Duguang Lupa

You might also like

You are on page 1of 2

JOHN CHESTER MUTYA JANUARY 9, 2023

BSBA HRDM2 RATING:

1. Ano ang naramdaman nyo habang binabasa nyo ang tulang ito?

Lubang nakababagabag sa damdamin ang mga nilalamang pahayag ng tulang ito, kung saan
maramdaman mo ang puot at paghihinagpis sa mga buhay na kinitil sa krimen na ito. Laking
panghihinayang at paghihinagpis ang siyang aking nararamdaman sa kabila ng lahat na aking
natuklasan.

2. Kung kayo ang nagsulat nito ano ang mga babaguhin nyong linya sa tula na ito para maging
angkop sa inyong kagustuhan.

Kung ako ang may akda nito babaguhin ko ang mga linyang:

Silang mga inosenteng

Nagdilig ng dugo

Sa lupang pinagyaman

Ng kanilang mga ninuno

Na kalauna’y dinilig naman

Ng mga luha

Ng kanilang mga mahal sa buhay

Na hindi na sila masisilayan pa


At panapay aking papalitan ng mga katagang:

Ang mga walang muwang

Na syang nag alay ng buhay at kamatayan

Ay syang nag alay ng dangal sa ating bayan

Mga buhay na kinitil ng walang kamalay malay

Ay syang buhay na pag-asa ng kanilang mga mahal sa buhay

Umiiyak, nagluluksa at naghahapis sa kanilang kawalan at dina muling masisilayan pa.


3. Nakatulong ba ang mga tulang ito para mabigyan ng hustisya ang mga biktima?

Sa kabilang banda ay opo nakatulong ito batay sa aking sariling pananaw, sapagkat namulat ang
karamihan sa kung ano ang totoong naganap. Hindi naging bingi, pipi at bulag ang nakararami
upang bigyang boses ang mga buhay na nawala sa malagim na krimen na ito. Ito ang naging
daan upang sila'y mabigyang halaga, simpatya at hustisya. Kung kaya't hindi kailan man naging
sayang ang bawat buhay na nawala.

You might also like