You are on page 1of 2

GROUP 1 - ARALING PANLIPUNAN

PERFORMANCE TASK # 1: SPOKEN POETRY

PAGWAKAS NG DISKRIMINASYON SA IBA'T-IBANG URI NG


SEX AT GENDER SA PROGRESIBONG LIPUNAN

Sa lipunang puno ng pagdidiin sa kasarian,


Mga itinakdang tungkulin ng lipunan
Ang lalaki't babae ay itinuturing na magkaiba,
Ngunit ang bawat isa'y may papel, 'di dapat magkanya-kanya.

Sa bawat hakbang, at sa bawat salita


Kahulugan ay hinahanap, ng kasariang nakikita
Magkakaiba man ang kulay sa mata ng tao
Ngunit ang puso't kaluluwa'y iisa ang diwa't dugo

Kababaiha'y malupit ang sinapit sa kasaysayan


Mahina, mahinhin, at kulong sa kuwadro ang dikta ng lipunan
At sa bawat pagkilos ng mga kalalakihan
Sila nama'y tinitingala at pinupurihan

At sa pag-usbong ng progresibong lipunan


Iba't-ibang mga kulay ang ating natuklasan
Magmula noon hanggang sa kasalukuyan
Pagkakakilanlan sa lipunan, ay patuloy na ipinaglalaban.

Ang diskriminasyon ay patuloy na iwinawaksi


Sa kababaihan, kalalakihan, at maging sa LGBT
Walang pinagpipilian, ano man ang iyong kulay,
Kinabibilangan, o estado man ng buhay
Sa gender roles na binalot ng agos ng panahon,
Hakbang para sa pagbabago, ito'y dapat nang ialon
Sa bawat larangan ay kayang makipagsabayan
Sapagkat ang kasarian ay hindi dapat hadlangan

Ang kalayaan sa kasarian ay patuloy na hinahangad


Makilala ng lipunan, at malayang pagpapahayag
Sa kilos, salita ay huwag sanang husgahan
Sapagkat hindi nito madidiktahan ang kanilang kakayahan

Hanggang kailan ba sila magtatago't maglilihim?


Kailan ba natin sila'y tatanggapin?
Natatakot at nangangamba na ihayag ang kanilang damdamin
Dahil sa lipunang mapanghusga't nangmamaliit

Ngunit sa pagtuklas ng kasarian at ganda,


Natutunan natin ang halaga ng pagkakaiba.
Sa bawat taludtod, at sa bawat salita,
Ipinakikita nito ang yaman ng puso at diwa.

Ang sex at gender ay hindi makapagdidikta,


Sa pagkamit ng pangarap at tagumpay ng bawat isa.
Sa sarili'ynaglalagablab ang puso at diwa
At sa bawat araw ay wagi ang pagmamahal at pag-asa

Ang kasarian ay hindi kayang humadlang,


At sa kanilang kakayaha'y hindi nito kayang humarang
Ang bawat isa ay may mga kuwento at halaga
Kaya nama'y igalang at respetuhin ang bawat isa

Ang kasarian at sekswalidad, hindi hadlang sa pag-unlad


Ang pag-unlad ng lipunan ay dapat para sa lahat,
Walang dapat maapakang karapatan, ang bawat isa'y may halaga.
Pagkakapantay-pantay ang hangad ng sambayanan

You might also like