You are on page 1of 6

Ang Walang Katapusang Potensyal ng Tao.

Introduction:
Ayon sa mga kalkulasyon at pagtatansya, may
mahigit pa sa isandaang bilyong tao ang
nabuhay sa buong kasaysayan at kakaunting
porsyento lang doon ay ang mga taong
matatawag nating tanyag. Maaring narinig na
natin ang kanilang mga pangalan, katulad nila:
Albert Einstein, Charles Darwin, Alfred Nobel,
Isaac Newton; at mga modernong tao katulad
nila Elon Musk, Stephen Hawking, Steve Jobs,
Bill Gates, at madami pang iba. Mga tanyag na
tao na napakarami nang nagawa na minsa’y
mapapaisip ka nalang, “Sobrang dami nang
natuklasan at nagawa sa mundo, ano pa kaya
ang magagawa ko?”
“Ano ang kailangan kong gawin upang maging
isang tanyag na tao?”
Body:
Makikita nalang natin sa internet ang kung ano-
anong klaseng posts, artikulo, o mga bidyo sa
nagsasabing:
Ganito ang dapat mong gawin, ito ang tamang
paraan, kung bakit di ka magaling, kung bakit
kailangan mo ito, ikaw ay magsisisi dahil sa…
O mga pagpupuna at pagdududa na sinasabing
masyado ka pang bata para gawin iyan,
masyado ka nang matanda, nagawa na yan ng
iba o magagawa din yan ng iba, wala nang bago
sa mundo, at marami pang iba na
nagpapalimita sa isipan ng mga tao.
Mayroong ingles na salita tungkol dyan, Pâro.
Ang pakiramdam na kahit na anong gagawin
mo ay palaging mali.
Sobrang daming tao ang tila nagtuturo sayo
kung paano ka mabuhay. Kung ano ang dapat at
hindi mo dapat gawin. Maraming tao ang
magpupuna at magdududa sayo. Maraming
magsasabi na mali ang ginagawa mo, marami
nang nakagawa nyan, o imposible yan.
Kung isasapuso mo ang mga artikulo at posts na
iyan, mawawalan ka lang ng kapatagan sa iyong
sarili; pero sa pagkadamidaming artikulo na
iyan mapapagtanto mo na limitado lang ang
oras mo sa mundo, huwag mo nang sayangin
ang oras mo sa pagaalala sa mga pagdidirekta
nila sa buhay mo.

Ako’y kukuha ng kaunting sipi mula sa isa sa


aking idolo na pangalan ay Exurbia.
Kung may magsasabi sayo na hindi ka magiging
kapansin-pasin sa buong buhay mo, maaring
ang normal na sabihin mo ay “Alam mo, parang
tama ka.”
Pero kung sa tutuusin, ang mas maayos na
pwede mong sabihin ay
“Sino ka ba at anong pakialam mo sa akin?”
Lahat ng tao sa mundo ay may walang
katapusang potensyal, nakaya ng mga tanyag
na maipakilala nila ang kanilang sarili sa mundo
dahil hindi sila nakinig sa mga pagdududa ng
ibang tao. Kahit sino mang tao ay
napagdudahan na; kahit mula sa kanilang
magulang, kaibigan, o mga hindi kakilala. Sa
pinakamalalang sitwasyon ay ang pagdududa
mula sa kanilang sarili. Pero kahit na sa lahat ng
mga iyon, nakaya parin nilang hindi libangin ang
mga pamumuna at pagdududa nila.
Karamihan sa lahat satin ay nakalimutan na ang
pinagmulan ng mga tanyag na tao.
Dalawampu’t pitong taon na si Van Gogh noong
sinimulan niyang magpinta
Si Einstein na dyslexic
Si Charles Darwin na nasabihan ng kanyang ama
at mga guro na isa lamang siyang ordinaryong
bata na may mababang talino.
At madami pang iba. Sila ang mga normal na
tao na hindi nakinig sa mga kritisismo.

Conclusion:
Ang potensyal ng tao ay walang katapusan.
Lahat ng mga dakila at lahat ng mga tanyag ay
nasabihan ding mga “normal” pero dahil sa
kanilang interes at pagmamahal para sa
kanilang gawain, ipinagpatuloy at ipinagpursige
nila ito upang makamit nila ang kanilang
pangarap. Kaya huwag mong limitahan ang
iyong sarili, huwag mong hayaan na madadala
ka sa mga sasabihin ng mga tao.
Kaya kahit na sa tingin mo ay masyado ka nang
huli upang tuklasin ang mundo o masyado ka
pang maaga upang galugarin ang sulok ng
kalawakan, ngunit nasa tamang panahon ka
naman upang magamit mo ang makabagong
teknolohiya upang maipamahagi ang walang
katapusang inobasyon at pagkamalikhain ng
ating isipan.
Limitado ang oras natin dito sa mundo, ngunit
walang katapusan ang maari nating gawin.
Maraming salamat

You might also like