You are on page 1of 1

Ikaapat na Repleksyong Papel

Vinta, Cyra Heart DC.


BSP 3B

Aminado akong isa ako sa mga taong malakas 'mang-stereotype' sa mga bakla
noon. Bagama’t nakakamangha at nakakapagtaka, awtomatiko ang aking isip na basta’t
bakla ay magaling sa arts at marunong magpatawa. Ngunit ngayon ay mas lubusan
kong naintindihan na parte ito ng pagkataong nahubog ng ginagalawan nilang mundo.
Mundong iba sa akin at iba sa madla kung kaya’t ang buhay nila ay may sariling mga
salik na nagdidikta kung sino sila.

Gaya na lamang sa pag aaral, naiiba ang kanilang karanasan at katayuan sa


lipunan dahil sila ay mga kabataang baklang nakakaranas ng kahirapan sa kanilang
rural na kinalalagyan. Kung saan sila ay nasa dehadong disposisyon. Nakukulong sa
ekspektasyong magpatawa at obligasyong magbigay ng pera. Gayundin sa pag ako ng
maraming responsibilidad habang tinatago ang kanilang sekswal na oryentasyon at
nananahimik sa iba’t ibang uri ng opresyon. Isang nakakalungkot na produkto kapag
ang mga bagay na hindi na natin mababago (mga katangiang mula sa ating sarili o
kalooban) ay inilalagay sa ayaw magpabago (lipunan).

Lalo nitong ipinapamukha na mapagpanggap ang paniniwalang mapagtanggap


ang mga Pilipino. Sapagkat kitang kita naman dito na may hangganan ang kasiyahan,
kaginhawaan at kalayaang natatamasa ng mga bakla sa ating bansa. Kung saan
maraming susi pa ang kailangan upang sila ay makapamuhay at matanggap sa
kanilang pamayanan. Isang bagay na patuloy pa nilang mararanasan hanggang hindi
naiaangat ang kanilang boses at karapatan sa kamalayanan ng sambayanan lalo na sa
mga taong may hawak ng kapangyarihan. Na tingin ko’y inilalaban na ng ilan sa mga
Pilipino. Isang bagay na nawa ay magbabagsak pa ng matayog na konserbatibong
pananaw ng marami upang mapangyaring ang bawat Pilipino ay nakikita,
napagtatanggol at namamahal sa kani kanilang pagkakakilanlan at kontekstong
kinalalagyan.

You might also like