You are on page 1of 1

My respect to our Guest Speaker, Ma'am Baica Sultan, Vigorous and Brilliant Education Program

Supervisor for ALS Dr. Nelida M. Lobos, hardworking Education Program Specialist for ALS, Ma'am Shella
Ann M. Rodriquez, Young and Clever Municipal Mayor, Hon Solomon G. Vicencio, amiable and active
municipal Vice Mayor Hon. Galahad O. Vicencio, equally Active municipal councilors who are around,
clever and dynamic District Supervisor and District Heads,

Dr. Carlos B. Balanquit of Catubig I District, Dr. Marlon P. De Asis of Catubig II and Dr. Dionesio S. Nueva
of Catubig III district. My teacher Ma'am Jenerose Acompaniado and other ALS Implementers of Catubig
District, to my fellow ALS graduates, visitors, families and friends, a blessed afternoon to each and
everyone.

Today, is our most awaited day. Ako po ay nagagalak sapagkat ako ay nabigyan ng oportunidad na
makapagsalita sa inyong harapan. Unang-una gusto kong pasalamatan ang mga taong naging parte ng
aming educational journey. To our mobile teachers, na naging matiyaga sa kanilang adhikain na kami ay
matuto at makapagtapos at sa ALS program ng Department of Education na nagbigay sa amin ng pag-asa
sa pagkamit ng oportunidad na ito. Maraming salamat po sa inyong lahat. Salamat din sa aming mga
magulang, asawa at pamilya na walang sawang sumusuporta at nagmamahal sa amin. Kayo ang
kalakasan namin. At higit sa lahat, sa ating Maykapal na patuloy na nagbibigay ng kalakasan at buhay
upang ipagpatuloy ang aming mga pangarap. Walang patid na pasasalamat sa inyong lahat.

Ang araw na ito ay isa sa mga katuparan ng ating mga pangarap. Noon, akala natin pangarap na lang ang
makapagtapos, ngunit ngayon ating napatunayan na walang limitasyon ang mga pangarap na iyon.
Mahirap ang mag-aral lalo na sa katulad ko na marami ang obligasyon sa buhay bilang isang ina.
Dumating din ako sa punto na ayokong ipursue ito dahil sa edad ko. Ngunit, meron akong nabasa sa
Bibliya sa Mangangaral 3:1 at gusto kong ibahagi sa inyo, ang sabi dito, "Ang lahat sa mundong ito ay
may kanya-kanyang panahon, may kanya-kanyang oras." Hindi man naging akma ang plano natin noon,
naging akma naman ang plano ng Panginoon para sa atin ngayon.

To my fellow graduates, life is not a race. We have our own respective timeline that we need to follow.
Neither we are late nor ahead, we are on our right time and right pace. Malayo pa man ang lakbayin,
alam kong mararating at mararating rin. Hindi dito natatapos ang ating mga pangarap, umpisa pa lang
ito sa pag-abot ng ating mga inaasam. Huli man tayo para sa iba, ang mahalaga nagpapatuloy tayo sa
ating takbuhin at higit sa lahat may mga taong naniniwala at tumutulong sa atin. Just pray, wait, and
persevere because in Isaiah 60:22 says, "I, the Lord, will make it happen."

Muli maraming salamat po. Mabuhay po tayong lahat.

You might also like