Professional Documents
Culture Documents
Speech
Speech
Subalit alam nating lahat na ang buhay ay may limitasyon at hindi natin alam
kung kailan ito magtatapos. Kaya tayo ay paroon at parito, mabilis na gumagalaw at
kung maaari lamang ay uunahan ang pagtakbo ng orasan. Dahil takot tayo na mapag-
iwanan at hindi matumbasan ang hirap ng ating mga magulang. Tayo ay kumikilos ng
mabilis upang magkaroon ng magandang buhay sa takot na hindi na natin ito maabot
dahil sa kakulangan ng oras. Dahil sabi nila, “kailangan mong isakrispisyo ang ngayon
upang maging maganda ang iyong kinabukasan.” Na kung gusto mo ng magandang
buhay, isakripsyo mo ang ngayon na karamihan ng tao ay hindi gustong gawin upang
sa ganon mamumuhay ka balang araw sa buhay na karamihan ng tao ay hindi kayang
abutin.
Ngunit, tayo ay bata pa! Hindi ibig sabihing may hangganan ang buhay ay hindi
na ito sapat para sa mga pinapangarap nating bagay. Ang buhay ay puno ng kulay,
imbis na subukan natin itong kontrolin at ipinta bakit hindi natin ito hayaang ipakita kung
ano ang mabubuo nitong obra maestra? At magtiwala sa sarili-sarili nating kronolohiya
dahil mangyayari din ang mga itinakda. Tayo ay bata pa, bakit hindi natin lasapin ang
panahong tayo'y musmos pa, dahil ang mga panahong ito ang kahit kailan ay hindi na
natin mababalikan kapag tayo ay tumanda na. Hindi natin kailangan kumpletuhin agad
o tukuyin ng buo ang buhay natin ngayon. Mahaba pa ang ating panahon para sa
paghahanap at pagdiskubre. At kailanman, hindi pera at katagumpayan ang basehan
ng kasiyahan sa buhay. Kung hindi ang mga alaala na iyong maibabaon at maibibigay
sa mga tao sa iyong kapaligiran. Aanhin mo ang karangyaan kung kulang ka naman sa
karanasan ng iyong kabataan?
Ang hinaharap ay darating din at ang kasalukuyan ay nasa iyong harapan, hindi
mo kailangan pumili at pahirapan ang iyong sarili. Pahalagahan mo ang iyong
kasalukuyan at mapagtatagumpayan mo ang iyong kinabukasan.