Professional Documents
Culture Documents
Talumpati - Silvestre (BSMT2A)
Talumpati - Silvestre (BSMT2A)
BSMT 2A
PARUSANG KAMATAYAN
Ang parusang kamatayan ay naglalagay sa peligro ng mga inosenteng buhay. Kung iyong
pag-iisipan, ano ang mangyayari kapag ang pagkakamali ay natuklasan matapos na ang isang
inosenteng indibidwal ay nahatulan na? Ano ang sasabihin natin sa kanyang balo at mga anak?
Sapat ba na magpatayo tayo ng isang paumanhin na lapida sa kanyang libingan? Ang
pagkakapatay ng isang indibidwal matapos na mahatulang inosente ay hindi makatwiran. Sa
makatuwid, kung ang parusa'y naihatol sa taong inosente, dapat lamang na itanim nila sa
kanilang mga isip na hindi na maibabalik ang buhay na kanilang kinitil.
Sagrado ang buhay. Hindi ako naniniwala na may karapatan akong wakasan ang buhay
ng iba sa alinmang paraan. Walang karapatan ang bawat isa na gampanan ang tungkulin ng
Diyos. Alam nati'y sapat upang masabi na ang ilang mga krimen ay nangangailangan ng
matinding parusa ngunit kailanma'y hindi magiging sapat upang sabihin kung kailan dapat
mamatay ang sinuman.
Hayaan n'yo akong wakasan ang talumpating ito sa isang katanungan na maaari nating
pagnilayan. Sa isang di-sakdal na mundo kung saan hindi natin matiyak kung atin nang nakamit
ang "pinakapangit sa pinakamasamang kalagayan" iyong pag-isipan at pagnilayan. Makatuwiran
bang kumitil ng buhay?