You are on page 1of 8

Paano Umakyat ng Hagdan Kung

Wala Namang Tapakan


(Lohika ng Pag-angat)
Ang lohikang ito ay ginawa upang gisingin ang mga
natutulog na kaisipan ng mga taong dilat sa
kahirapan at natutulog sa kayamanan.
A

ting simulang alamin kung ano ba ang hagdan. Ang hagdan ay isang
bagay na ginagamit upang akyatin ang mga bagay o lugar na
matataas ( ng hindi gumagapang sa pader ng bahay na para bang
pusa ) tulad ng isang gusali, upang maakyat ang pinakamataas ng
palapag maliban sa paggamit ng elevator at escalator. Saan ba
maaaring gawa ang hagdan? Sa aking palagay at sariling opinyon, ang
hagdan ay maaaring gawa sa kahoy, bakal o konkreto. Marahil,
malamang noong unang panahon ( panahon pa ng kopong-kopong )
ordinaryong kahoy lamang ang kanilang ginagamit sa paggawa ng
hagdan. Tulad ng sanga- sangang puno, malamang sa malamang
tinatalian lamang nila ng lubid ang bawat tapakan nito.

Ngunit patuloy na umuunlad ang panahon. Nakahanap na ang


tao ng mga kasangkapan na lalong magpapatibay sa paggawa ng
hagdan, kaysa lubid lamang ang gamitin, gumamit sila ng martilyo at
pako. Sa ngayon may iba pang materyales ito ay maaaring gawa sa
bakal o konkreto. Importante ang papel ng hagdan sa ating buhay. Sa
simpleng bagay na ito, marami ang maaari nitong maitulong. Tulad na
lamang sa mga “construction worker”, sa empleyado ng “meralco”, sa
“bombero” at gusaling nagpapataasan. Lahat ng iyan ay
kinakailangan. Tulad na lamang ng bahay, lalo na kung bonggang
bonggang bonggalo ang iyong bahay, malamang sa malamang
kinakailangan ng hagdan sa iyong bonggang bonggang bahay. Pero
gawa man sa kung saan ang hagdan o gamit man ito kung saan,
kinakailangan pa din nito ang “tapakan” upang abutin ang dapat
abutin at puntahan ang dapat puntahan.

Sa pag-akyat ng hagdan, kinakailangan ng ibayong pag-iingat


sapagkat pag’ hindi ka nag-ingat, maaaring ikaw ay mahulog at
madulas. Ngunit naimbento na ngayon kung saan mas mapapabilis at
hindi nakakapagod na pagbubuno sa pag-akyat ng hagdan sa
nagpapataasang gusali, mall at maging sa mga ospital, kung saan mas
pinasosyal, ito ay walang iba kundi ang mahiwagang “elevator” at

1
escalator”. Talaga nga namang maunlad na ang sibilisasyon sa
panahong ito.

Ang paglaki ng isang tao ay maaaari nating ikumpara sa isang


“hagdan”. Ang ating paglaki ay may tinatawag na yugto ( stages), at
habang ikaw ay umaakyat naaabot mo ang rurok ng tagumpay. Ngunit
paano ba umakyat ng hagdan kung wala namang tapakan? Imposible
di ba? Pero sa padahan-dahang mong pag-akyat ay maaari mong
buuin ang bawat tapakan nito at abutin ang pinakamataaas na
baitang. Ibatay natin ang ating munting buhay hinggil sa usaping ito.
Sa henerasyon ngayon, masyado ng “modern” ang mga tao. Maunlad
na ang mundo, punong-puno n ang mga “high-tech” na “gadgets”.
Maunlad na nga ang mundo, ikaw maunlad na ba ang mundo mo?
Kung hindi pa kailan mo balak simulan ang pagkilos sa buhay mo?
Kapag uugod-ugod ka na sa gutom?

Maraming tao ang nangangarap at gustong umunlad ang buhay


ngunit hindi naman alam kung paano at kung saan sisimulan. Yung
bang tipong ang dami mong gustong gawin na gawain pero hindi mo
naman alam kung alin ang iyong uunahing gawin. Masyadong
masalimuot ang buhay, sanlaksa ang naghihirap, sangkatutak ang
nangangarap at sangmalmal ang umaasa, pero hahayaan mo na lang
bang hindi umunlad ang iyong buhay kung alam mo namang kaya
mong makipagbuno sa agwat ng kahirapan upang ipaglaban ang iyong
kagustuhang umunlad at paglibayin ang mga pangarap. Maraming tao
ang nangangarap at puro pangangarap lamang. Maraming umaasa at
nawawalan ng pag-asa. Maaaring dahilan ang pesteng kahirapan na
walang ginawa kundi pagdusahin ang mga walang malay na nilalang
na nabubuhay sa mundong ibabaw. Biniyayaan tayo ng isip upang
mag-isip, katawan upang gumalaw at kakayahan upang gawin ang
mga bagay-bagay na dapat gawin. Kaya tanggalin sa iyong
bokabularyo ang salitang “suko”. Malaking hadlang o maaaring
sagabal sa iyong buhay ang salitang “suko” para sa iyong mga
hinahangad sa buhay. Kung minsan dahil dyan sa halip na ikaw ay
lumaban at panatilihin ang tibay ng iyong loob, maiisip mo na lang
sumuko ng dahil sa sobarang hirap ng buhay. Sabi nga nila “ try and
try until you die, wag kang susuko hangga’t walang sumuko. Sa buhay
kailangan ng matino at maaasahang kaagapay hindi perwisyo sa
buhay. Tulad na lamang halimbawa sa isang bata, kapag sila ay
nadadapa tinutulungan silang tumayo ng kanilang mga inaasahan sa
buhay at ito ang kanilang mga magulang. Masakit man pero natitiis
nila, dahil dama nilang may handing tumulong sa kanila.

Paano nga ba sisimulan ang pagtupad sa iyong mga pangarap,


kung sa tingin mo lahat ng bagay ay hadlang sa iyong mga kagustuhan
na makamit ang tagumpay? Tulad na lamang ng kahirapan. Kung ikaw

2
ay mahirap wala kang permanenteng tirahan (No permanent address o
NPA ). Palipat-lipat kung saan may masisilungan. Maraming bata ang
gustong makapag-aral pero dahil sa pesteng kahirapan nagagawa
nilang kalimutan na lamang at talikuran ang kanilang mga pangarap.
Upang may panglaman tiyan, nakukuha nilang mamalimos sa kalye,
magpagala-gala hanggang sa sila’y mapariwara. Minsan kapag nakikita
mo sila karumal dumal na lansangan bigla na lang papasok sa iyong
isipan ang mga katanungang ito “Bakit kaya hinahayaan ng kanilang
mga magulang magpalaboy- laboy sa lansangan ang kanilang mga
anak at hayaang makipag-patintero ito sa nag-papabilisang mga
sasakyan sa gitna ng daan? Di’ ba nila kayang itaguyod ang kanilang
mga anak?” Marunong silang gumawa, di’ naman marunong mag-
alaga kaawa- awang bata biktima ng “init” ng kanilang mga magulang.
Alam naman nilang wala silang ibubuhay sa bata pero gawa pa din sila
ng gawa at ang malupit pa dun, sunod-sunod kung magkaanak na para
bang may ibubuhay sila sa kanilang mga pinaggagawa. Tulad ng mga
batang iyan paano nila tutuparin ang mga pangarap na binuo sa
kinagisnang buhay. Pangarap na maahon sa pesteng kahirapan at
magkaroon ng magandang kinabukasan.

“Kung gusto may paraan kung ayaw laging may di kanais-nais at


nakakainis na dahilan”. Kung ikaw ay naghahangad ng magandang
kinabukasan, gagawin mo ang lahat upang maakyat ang pinakamataas
na baitang ng iyong buhay. Kung minsan “life is so unfair”, kung ano
ang sobrang pinapahalagahan ng mahihirap ay siya namang balewala
sa mayayaman. Masarap mangarap, mahirap umasa at walang kasing
sakit ang mabigo.

Simulan ang iyong mga pangarap sa pamamagitan ng pag-aaral.


Wala raw natatanging daan sa pagtuklas ng karunungan kundi sa
pamamagitan ng pagsusunog ng kilay, paghahasa sa mapurol na utak
at pagbubungkal ng libro. Lahat ng tagumpay ay pinagtitiyagaan at
pinagsisikapan. Dapat maging wais ka sa buhay, maging matalino sa
bawat desisyong binibitawan. Hindi lahat buo ang pamilya upang
gumabay sa kani-kanilang pasikot-sikot at masalimuot na buhay. Ang
libro, paaralan at guro ay ilan lamang sa mga kasangkapan para
makamit ang karunungan at mapagtagumpayan ang buhay. Sabi nga
nila “walang gintong kutsara sa pagsusubuan ng karunungan, dahil
wala namang gintong kutsara”. Pantay- pantay ang lahat pagdating sa
agham, walang nauuna at wala rin namang nahuhuli pero mayroong
nagpapahuli. Ngunit hindi lahat pantay-pantay sa pagkakataon, pero
nasa pagsisikap ‘yan, tandaan “nauubos din ang swerte sa buhay ng
tao, kaya hintayin mong malasin siya at ikaw naman ang tumirada”.
Parang sa buhay hindi lahat ng nagugutom ay habang buhay na
magugutom. Hindi lahat ng mayayaman ay laging mayaman. Parang
sa mga studyante mas lamang ang may dalang libro kaysa sa wala.

3
Dapat maging inspirasyon mo ang iyong mga pinagdaanan tungo sa
iyong minimithing tagumpay. Mayroong mga studyante na halos hindi
na kumain, makapag- aral lamang. Mayroon namang mga magulang
na ginagawang gabi ang araw upang pagsikaping makapag-aral ang
kanilang mga anak. Yung iba naman halos makabaon-baon na sa utang
sa balbas saradong nakamotorsiklo. Ganyan kaimportante ang
edukasyon sa buhay ng tao.

Ang buhay ay parang gulong, kung minsan ikaw ang nasa itaas
kung minsan ay nasa ibaba. Parang hagdan, sa iyong pag-akyat ikaw
ang tinitingala at sa iyong pagbaba ikaw ang titingala. Alin ang iyong
pipiliin? Ang tumingala o ang tinitingala? Pawis dugo at luha ang
puhunan upang ikaw ang tingalain. Tulad ng batas ng lagit sa pag-
aaral, ang nagpapauna’y mahuhuli, ang nagpakataas ay bababa at ang
nagpabundat ay gugutumin. Unahin mo ang pagpapakasakit at
masasalubong mo sa iyong pag-akyat ang nagpasasa ay pababa na.

Sa pag-aaral marami ang nauuna ang yabang kaysa sa pakay.


Hindi nararapat ang ganoon, wala kang mararating sa buhay kung puro
kahangasan ng iyong katawan ang pagaganahin at wala naman laman
ang kapiranggot mong utak.

Ang salat sa karangyaan ay madaling matumba, hindi kasi sila


kasingtibay ng mga taong subok ng pagkakataon at pinatibay ng
panahon. Ang tamad at litong isip ay madaling tumigas, katulad ng
isang semento, ngunit ang aktibong isip ay katulad ng agos na laging
masigla, sa paghahanap ng landas patungo sa malawak na dagat.
Walang patutunguhan ang tamad at litong isip, walang pangarap o
ambisyon man lamang sa buhay. Ang aktibong isip ay marming balak,
may ambisyon at puno ng pangarap. Mayroon akong kakilala na
napakarunong, maraming tinapos na kurso, magaling sa iba’t ibang
salita. Dapat sana’y matagumpay na siya ngunit hindi. Alam mo ba ang
naging trabaho niya,nanghihingi siya sa mga kakilala, nakikiamot.
Bakit? Dahil puro karunungan lamang ang kanyang alam kulang siya
sa gawa. Marunong nga pero hindi mo naman ginamit, nagtapos ka
lang para sa wala para kang kumuha ng “exam” na hindi naman
“recorded”. Sa buhay kailangang pagsikapan ang bawat tagumpay.

Hindi sa dami ng kursong tinapos, di’ dahil sa mukhang maamo


at katawang mapanukso ang ikatatagumpay ng tao. Kundi kung paano
niya pagsisikapan ang tagumpay na kanyang hinahangad. Sabi nga sa
isang pelikula “Walang himala… ang himala ay nasa puso ng tao.. “
sabi nga ng sexbomb girls “kung ano ang nasa puso mo, sundin mo.. “
kung ikaw ay basurero, taas noo mong ipagmalaki ito, aba! May pera
sa basura, marangal! Sarilling sikap kailangang paglibayin, marunong

4
ka nga hindi mo naman ginagamit ano pa ang silbi ng iyong
karunungan kung wala namang pakinabang?

Kung isa kang mahirap na tao, naiingit ka sa mayayaman. Galit


ka sa kahirapan ng buhay na iyong dinaranas at galit ka rin sa kanilang
kayamanan. Itatanong mo marahil sa iyong sarili “bakit ako mahirap at
bakit sila mayaman? Bakit ako bigo at sila ay matagumpay?” bukasan
mo ang iyong isipan, nasa iyo ang pagkukulang at wala sa kahirapan.
Tandaan mo “hindi hadlang ang kahirapan makamtan ang karunungan
at tagumpay sa buhay. “Life goes on” kung kinakailangang kumapit sa
patalim, gawin mo wag’ lang ang masamang gawain at makakasakit
ng damdamin.

Lohika ng Pag-angat
Ang mahalaga sa lahat ay ang kinabukasan. hindi dapat sukuan
ang iyong pangarap dahil lang sa kahirapan. Dapat isipin ang
kaligayan at pag-angat sa buhay upang magkaroon ng lakas ng
loob harapin ang araw na dadating. Isantabi ang bumubulong sa iyong
damdamin na masasamang gawain. Isipin ang makakabuti para sa
iyong minimithi. Ang kahirapan ay hindi hadlang sa sangkaterbang
nangangarap na umasenso sa buhay. Walang himala sa taong hindi
kumikilos at gumagawa.

Ang mabuhay sa daigdig at batbat ng pakikipagsapalaran. Nasa


tao kung paano niya patatakbuhin ang kanyang buhay. Bawat
pangyayaring nagaganap ay kakambal ang tagumpay, halakhak sa
luha luwalhati sa pagtitiis at ginhawa sa pagpapagod. Ang lahat ng
iyan kabiguan man o tagumpay ay bahagi ng pagiging nilalang. Likas
sa isang tao magkaroon ng marupok na kalooban kaya kailangan ay
tulungan siyang magkaroon sa inspirasyon.

Ang ating pangarap ay ang ating tuntungan sa buhay tungo sa


tagumpay. Hindi lang dapat puro pangangarap, sundutan mo din ng
pagkilos. Kapag narating mo na ang rurok ng tagumpay huwag mo
kalimutang lumungon sa iyong pinanggalingan.

“Pok Pok”
Lohika bilang tiga-pukpok
Isantabi ang gumagawa, hayaang gisingin ang pagod at
kasambahay na nakahilata.

5
Mahalaga, sa palagay ko ang martilyo bilang kasangkapan sa
pakikipagbuno sa paggawa ng hagdan upang ito’y pagtibayin. Madalas
sabihin ng matatanda sa taong mahilig humilata ang katagang ito : “
di’ pok-pok”.

“Pok pok ang tunog ng martilyo kapag ito’y ginagamit pamukpok


sa mga bagay na pinupukpok. Bakit nga ba litanya ng matanda ang
mga katagang paulit-ulit na namamayani sa tenga ng taong mahilig
humilata? Marahil, siguro pinatatamaan nito ang taong laging
nakahilata (malapit ng lumubog sa kama) na wala man lang kusang
palo sa mga gawaing nakabinbin.

Sa eskwelahan (school) ang ating pangalawang tahanan kung


saan wala si nanay at tatay maging ang matandang intrimidita ay
magagawa ang mga bagay na hindi inaasahan. Ang guro ang tiga-
bantay sa maseselang gawaing iyong gagawin. Ang guro ang batas sa
apat na sulok sa loob ng silid-aralan. Mangatwiran man ay wala kang
laban. Ang mag-aaral na walang pakinabang, ang guro na ang bahala
dyan. Magdasal ng taimtim ang tanging dalangin.

“Aba studyante ko,


Mapuno ka ng awa,
Ang pasensya at timpi ko,
Sa iyo’y naubos na,
Bukod kang walang katulad
Sa lahat ng pinagpala,
Sila’y tapos na, ikaw naman
Ay simula pa lamang.”

May kasabihan nga tayo “huli man daw at magalilng,


nagmamagaling pa din”.

Ang guro ang kasangkapan bilang tiga puk-pok sa studyanteng


pinagkaitan ng kalooban sa kasipagan. Paano na lang ang kinabukasan
kung wala ang gurong nakaantabay sa kasinungalingan dulot ng
studyanteng walang awa.

Ang guro sa kanyang tunay na gampanin ay tiga-bigay ng


konkretong desisyon : magpasa o magbagsak.

Ang guro ay guro sa kanya nakasalalay ang mahiwagang


markang iyong panghahawakan at dito nakasalalay ang iyong
kinabukasan. Samakatuwid ang markang napinid gawin ay ang taong
walang nais tapusin ang kanyang gawain.

6
Ang guro ang pinakadaan tungo sa tagumpay na iyong inaasam-
asan sa buhay.

Philosophy 213
(Logic)

Submitted by:
Judelyne P. Santos
7
BS Math 2D

Submitted to:
Mr. Rockey Capule
(Instructor)

You might also like