Mag-aaral sa Mag-aaral
- Ipapangkat sa sampo ang mga mag-aaral
- Bawat pangkat ay aatasang makinig sa guro habang binabasa ang talambuhay ni Francisco
Baltazar.
 Mag-aaral sa Guro
- Ang guro ay mapapanggap na si Charo Santos ng MMK, ipapagpapalagay na ang letter sender ay
para sa bagong kweto ay si Francisco Baltazar.
- Pagkatapos ng pagbabasa, susunod ang isang quiz bowl na paglalabanan ng sampong pangkat ng
mga mag-aaral.
 Mag-aaral sa Kagamitan
- Ang Quiz bowl ay sa paraang multiple choice (A, B, C, D). Ibig sabihin, sasagot ang bawat
pangkat sa pamamagitan ng pagtatas ng kanilang card na may titik ng tamang sagot.
- Ang unang pangkat na makakuha ng limang puntos ang tatanghaling panalo.
3. Integrasyon
 Pag-uugnay sa dating kaalaman sa bagong natutunang kaalaman.
- (Ang mga tanong na nauna nang ibinigay ng guro sa mga mag-aaral sa simula ng klase ay lalabas
din sa quiz bowl.)
 Pag-uugnay sa ibang Asignatura: English (William Shakespeare)
- Si Francisco Baltazar ang tinaguriang William Shakespeare ng Pilipinas.
- Ibabahagi ng guro sa mga mag-aaral ang kaalaman tungkol sa buhay ni William Shakespeare at ang
kanyang background bilang isang magiting na manunulat.

 Pagpapahalaga
- Ano ang naging damdamin niyo nang makulong si Francisco Baltazar?
- Karapat-dapat ba sa isang taong kagaya ni Francisco Baltazar ang nakalulumong karanasan?
Bakit?
- Sa kasalukuyan, masabi ba ninyong may ganito paring nangyayari sa ating lipunan? Magbigay
ng mga halimbawa.
IV. Ebalwasyon
- Sa isang buong papel, isalasay ninyo ang talambuhay ni Francisco Baltazar.
V. Takdang Aralin
Isulat sa kwaderno
- Ano ang tayutay? Magbigay ng mga halimbawa.

You might also like