You are on page 1of 7

ROLAND P.

PLATERO
Mala-Masusing Banghay-Aralin sa Filipino

I. Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nakakakilala sa mga tauhan ng kwento;
b. napahahalagahan ang magandang mensahe ng kwento;
c. naisasadula ang ilang eksina ng kwento.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Ang Lumang Simbahan ni Florantino T. Collantes ( Boud ng
nobela/kwento )
B. Talasanggunian:
Aklat ng Masining na Pagpapahayag,
https://www.scribd.com/document/338662927/Buod-Ng-Ang-
Lumang-Simbahan-Isang-Nobela
C. Kagamitan: ppt, laptop, at projector

III. Pamamaraan:
A. Paunang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati ng magandang umaga
3. Paglista ng mga lumiban sa klase

B. Pagganyak
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral, kung sino ang may hilig
manood at magbasa ng mga love story at magtatanong ulit ang guro sa mga
mag-aaral kung ano ang kanilang sariling pagpapakahulugan sa pag-ibig o
pagmamahal.

C. Paglalahad
1. Pagbasa ng guro sa buod ng nobelang “Ang Lumang Simbahan”
2. Masusing pagtalakay at pag-iintindi sa bawat pangyayari sa kwento
3. Pagbibigay ng kaunting halimbawa basi sa karanasan ng guro na may
pagkakatulad sa mga pangyayari sa kwento.

D. Paglalahat
Pagtanong ng guro sa mga mag-aaral sa kung ano ang kahalagahan sa
pagkamit ng isang ganap na pag-unawa at pagpapahalaga sa binasang akda.
Matapos nito ay ang malayang talakayan hinggil sa tugon ng mga mag-aaral.

E. Paglalapat
Magkakaroon ng pangkatang gawain sa klase. Ipapangkat ng guro sa
limang pangkat ang buong klase at bawat pangkat ay pipili ng isang eksina na
tumatak sa kanilang isipan at damdamin habang binabasa ang kwento. Bawat
pangkat ay bibigyan ng limang minuto para makapagperform.

IV. Pagtataya
1. Sino ang may-akda ng nobelang “Ang Lumang Simbahan”?
2. Sinong pari ang gustong pagsamantalahan si Julita?
3. Sino ang tumulong kay Julita habang hinimatay ito sa daan at nagpalaki sa
kanyang anak nang ito ay mamatay?
4. Sinong kapatid ni Don Kintin na nakipagsundo na ipakasal ang kanilang mga
anak upang hindi mapunta sa ibang tao ang kanilang kayamanan?
5. Ano ang tawag sa kanilang laro na ginanap sa kaarawan ni Belen?
6. Sino ang karibal ni Ciriaco sa pag-ibig para kay Belen?
7. Sino ang ama ni Lamberto at nagtago ng matagal na panahon sa loob ng
simbahan?
8. Sino ang nagwagi sa puso ni Belen at pinakasalan niya sa lumang simbahan?
9-10. Sino-sino ang mga magulang ni Belen na namatay dahil sa isang disgrasya?

Sagot:
1. Florantino T. Collantes
2. Padre Facundo
3. Aling Kobang
4. Donya Pascuala
5. Huego de prenda
6. Lamberto
7. Rodolfo
8. Lamberto
9. Kapitan Geraldo delos Reyes
10. Kapitana Isabel

V. Takdang Aralin
Basahin at unawain ang akdang “Bulaklak sa Ibabaw ng Bulkan” ni Florencia
N. Garcia para sa susunon na talakayan.
Diagram kung paano nabuo ang wikang tagalog bilang wikang pambansa

1935, Artikulo 14 Seksiyon 3 1936, Pangulong Manuel L.


Quezon

1940, kautusang tagpaganap Blg. 1937, kautusang


203 tagapagpaganap Blg. 134

1973, Pangulong Ferdinand


1959, Kalihim Jose Romero
Marcos

1987, Artikulo 14 Seksiyon 6


Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 ng konstitusyon na, “Ang Konggreso ay gagawa
ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na
batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang
surian upang mamuno sa pag-aaral at pagpili sa wikang pambansa. Tungkulin ng Surian na
magsagawa ng pananaliksik, gabay, at alituntunin na maging batayan sa pagpili ng wikang
pambansa ng Pilipinas.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang batayan ng
wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa. Ipinalabas ni Pangulong Quezon ang
Kautusang Tagapaganap Blg. 203 na napapahintulot sa pagpapalimbag ng talatinigang
Tagalog-Ingles at balarila sa wikang pambansa. Pinasimulan din nito ang pagtuturo ng
wikang pambansa sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa.
Nagpalabas si Kagawaran ng Edukasyon Kalihim Jose Romero ng Kautusang Blg. 7
na nagsasaad na Filipino ang opisyal na tawag sa wikang pambansa. Si Pangulong
Ferdinand Marcos nakasaad sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 na “Ang Batasang Pambansa ay
magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng
pambansang wika Filipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Filipino ay mananatiling
wikang opisyal ng Pilipinas sa buong bansa”.
Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral
na wika sa Pilipinas at sa ibang mga wika.

https://www.coursehero.com/file/12090096/Batas-ng-Wika/

https://www.coursehero.com/file/47126243/1936docx/

https://www.slideshare.net/allanortiz/batas-ng-wikang-filipino

http://www.seasite.niu.edu/tagalog/ang_1987_konstitusyon_ng_republi.htm
Hanapin ang mga sumusunod:
1. BEC-RBEC
REVISED BASIC EDUCATION CURRICULUM (RBEC)
Naipatupad noong 2002 sa ilalim ng utos ng kagawaran ng edukasyon bilang dalawampi't lima (25)
series of 2002. Ang aktuwal na pagpapatupad ng mga alituntunin ay makikita sa DepEd order no.43,
series of 2002, na may petsang ika-29 ng agosto 2002. Ayon sa kalihim ng edukasyon na si Raul
Roco, ang pag-aaral ay nagsimula noong 1986.
MGA LAYUNIN NG RBEC

 Upang magbigay ng kaalaman at mabasa ang kanilang mga kakayahan at pag-uugali sa


personal na pag-unlad na kinakailangan para sa pamumuhay at nag-aambag sa isang
pagbubuo at pagbabago ng kaayusan ng kurikulum sa RBEC.
 Gamit na salita sa pagtuturo alinsunod sa kagawaran ng edukasyon bilingual policy sa utos
ng kagawarang ng edukasyon bilang limampu't dalawa (52), series of 1987.
 ENGLISH- math, science and technology, english TLE, MAPEH/CAT
 FILIPINO- Filipino, english, math, science(science and technology)
 EXPERIENTIAL AREA- Makabayan, araling panlipunan, MAPEH, TLE, Edukasyon sa
pagpapahalaga.
SISTEMA NG RBEC

 Ang mga guro ay kinakailangang maghanda ng kanilang talapaksaan batay sa layunin ng


RBEC.
 Ang banghay aralin ay binalangkas at isinaayos upang matugunan ang mga layunin ng
naisakatuparang kurikulum.
 Lahat ng aytem sa pagsusulit ay talahayan ng pagtatahas ay dapat handa na.
 Ang pagtatanghal sa pagtuturo ay isinakatuparan para sa pag-unlad ng kawani sa panahon
ng school level workshop.

2. UBD (Understanding-by-Design)
Ang pagbabago sa kurikulum ng Filipino sa batayang edukasyon ay dumadaan sa maususing
pagsusuri, pag-aaral at pagdevelop. (Autor, 2005). Kaya ngayon, pagtuunan natin ng pansin ang
isang panibagong development sa larangan ng edukasyon – Undersatnding by Design. Ang mga
edukador na sina Grant Wiggins at Jay McTigheis ay may mahalagang kontribusyon sa
kalakaran at sistema ng edukasyon sa pangkalahatan. Sila ang siyang nagpasimula ng
pagpapakilala sa sektor ng edukasyon ng tinatawag na Understanding by Design, o mas kilala sa
tawag na UbD. Ito ay hinango mula sa kanilang binalangkas na aklat na pinamagatang
Understanding by Design. Ayon sa kanila, Understanding by Design is an increasingly popular
tool for educational planning focused on "teaching for understanding”. The emphasis of this is
on "backward design", the practice of looking at the outcomes in order to design curriculum
units, performance assessments, and classroom instruction. In other words, it is a "framework
that lead the students to deep understanding of the content of the subject matter taught.” Kung
gayon, mahalaga ang hakbanging nilalayon nito upang maging makabuluhan ang proseso ng
pagkatuto ng mga mag-aaral at ito rin ay nagsisilbng hanguan ng mga guro para sa kanilang
mga kasanayang pampagtuturo.Bilang karagdagan, ayon pa rin sa kanila, UbD expands on "six
facets of understanding", which include students being able to explain, interpret, apply, have
perspective, empathize, and have self-knowledge about a given topic.

3. 2010 Secondary Education Curriculum


JUNE 4, 2010 DO 76, S. 2010 – POLICY GUIDELINES ON THE IMPLEMENTATION OF
THE 2010 SECONDARY EDUCATION CURRICULUM (SEC)
June 4, 2010
DO 76, s. 2010
Policy Guidelines on the Implementation of the 2010 Secondary Education Curriculum
(SEC)
1. Key reforms in basic education have been put in place in the areas of national
learning strategies, school based management, teacher education and development,
resource mobilization and management, and quality management system, among
others as a demonstration of the DepEd’s commitment to provide the learners the
best education that they deserve.
2. At the secondary level, a critical reform is in the area of curriculum and instruction
as an urgent response to declining school performance. After a four-year try out in a
number of schools nationwide, the 2010 Secondary Education Curriculum (SEC)
which focuses on teaching and learning for understanding and doing this by design,
is ready for roll-out in the First Year and shall be progressively mainstreamed
following this schedule:
SY 2010-2011 – First Year level
SY 2011-2012 – Second Year level
SY 2012-2013 – Third Year level
SY 2012-2014 – Fourth Year level
This implies that for SY 2010-2011, students in the Second-Fourth Year levels shall
continue to undertake the 2002 Basic Education Curriculum (BEC) until they complete
it. The 2010 SEC shall cover initially the incoming First Year students only.
 
3. It is encouraging that there are private secondary schools that have long adopted
the design of the curriculum. These schools are expected to continue the
implementation of the program, and share their best practices and insights to guide
other schools. On the other hand, a two-year transition period covering SY 2010-
2012 is being provided to schools that need to build and develop further their
capacity as well as their confidence to implement the curriculum. These schools are
given the leeway to conduct their own tryout of the curriculum as they transition to
the full implementation of the program.
4. The features of the curriculum, the enabling policies, and the implementing
guidelines are provided in the enclosure.
5. Immediate dissemination of and compliance with this Order is directed.
Sgd.
Mona D. Valisno
Secretary
DO No. 76, s. 2010

4. DepEd Order No. 74


Ang sanaysay na ito ay sumusuri sa katatagan ng Ordinansa ng Departamento ng
Edukasyon Bilang 74, Serye 2009, na may pamagat na Institutionalizing Mother
Tongue-Based Multilingual Education (MLE), sa pamamagitan ng limang paraan. Una,
hinihimay nito ang estruktura at nilalaman ng nasabing ordinansa. Ikalawa, tinitingnan
nito ang nasabing ordinansa sa konteksto ng kasaysayan ng pagpaplano ng wika sa
Filipinas. Ikatlo, sinusukat nito ang pedagohiya ng ordinansa gamit bilang lente ang
kasalukuyang antas ng kaalaman tungkol sa MLE. Ikaapat, pinag-aaralan nito ang
politikal na implikasyon ng ordinansa gamit ang mga konsepto ng nasyonalismo,
pagsasabansa, at multikulturalismo. Ikalima, pinag-aaralan nito ang ekonomikal na
implikasyon ng ordinansa gamit ang mga paksang pangmatagalan (long term) at
panandaliang (short term) ekonomikal na implikasyon. Bilang kongklusyon,
tinitimbang nito ang kabuuang halaga at katatagan ng ordinansang ito.

https://www.facebook.com/280057409362602/posts/revised-basic-education-
curriculumrbecnaipatupad-noong-2002-sa-ilalim-ng-utos-ng/282737699094573/

http://makatanista.blogspot.com/2009/12/understanding-by-design.html

https://www.deped.gov.ph/2010/06/03/do-76-s-2010-policy-guidelines-on-the-implementation-of-the-
2010-secondary-education-curriculum-sec/

https://ejournals.ph/article.php?id=7977

You might also like