You are on page 1of 2

SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD

PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG FATIMA


LUNGSOD NG HENERAL SANTOS
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO –BAITANG 8

Enero 4, 2019

GRADE 8 – Mandino 3:00-4:00 (SPJ)

I. Layunin:
A. Pangkalahatang Nilalaman:
Naipamamalasng mag-aaral ang pag-unawa sa isang akdang pampanitikan na
mapagkukunan ng mahahalagang kaisaipang nagagamit sa paglutas ng ilang
suliranin ng lipunang Pilipino sa kasalukuyan.

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng makatotohanang radio broadcasting na
naghahambing sa lipunang Pilipino sa panahon ni Balagtas at sa kasalukuyan.

C. Kasanayang Pampagkatuto:
Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitang ng:
 Pagtukoy ng kalagayan ng lipunan sa panahong nasusulat ito
 Pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda
 Pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong masulat

II. Nilalaman/Paksang-Aralin

Panitikan: Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura


Akda: Florante at Laura

III. KAGAMITANG PANTURO

A.Sanggunian Pluma 8
a..Mga pahina sa gabay ng guro:
b. Mga pahina sa kagamitan ng mag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk: 490-499

IV. PAMAMARAAN
A.Panimulang Gawain
a.Pagbabalik-aral/Pagtuklas
May nabasa na ba kayong isang sikat na akdang pampanitikan?

b. Pagganyak
Magpapakita ng isang larawan ng isang blangkong pabalat ng isang aklat.
Kung ikaw ay gagawa ng isang aklat tungkol sa iyong buhay, ano ang iyong
magiging pamagat nito?

c. Paglalahad ng Layunin:
 Naisasalaysay ang kaligirang pangkasaysayan ng akdang Florante at Laura.
 Naiuugnay ang talambuhay ng awtor sa akdang pampanitikang binasa.

B. Paglinang ng Aralin
a. Gawain
tatawag ang guro ng ilang mag-aaral na babasa sa bawat taludtod ng kaligirang
pangkasaysayang ng akda.
b. Nailalahad ang kaligirang pangkasaysayan ng akda.
c. Pangkatang Gawain: Gamit ang graphic organizer isulat ang mga naging layunin
ni Fransisco Balagtas kung bakit niya naisulat ang akdang Florante at Laura.

1.

Layunin ng
4.
pagsulat 2.
ng akda

3.
C.paglalahat

d. Pagtataya
Ipaliwanang ang ugnayan ng buhay ni Fransisco Balagtas at ng akdang kanyang
sinulat na Florante at Laura.

FRANSISCO FLORANTE
BALAGTAS AT LAURA

V. KARAGDAGANG GAWAIN

 Bumili ng aklat ng Florante at Laura


 Alamin at Kilalanin ang mga mahahalagang tauhan ng Florantye at Laura.

Rodelyn M. Angonia Ma. Nila D. Fuentebella


Practice Teacher Critic Teacher

You might also like