You are on page 1of 2

Magboo,Kyle Lorenz L. Mrs.

Jewel Pascual
11-Habakkuk Filipino

“Pahimakas”
Sa mga nagdaan na panahon at henerasyon nakasanayan na
natin ang gumising at maghanda para sa pagpasok sa umaga.Lalapit tayo
sa ating magulang upang sabihin ang mga katagang “nasaan na po ang
aking baon” namulat tayong mga tao sa ating mga nakasanayan ngunit
nagbago ito sa isang iglap lamang. Nakatutok na tayo ngayon sa ating
mga gadyets hindi katulad dati sa ating pisara, tayo ay sumasagot sa
internet hindi na sa papel tila nga bang napakahirap para sa ating
lahat. Ako ay gigising sa umaga kukuhanin agad ang aking gagamitin
para sa online class kung minsan pa ay walang ligo o kaya wala pang
kain.

Napakaraming suliranin habang nasa online class unang una


na ang walang internet o kaya walang load at walang signal higit sa
lahat ang boses ng kapitbahay niyo na mas malakas pa sa boses ng guro
mo o kaya ang manok na walang sawang tumilaok. Kung kaya’t bilib ako
sa aming mga guro kasi kahit anong hadlang ang dumating gumagawa pa
rin sila ng paraan upang kami ay may matutunan. Alam kong mahirap ang
palaging nakatutok sa laptop o cellphone pero ito na lang ang tanging
paraan upang ika’y makapagaral, para makamit mo ang iyong mga
pangarap sa buhay at higit sa lahat para ikaw ay makapagtapos.
Napakaraming estudyante ang hindi pumasok ngayon sa paaralan dahil sa
kakulangan ng gagamitin para sa online class o di kaya walang pang-
matrikula. Napakaraming problema pero bakit ipinagpatuloy pa rin?
Para sa akin hindi tayo makakausad pare-pareho kung wala tayong
gagawin na hakbang para malutasan ang ating problema sa edukasyon.
Napakaraming pagbabago pero nananatili pa rin ang pagkakaisa ng bawat
tao dahil ang mga taong angat sa buhay ay nagpamigay ng mga kailangan
ng tao, mayroon tayong krisis na nagaganap pero mas pinipili pa rin
natin tumulong sa ating kapwa. Ang pag-aaral ang ating susi upang
tayo ay maging matagumpay kung kaya’t kahit anong mangyare huwag
mong hahayaan na tapak- tapakan lang ang iyong pagkatao mahirap man o
mayaman tayo ay pantay-pantay lamang. Naniniwala ako na balang araw
darating ang oras na babalik sa normal ang lahat at makikita ko na
ang aking mga guro at kaklase. Napakaraming naudlot na gawain pero
sana hindi ito maging hadlang upang magpatuloy ka sa iyong nais o
gusto dahil hindi pwedeng maging hadlang ang pandemiya para sa
pagkamit ng ating mga pangarap. Naniniwala ako na may dahilan si Lord
kung bakit niya hinayaan mangyare lahat ito. PAHIMAKAS SA PANDEMIYA
AT PADAYON HABAKKUK!

Maikling pamamaalam para po sayo Ma’am Jewel,


Maraming salamat po sa mga oras na inilaan niyo po para sa amin at
nawa’y magkita kita po tayo ng habakkuk. Sobrang mamimiss ka po
namin and mahal ka po namin!

Pahimakas, hanggang sa muli..

You might also like