You are on page 1of 2

Nagkalat na Bangkay

Sa ating kagalang-galang na guro, mga kamag-aral, kaibigan, kabataan at ang lahat ng


naririto, isang taos pusong pagbati ang ipinaaabot ko sa inyo. Isang karangalan para sa
akin ang humarap sa inyo upang magsalita hinggil sa isang talamak na isyu na
kinakaharap ng ating bansa. Isyu na pumukaw sa aking atensyon, ito ay ang Oplan
Tokhang na umusbong at mas lalo pang lumaganap noong pamunuan tayo ng ating
Presidenteng si President Rodrigo Duterte.

Patayan dito, patayan doon! Bakit nga ba tila ang patayan ay ganun-ganon na lang?
Mga nagkalat na bangkay ay para bang disenyo na lang sa ating daanan. Tila ba tayo ay
napapaligiran na ng umaalingasaw na katawan . Mga nabubulok at inaagnas ng katawan
ay matatagpuan sa kung saan-saan. Bakit parang ang tainga natin ay gasgas na sa
nakaririnding salitang “patayan!patayan!”. Bakit wari ko’y ang mata natin ay piniringan,
at ang bibig natin ay binusalan. Ang salita tuloy na “Hustisya” ay pawang hanggang
salita na lamang.

Nagsimula ang patayan sa tatlong mumunting letra E…J…K… EJK o kilala natin
bilang Extra Judicial Killing. Magmula ng maisapatupad ang artikulong ito, tila sigawan
ng mga tao ang maya’t-mayang maririnig mo. Hindi na rin bago pa sa mga tao ang
maglakad sa kalsada pauwi sa kani-kanilang tahanan, ng hindi nakakakita ng katawan ng
taong nakahandusay . Sa bawat kalabit ng gatilya kapalit ay alingawngaw ng iyak ng
sanlibong pamilya . Mga pamilyang walang kamalay-malay sa krimen na ibinabato sa
taong mahal nila sa buhay.. Ang artikulong ito ay ang puno’t-dulo ng lahat ng hinaing ng
mga tao. Sapagkat, ito ang nagpasimula sa lahat ng dugo na sa daan ninyo’y makikita.
Ang EJK ay patungkol sa pagpatay sa mga tao ng may pahintulot ng gobyerno, pagpatay
sa mga taong nalululong sa droga. Tama nga naman na ipatupad ang EJK, upang adik sa
bansang to’y atin ng masugpo, ngunit hindi!, hindi binanggit sa artikulong ito na maging
ang walang kamalay-malay na tao ay alisan ng pulso. Nasaan na nga ba ang hustisya?
Bakit kailangan na humantong ang lahat sa ganitong pangyayari? Bakit ang pagiging
makatao natin ay unti-unti ng nabubura?

Ang bansa natin ay puno na ng matitinding sigawan. Sigawan ng mga kaluluwang


naghahanap ng salitang “Hustisya! Nawa’y mapasa amin na”. Hustisya lang naman ang
nais nila, ngunit bakit tayong mga mortal ay sadyang nagbibingi-bingihan at nagbubulag-
bulagan sa katotohanan.

Kayo? Nais pa ba ninyo na ipagpatuloy ito? Na sa bawat kalabit!, buhay ng ating


kapwa ang kapalit? Alam kong mahirap sagutin ang tanong na ito , dahil may maganda
itong epekto at meron din naman na negatibo. Huwag na lamang nating hayaan na isa sa
mahal natin ang madamay, para naman sa mga naging biktima, asahan ninyo ang
kasagutan dahil ang hustisya ay malapit niyo ng makamtan.

Tayo ay hindi perpekto, ngunit lahat tayo ay may panahon para magbago. Hindi
pagpatay ang solusyon sa lahat ng bagay, dahil gaya nga ng sabi ko tayo ay may panahon
para magbago. Ang pagpatay sa kapwa ay hindi makatao, ito ay magiging kasiraan mo.
Para naman sa mga kabataan, droga ay inyong iwasan at ating kalusugan ay pangalagaan.

Maraming salamat sa inyo at muli isang mapagpalang araw po sa ating lahat.

You might also like