You are on page 1of 1

DSKRMNSYN

Kaya ba?
Kakayanin ba?

Sa mundong puno ng puna ay napapantig ang aking mga tenga,


Paano ko pa mapapatunayan ang aking kakayanan?
kung sa una pa lang… Ako na ay nahusgahan.
Saan ba ako lulugar?
Hindi ba tayo pwedeng mag-exist sa iisang lugar?

Kay sarap isipin ng buhay na walang lamangan


Tanging magandang samahan na walang halong punaan.
Mundong hindi nakabase sa kasarian ang buhay na mararanasan.
Paano magagawan ng paraan?
Kung puro nalang kasarian.

Ngunit ang sarap mangarap, ng buhay na may pagkakapantaypantay.


Pero kung hindi man maabot ngayon.
Piliin natin na umahon sa lahat ng pagkakataon.
Dahil darating ang ang panahon
Ikaw.. ako… tayo…
ay makakamptan ang mundong walang diskriminasyon.
Palitan natin ang lahat ng kutya ng magandang salita.
Ang “wala kang mapapala” sa “ako’y mapagpapala”
Ang “walang magagawa” sa “ako’y giginhawa”
Bakit pa natin iintayin ang panahon?

Kung pwede naman tayong magsimula ngayon?


Baguhin ang mundong puno ng Diskriminasyon.
Nang sa ganun, sabay-sabay tayong aahon.

You might also like