You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino II: Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura

I. Mga Layunin

a. nakakapagbibigay-kahulugan sa ipinahihiwatig ng mga larawan kaugnay ng aralin

b. nakapagpapaliwanag ng sariling ideya o opinyon tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at


Laura batay sa Kaligirang Pangkasaysayan nito; at

c. nakakapagpakita ng pagtangkilik sa akdang Florante at Laura sa pamamagitan ng ‘slogan-poster


making’.

II. Mga Pamamaraan

Mga Karaniwang Gawain:

a. Pagdarasal

b. Pagbati

c. Pagtitisek ng Attendance

d. Pagbibigay ng balik-aral

A. Pagganyak:

-Pagbubuo ng larawan bawat pangkat

- Pagpapaskil sa pisara ng nabuong larawan

Hihingiin ang paliwanag ng mga mag-aaral tungkol sa larawang pinaskil. At mula sa mga paliwang nila ay
bubuksan ang pagtalakay sa aralin.

B. Paglinang sa Aralin

Pagtatalakay sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura

- Pagbabalik sa mga mahahalagang nangyari sa bansa noong isinulat at nang matapos isulat ni Balagtas
ang awit na Florante at Laura
Mahahalagang Tanong

 Bakit labis na pinaghihigpitan noon ang mga Pilipino sa pagsulat ng mga babasahin?
 Ano ang naidulot ng awit sa mga Pilipino noong mga panahong iyon?
 Alin sa mga pangyayaring dinanas ng bansa noon ang ayaw mo nang maulit?
 Bakit mahalagang pag-aralan ang Florante at Laura batay sa kasaysayan nito?

C. Pagpapahalaga

Mahalagang bigyang puri ang sariling atin

D. Ebalwasyon:

- Pagsasagawa ng “Slogan-Poster” na nagpapakita ng pagtangkilik sa akdang Florante


at Laura

III. Takdang Aralin: Magbigay ng isang akdang pampanitikan na maihahambing mo sa Florante at Laura,
magbigay ng paliwanag. Isulat sa isang buong papel.

You might also like