You are on page 1of 4

Chapter 1

1.1 Introduksyon at Kaligiran ng Pag-aaral

Bibigyan natin ng Introduksyon yung paksa which is


"Kahalagahan sa Pakikipagkomunikasyon". Yung kaligiran naman
is maghahanap ng mga information sa background nung paksa
natin like magbibigay tayo ng background tungkol sa
kahalagahan ng pakikipagkomunikasyon.

Example:

Kung gayon, ang pagsasalita ay isang makrong kasanayan na


komunikasyon ng mga ideya, damdamin at saloobin na may
kakayahang maiparating sa pormal man o hindi pormal na paraan.
Ang pagsasalita ay dapat linangin kaya may kasangkapan sa
pagsasalita upang mas maayos na maihatid sa madla ang
mensaheng nais iparating.

1.2 Teoretikal na Balangkas

Kung ano yung ginamit natin na paraan para makakuha ng mga


kasagutan. Dito tayo magiisip kung ano yung mga posibleng
sagot.Naglalaman rin ng mga teorya (theories) na galing sa mga
tao.

Example:

Ipinaliwanag ni Kerlinger (1973) na teoretikal o konseptwal na


balangkas na kailangan sa isang sulating pananaliksik ay
tumutukoy sa set ng magkakaugnay na konsepto, teorya,
kahulugan at proporsyon na nagpapakita sa sistematikong
pananaw ng penomena sa pamamagitan ng pagtukoy sa relasyon o
kaugnayan ng mga baryabol sa paksang pag-aaralan.

1.3 Konseptuwal na Balangkas

Ang konseptwal na balangkas ay naglalaman ng konsepto ng


mananaliksik hinggil sa pag-aaral na isinasagawa. Ito ang
pangunahing tema at panuntunan ng pagsisiyasat. Ang nasabing
balangkas ay ipinakikita sa isang presentasyon ng paradigma ng
pananaliksik na kailangan maipaliwanag nang maayos. Ito ay
binubuo ng Paghahanda
(input), Proseso
(process) at
Kinalabasan (Output).

Example: (Sa Picture)


1.4 Pagsasaad ng Suliranin

Magbibigay tayo ng mga hinaharap na mga suliranin kung bakit


hindi nagkakaroon ng mabisang pakikipagkomunikasyon. Dito
natin tutukuyin ang mga suliranin sa pamamagitan ng anyong
patanong.

Example: Ibang paksa ito hindi to tungkol sa


pakikipagkomunikasyon pero ganito yung itsura.

A.Gaano ka-epektibo ang pagsasalita sa harap ng madla ng mga


mag-aaral ng grade 10 batay sa sumusunod na salik:

1.tinig,
2.bigkas,
3.tindig,
4.kumpas, at
5.kilos?

B. Gaano ang pangkalahatang epektibong pagsasalita sa harap ng


madla?

C. Ano-ano ang mga hanguan sa epektibong pagsasalita sa harap


ng madla?

1.5 Palagay o Hinuha (Hipotesis)

Ito ay bahagi ng pananaliksik na kailangang patunayan o


suriin. Ang palagay ay tinatanggap bilang katotohanan batay sa
obserbasyon o batay sa umiiral na mga konsepto na batay sa mga
naunang pag-aaral.

Example: Inaasahan dito ng tagapagsaliksik sa inilahad na


suliranin ang mga sumusunod na kasagutan. (Hindi ito tungkol
sa komunikasyon pero parang ganyan yung mangyayare)

Ang mga unang tulang tagalog na umiral sa Panahon ng mga


Kastila ay may halong salitang kastila. Sa kagustuhan nila na
maituro ang Wikang Kastila sa mga Pilipino.

1.6 Pinagdausan ng Pananaliksik

Kung saan natin isinagawa yung pananaliksik diba sa PCU? like


ipapaliwanag lang natin siya

Example: Sobrang hindi ako sure about dito pero yan yung mga
nakita ko sa internet don't worry mag tatanong tanong ako abt
dito.
Ang saklaw ng pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang
saimpluwensya o epekto ng
social media sites
Sa mga kabataan na nag-aaral sa De lasalle College of Saint
Benilde sa kursong multimedia Arts. Bilang mga estudyanteng
mananaliksik, bilang lamang angaming mapagkukuhanan ng
kaalaman at datos kung kaya’t may limitasyon ang mga nakasaad
sa papel na ito.

1.7 Kahalagahan ng Pag-aaral

Kung gaano nga ba kahalaga ang pagkakaroon ng


pakikipagkomunikasyon.

Example:

Sa mga guro na nagtuturo ng komunikasyon sa asignaturang


Filipino, makatutulong ang mga aral, datos o impormasyon na
makukuha nila rito sa kanilang pagtuturo upang mas mapadali
ang kanilang pagpapaliwanag sa bawat aralin. Ito rin ay
maaaring maging gabay sa pagbibigay ng grado sa bawat mag-
aaral o magsasalita sa harap ng madla.

1.8 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Kung sino sino ang sakop ng survey or ginagawa nating


pagsasaliksik which is yung "Baitang 11 HUMMS" ipapaliwanag
natin.

Example:

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pananaliksik tungkol sa


mga sangkap sa pagsasalita sa harap ng madla. Saklaw ng pag-
aaral ang salik ayon kina Bernales, et al. (2013) na tinig,
bigkas, tindig, kumpas, at kilos.

Hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang iba pang epektibong


kasanayan sa pagsasalita at ang iba pang uri ng pagpapahayag o
pagsasalita. Nililimitahan lamang ito sa mga sangkap sa
pagsasalita sa harap ng madla.

1.9 Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

Ang komunikasyon ayon kay Webster (sa Bernales, et al., 2009)


ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pasalita o
pasulat na paraan.

Ang kumpas ay nakatutulong sa pagbibigay-diin sa ideya ang


nais ipahatid ng isang mananalumpati (Sauco, et al., 2004).

Ang pagsasalita ay makrong kasanayan na siyang pangunahing


ginagamit upang mapanatili ang unawaan at pagkakaisa ng mga
mamamayan (De Vera, et al., 2010).
Ang tindig ay mahalaga sa isang nagtatalumpati sapagkat ito’y
nakakahikayat sa mga manonood at tagapakinig (Garcia, et al,.
2009).

Ang tinig ay mahalagang sangkap sa pagtatalumpati (Aguilar, et


al., 2012).

You might also like