You are on page 1of 4

Commission on Higher Education

OAS COMMUNITY COLLEGE


Calzada, Oas, Albay

PANGGITNANG PAGSUSULIT SA ASIGNATURANG MC FIL 101


(PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA I)

I. Punan ang patlang:

Basahin at unawain nang mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang tamang
salita o mga salitang tinutukoy sa loob ng parihaba upang mabuo ang diwa ng
pangungusap sa bawat bilang.

siklo o cycle pagpaplano


ehekusyon Instructional Scaffolding
pinakakatawan Banghay-Aralin
planong pang-instruksiyon Pagtuturo ng Filipino
kurikulum Artikulo XIV, Seksiyon 6
mabisang pagpaplano Constructivism
Facilitator Cognitive Development
Pangkalahatang Layunin ng K -12

1. Ang ang itnuturing na pinakapuso sa sistema ng edukasyon.


2. Ang ay isang daan o tsanel na makatutulong upang mahasa ang
pag-iisip ng isang mag-aaral tungo sa pag-unlad ng iba’t ibang makrong kasanayan tulad ng
pagbasa, pagsulat, pakikinig, pagsasalita at panonood.
3. Ang Teorya ng kung saan ang mag-aaral ang siyang tagabuo ng
kahulugan sa tulong ng kaniyang dating kaalaman at karanasan.
4. Ang guro ang siyang tagapagdaloy o ng kaalaman.
5. Ang ay nangangahulugan ng kumpletong paghahanda na
nangangailangan ng maingat na pag-iisip at paggamit ng iba’t ibang teknik.
6. Ayon sa , “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
7. Napapahalagahan nito ang kaalamang pangkapaligiran para makabuo ng kahulugan, ito ay
ang -.
8. Tulad ng maraming bagay, ang ay dumadaan din sa masalimuot at
kumplikadong proseso bago tuluyang mabuo sa kasalukuyang anyo nito.
9. Ang ay pinaniniwalaan na ang isang tao ay nakabubuo ng kahulugan
kung may ugnayan at interaksyon ito sa pagitan ng kaniyang karanasan at ideya.
10. Ang ay ang makalinang ng isang buo at ganap na
Pilipinong may kapaki-pakinabang na kaalaman.
11. Dapat pag-aralan ng isang mag-aaral sa pagiging guro ang iba’t ibang modelo na ginagamit
bilang upang sa gayon ay makagawa siya ng sariling estilo na bagay
sa kaniya kapag siya ay nagtuturo na.
12. Ang ang pinakakaluluwa ng propesyon sa pagtuturo.
13. Ang pagsasakatuparan nito sa loob ng silid-aralan ang nito.
14. Ang anumang pinakamagandang banghay-aralin ay mababalewala kapag ito ay kulang sa
.
15. Ang pagpaplano ay lumilikha ng isang padron para sa guro upang matutuhan ang
na nabuo.
II. Pagpapaliwanag:

Pangatwiranan ang tanong sa bawat bilang ayon sa inyong pang-unawa, natutuhan at


dating kaalaman. (5 puntos bawat isa)

1. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang kurikulum?


2. Ano ang pangkalahatang tunguhin sa pagtuturo ng Filipino at paano ito matatamo
ng isang mag-aaral?
3. Ano-anong mga kasanayan ang maaaring malinang sa Teorya ng Constructivism
kung gagamitin ito ng guro sa kaniyang pagtuturo?
4. Bakit mahalaga na ang guro ay makagawa ng isang mabisang pagpaplano bago siya
magturo?
5. Paano nakatutulong ang mga salik sa pagpaplano sa pagtuturo ng Filipino?

III. Pagsasagawa ng isang Modelo sa Pagpaplanong Pang-instruksiyon

Gumawa o sumulat ng isang modelo ng Banghay-Aralin na ang pormat ay kalimitang


ginagamit sa Pilipinas batay sa DepEd Order No. 42, series of 2016. (25 na puntos)

Inihanda at isinumite ni:

MARY FAITH M. GARCIA


Instruktor
Commission on Higher Education
OAS COMMUNITY COLLEGE
Calzada, Oas, Albay

PANGGITNANG PAGSUSULIT SA ASIGNATURANG FIL 3


(MGA ANYO NG KONTEMPORARYONG PANITIKANG FILIPINO)
BTVTEd II-B
Unang Semestre, Taong Panuruan: 2020-2021

I. Pagsagot Sa Mga Patlang:

Basahin at unawain nang mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang tamang salita sa
loob ng kahon upang mabuo ang diwa ng pangungusap sa bawat bilang.

Panitikan Salita

Komiks katutubong

Palaisipan Kontemporaryong Dagli

Pormal na wika Kasaysayan

Kuwentong-Bayan Pampanitikan

1. Ang ay ang mga salitang pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap


at ginagamit ng karamihang nakapag-aaral sa wika, at kalimitang ginagamit sa mga paaralan at
sa iba pang may pangkapaligirang intelektwal.
2. isang uri ng panitikan na tumutukoy sa mga kwentong napakaikli at
may kaunting twist sa dulo.
3. ito ay kaiba sa mga panitikang Pilipino. Ito ay isang grapikong
midyum kung saan ang mga salita at larawan ang gamit upang maipahatid at maisalaysay sa mga
mambabasa ang kwento.
4. ito ay kasingkahulugan ng wika.
5. mga salitang matatayog, malalalim, makukulay, at sadyang
matataas ang uri ng mga salita na ginagamit ng mga manunulat at dalubwika.
6. ay kapatid ng kasaysayan at “mga naisulat na tula ng pinakamabuting
kaisipan at damdamin ng tao”, ayon kay Long.
7. ito’y isang suliraning uri ng bugtong na sinusubok ang katalinuhan at ang
paglutas nito sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga piraso ng ideya sa isang lohikal na
paraan upang mabuo ang solusyon.
8. Ang ating mga matatanda o panitikan sa Pilipinas ay nagkawala-wala na
at nasunog na.
9. ay tuluyan at naglalarawan ng hubad na katotohanan, ang panitikan ay
nagagayakan ng magagarang damit ng pagpapahayag at nakukulayan ng maikling guni-guni ng
mga akda.
10. ito ay binubuo ng mga kuwento sa buhay, kuwentong pinagmulan ng mga lahi.
II. Pangpapangkat-Pangkat:

Ibigay ang hinihinging mga kasagutan sa bawat pangkat ng bilang.


1-4 Apat na Uri ng Panitikan
5-6 Dalawang uri ng Kontemporaryong Panitikan Tungo Sa Kultura At Panitikang
Popular
7-8 Dalawang Uri ng Pormal na Salita
9-11 Tatlong impluwensya ng kastila sa panitikang Filipino
12-14 Mga Pagbabagong naganap sa buhay ng mga Pilipino
15-19 Mga Akdang Panrelihiyon
20-21 Dalawang Panahon ng Panitikan
22-24 Mga Impluwensya Sa Pananakop Ng Mga Amerikano
25-27 Tatlong Uri ng tula na Lumaganap sa Panahon ng Hapon
28-30 Tatlong halimbawa ng akda na nagkamit ng kalayaan sa pamamahayag sa
Kasaluyang Panahon
III. Pagtatapat-tapat:
Piliin sa Hanay B ang titik ng wastong sagot na tinutukoy sa Hanay A. Isulat ito sa
nakalaang patlang sa bawat bilang.
A B
1. Popular na babasahin at panulat ng a. Di-Pormal o Impormal
nagpapahayag ng mga karanasan o kwento
ng isang tao,lugar o pangyayari.
2. ang tinatawag na Antas ng Wika b. Lalawiganin
3. kalimitang ginagamit sa mga paaralan at sa
iba pang may pangkapaligirang intelektwal c. Pahayagan
4. mga salitang karaniwan at palasak sa mga
pang-araw-araw na usapan at pakikipagsulatan d. Kontemporaryong Dagli
5. mga salitang ginagamit sa mga aklat at
babasahing ipinalalabas sa buong kapuluan e. Pormal
6. mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan
at pagkabulgar f. Pampanitikan
7. isang uri ng panitikan na tumutukoy sa mga
kwentong napakaikli at may kaunting twist
sa dulo g. Wika
8. isang babasahin na nagbibigay sa mga tao
ng balita at kaganapan sa araw-araw sa loob
at labas ng bansa h. Pambansa
9. mga salitang kilala at saklaw lamang ng
pook na pinaggagamitan nito na may
kakaibang bigkas at tono i. Kolokyal
10. mga salitang matatayog, malalalim, makukulay,
at sadyang matataas ang uri ng mga salita na
ginagamit ng mga manunulat at dalubwika j. Panitikan

IV. Pagpapaliwanag:

Pangatwiranan ang tanong sa bawat bilang ayon sa inyong pang-unawa at natutuhan .


(5 puntos bawat isa)

1. Sa kabuuan ng Unang Modyul, ano ang kahulugan at kahalagahan sa inyo ng


Kontemporaryong Panitikan?
2. Bakit tila mailap ang kalayaan sa pamamahayag n gating mga batikanong Makatang
Tagalog sa Panahon ng Amerikano?
3. Ikaw bilang isang tinaguriang “milenyal” sa kasalukuyang panahon natin, bakit may
pangangamba ang ating mga tanyag na manunulat sa ating “Panitikan sa Computer Age”?

Inihanda at isinumite ni:

MARGARITA N. STO.DOMINGO, Ph.D.


Instruktor

You might also like