You are on page 1of 2

Ang Buhay ay Isang Paglalakbay

Magsisimula ang buong paglalakbay sa loob ng tahanan. Ipapamulat sa atin ng ating mga
magulang ang mga bagay na dapat nating matutunan na magagamit natin sa ating pagtahanak sa
ating mga pangarap natin sa buhay. Gagabayan tayo ng mga nakatatanda sa pagsisimula ng ating
paglalakbay sa buhay. Bilang isang pamilya, sila ang magsisilbing direksyon natin sa pagkamit
ng destinasyon ninanais natin sa buhay. Kapiling natin sila habang tayo ay mga bata pa,
hanggang sa dumating na tayo sa tamang edad na maaari na tayong pumunta sa susunod nating
estasyon. Walang iba kundi sa paaralan.
Sa pagdating natin sa edad na maaari na tayong makisalamuha sa ibang tao at kaya na nating
matuto ng bagay-bagay ay papapasukin na tayo ng ating mga magulang sa paaralan.
Magsisimula tayo sa Day Care kung saan ay magsisimula na tayong magkaroon ng bagong mga
kaibigan at bagong mga kakilala. Matututo na tayong makipaglaro at makipagkwentuhan sa ating
mga ka-edad. Sa pamamagitan nito ay ating matututunan ang kahalagahan ng pakikisama at
pakikipagkapwa-tao sa mga taong nasa paligid natin. Magsisimula na tayong matuto ng mga titik
sa alpabeto, magbilang, gumihit ng mga larawan, at isulat ang ating mga pangalan sa gabay ng
ating mga guro.
Bilang mag-aaral, ay rito natin mararanasan ang mga unang bagay o karanasan sa ating buhay.
Mararanasan natin ang ating unang mga kaibigan- unang away sa ating kaklase, unang pag-ibig
bilang bata, pag-iyak dahil sa simpleng gamit o pagkain, atbp. Dito natin magsisimulang
maintindihan na napakasaya ngunit napakakomplikado ng ating mundo. Matututunan natin ang
mga bagay-bagay na magagamit natin sa pagpapatuloy ng ating paglalakbay. Magkakaroon tayo
ng sapat na kaalaman at mahuhubog natin ang mga katangian na siyang tutulong upang makamit
natin ang ating mga pangarap sa buhay.
Sa ating paglaki ay umuunlad rin ang ating mga kaalaman sa buhay kung kaya namn papasukin
na tayo sa ating sunod na estasyon. Walang iba kundi ang Elementarya. Ito ay mas malaki kung
ikukumpara sa Day Care, mas malaking mundo ang ating kakaharapin at mas maraming tao ang
ating makakasalamuha. Sa mga panahong ito ay mas nauunawaan natin ang mga pangyayari sa
ating paligid, mas nauunawaan natin na may kani-kaniyang iba't ibang katangian ang mga tao na
marapat nating igalang at huwag kwestyunin. Sa Elementarya, mas lumalawak at lumalalim ang
ating mga kaalaman dahil mas napapa-unlad ang ating mga natutunan mula sa Day Care.
Magkakaroon din muli tayo ng mga bagong kaibigan at mas marami rin.
Magsisimula na tayong magkaroon ng kamalayan sa ating komunidad bilang isang indibidwal.
Mauunawaan na natin na mayroong mga bagay na hindi natin maaaring pakialaman,
samantalang may mga bagay naman na marapat nating pakialaman dahil may malaki itong
gagampanan sa paglago natin bilang isang indibidwal na may tunguhin sa buhay. Sa panahon
ding ito ay mas makikilala natin ang ating sarlli. Mas makikila natin kung sino nga ba tayo, at
kung ano ang mga gusto natin sa buhay. Maiintindihan na natin na mahalaga ang mga kaalaman
na natututunan natin sa paaralan, hindi lamang upang makapagtapos kundi maging sa aplikasyon
sa totoong buhay.
Matapos nating makumpleto ang Elemetara ay lilipat na tayo sa ating susunod na estasyon, sa
hayskul. Mas mapapa-unlad natin ang ating mga katangian sa mga panahong ito. Mas nagiging
matapang tayo na sumubok ng mga bagay-bagay. Mas nauunawaan natin ang kahalagan ng
pagiging matatag at determinado sa buhay. Dahil ang mga ito and magsisilbing susi sa ating
tagumpay sa buhay. Namumulat tayo sa napakalaking mundo na ating kinabibilangan. At mas
nagiging handa tayo sa pagkamit natin sa pangarap natin sa buhay.

You might also like