You are on page 1of 3

Mala -Masusing Banghay Aralin sa Filipino 8

Carina T. Evero June 30, 2021


Pangngalan Petsa

Nonilon Consul 9:00-1:00am


Guro Oras

I. Layunin : Pagkatapos ng masinsinang talakayan 95% na mga mag-aaral ang


inaasahang:
a. Natutukoy at nagagamit sa pangungusap ang mga pang-angkop.
b. Napahalagahan ang mga pang-angkop na salita sa pakikipagtalastasan.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Pang-angkop
b. Sanggunian: Hiyas ng Lahi Wika at Panitikan 8, Emelda Velasquez et.al sa pahina
78-79.
c. Kagamitan: Manila Paper, Kartolina, Pentelpen.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagsasaayos ng mga upuan
3. Pagtala sa Liban
4. Pagbabalik Aral

B. Pagganyak
Magpapakita ang guro ng mga salita sa pisara tulad ng:
1. Sayang na sayang
2. Punong kahoy
3. Buhay na buhay
4. Bituing walang ningning
5. Pusong bato
6. Dahong tuyo
Pagkatapos maipresenta ng guro ang mga salita sa pisara ay
magtatanong ang guro kung anong napansin nila sa mga letrang
nakasalungguhit kung sino man ang makahula nito ay bibigyan ng 5
puntos at magpapaliwanag sa harapan kung tama nga ba ang kanyang
hula. Pagkatapos ay iprepresenta na nang guro ang paksang
tatalakayin.
C. Paglalahad/ Pagtatalakay
 Ang pang-angkop- Ito ay isa sa walong mga bahagi ng pananalita na mga katagang
nagdudugtong sa magkakasunud-sunod na salita sa isang pangungusap para magiging
magaan o madulas ang pagbigkas nito. Ito rin ang ginagamit para pag-ugnayin ang mga
panuring at mga salitang binibigyan nito ng turing.

Mayroong tatlong uri ang pang-angkop: na, ng at g


 Na- ito ang ginagamit na pang-ugnay sa dalawang salita kung ang unang salita ay
nagtatapos sa katinig maliban sa n.
 Ng- ito ay ginagamit na pang-ugnay ng dalawang salita Kung ang unang salita ay
nagtatapos sa patinig. Ikinakabit ang ng sa unang salita.
 g- ito ang ginagamit na pang-ugnay ng dalawang salita kung ang unang salita ay
nagtatapos sa katinig na n.

D. Paghahalaw at Paghahambing
Ipahahambing ng guro sa mga mag-aaral ang mga uri ng pang-angkop
at pagkatapos ay kanya nanaman itong ipahahalaw.

E. Paglalahat
Matapos matalakay ang paksa ay kanya itong tatanungin kung mayroon
bang mga katanungan at pagkatapos ay irerebyu lahat ito ng guro.

F. Aplikasyon o Paggamit
Panuto: Isulat sa patlang ang wastong pang-angkop
1. Tulay___bato
2. Dakila___ ama
3. Malinis ___uniporme
4. Aso____maamo
5. Dahon____tuyo
6. Babae____tahimik
7. Bata___masipag
8. Makapal____kilay
9. Matanda____babae
10. Likas____yaman

G. Pagtataya
Panuto: Bumuo ng maikling tula na kakitaan ng wastong gamit ng pang-
angkop at salungguhitan ang mga ito.
IV. Takdang Aralin
Panuto: Basahin ang kwentong Si Emping Negro sa pahina 120- 123.

You might also like