You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

BACOLOD CITY COLLEGE


Taculing Road, Bacolod City
Commission on Higher Education
Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics
(1st Year-F)

PANITIKAN HINGGIL SA ISYUNG


PANGKASARIAN
(SOSLIT GE11)

REPORTER:EMAN CHRISTIAN ANG

INSTRUCTOR:MRS.BELINDA SIOSAN

1 of 4



MGA PAPEL NA GINAGAMPANAN AYON SA
KASARIAN (GENDER ROLES)
Ang kilos, mga gawain, at pananalita ng bawat indibidwal ay hinuhubog ng
lipunan. Ang mga bahaging ito ay nagmumula sa ating kinagisnang kultura
hanggang sa mga taong ating nakakasalamuha.

ANG SINASABING “IKATLONG KASARIAN"


Sila ang mga homoseksuwal kung tawagin. Inilalarawan sila bilang mga
indibidwal na nakakaranas ng ekslusibong atraksyon sa katulad nilang
kasarian. “Gay, bakla, beki” ang ibang tawag sa homoseksuwal.

ANG PAGIGING ISANG HOMOSEKSUWAL


Sa Pilipinas, ang terminong “paglaladlad” ay tumutukoy sapag papahayag
ng isang indibidwal ng kanyang oryentasyong seksuwal.

"TATLONG YUGTO SA PAGLALADLAD"

Unang yugto
1. Pag-alam sa sarili
2. Pagtanggap at pagiging bukas sa atraksiyon sa katulad na kasarian.

Ikalawang yugto
1. Pag-amin sa ibang tao
2. Pagsabi sa kapamilya, kaibigan, o katrabaho ng pagiging isang
homoseksuwal

Ikatlong yugto
1. Pag-amin sa lipunan
2. Pamumuhay nang bukas bilang isang LGBT

2 of 4


LGBT
- Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender. Homoseksuwal (bakla at tomboy) at
ang Hemisphere ng utak nila ay higit na malaki kaysa sa kaliwa.

LESBIAN (TOMBOY)
Tumutukoy sa mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga
babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae.

GAY (BAKLA)
Tumutukoy sa mga lalaking nakakaramdam ng atraksiyon sa kanilang kapwa
lalaki; may ilan na nagdadamit at kumikilos na parang babae.

BISEXUAL (BISEKSUWAL)
Tumutukoy sa mga taong nakakaramdam ng atraksiyon sa dalawang
kasarian.

TRANSGENDER (TRANSGENDER)
Tumutukoy sa isang tao na nakakaramdam na siya ay nabubuhay sa maling
katawan; ang kanyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma.

ASEXUAL (ASEKSUWAL)
Tumutukoy sa mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa
anumang kasarian.

HOMOSEKSUWAL (HOMOSEXUAL)
Tumutukoy sa mga taong nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga
taong nabibilang sa katulad na kasarian; mga lalaking mas gustong lalaki
ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang seksuwal na
kapareha.

3 of 4


"KARAPATAN SA PAGPILI NG KASARIAN AT
SEKSUWALIDAD"

Ang ilang mga karapatang ipinaglaban ng mga homoseksuwal sa


buong mundo ay:
Karapatang malayang ipahayag ang kanilang kalooban.
Karapatang maikasal nang sibil at mapagkalooban ng mga benipisyong
ibinibigay ng pamahalaan sa mga kasal na heteroseksuwal at sa kanilang
mga anak.
Karapatang mabuhay nang malaya at walang diskriminasyon.

https://www.icloud.com/keynote/
059ZE4t2ZClkHkxMKqKm7AwFA#PANITIKAN_HINGGIL_SA_ISYUNG_PANGKA
SARIAN
https://www.scribd.com/document/443532556/ANG-KARAPATAN-SA-PAGPILI-
NG-KASARIAN-AT-SEKSUWALIDAD-docx

4 of 4

You might also like