You are on page 1of 3

Ang pork barrel, sa literal nitong kahulugan ay ang "bariles ng karneng

baboy”. Ito ay isang salita na tumutukoy sa pagtatalaga ng pamahalaan sa


paggasta na pangunahing kinukuha mula sa kabang-yaman ng bansa upang
magamit sa distritong isang mambabatas para sa mga lokal na proyekto nito.
Sa karaniwang paglalarawan, ang "pork" ay sumasaklaw sa pagpopondo ng
Amga programa ng pamahalaan na ang serbisyong mga benepisyo ay
nakalaan sa nasasakupan o lugar ngunit ito ay pinapasan ng lahat ng mga
nagbabayad ng buwis.
Sa Pilipinas, ang pork barrel ang nakalaang malaking halaga ng pambansang
taunang badyet ng pamahalaan para sa mga mambabatas ng bansa. Ang bawat
senador ay pinaglalaanan ng 200 milyong piso at ang bawat kongresistaay
pinaglalaanan ng 70 milyong piso sa programang tinatawag na Priority
Development Assistance Fund.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, ang isang kurakot na mambabatas ay
maaaring makakuha ng hindi bababa sa 20 porsiyentong komisyon sa
paggamit ng kaniyang taunang itinalagang pork barrel para sa inprastraktura
at iba pang mga proyekto. Ayon din kay Lacson, ito'y nangangahulugang ang
isang kurakot na senador ay maaaring makapagbulsa ng 40 milyong piso kada
taon, 240 milyong piso sa anim na taon at 480 milyon sa 12 taon.
Pork barrel scam
Ang pork barrel scam ang kontrobersiya na unang nabunyag noong Hulyo
2013 na kinasasangkutan ng 5 senador at mga 23 kinatawan na naglipat ng
kanilang pork barrel funds na may kabuuang 10 bilyong piso sa mga pekeng
non-government organizations (NGOs) para sa mga hindi umiiral na proyekto.
Ayon sa Commission on Audit, ang paglilipat ng mga mambabatas ng mga
pondo sa mga NGO ay illegal.
Ang mga nasangkot na senador ay sina: Bong Revilla (na naglipat ng 1.015
bilyong piso sa NGO), Juan Ponce Enrile, (641.65 milyong piso), Jinggoy
Estrada (585 milyong piso), Bongbong Marcos (100 milyong piso) at Gringo
Honasan (15 milyong piso).
Ang mga nasangkot na kinatawan ayon as media ay kinabibilangan nina
Rizalina Seachon-Lanete (137 milyong piso), Edgard Valdez, Rodolfo Plaza (81
milyong piso), Samuel Dangwa (62 milyong piso), Erwin Chiongbian.
Ang sinasabing utak ng pork barrel scam ayon sa whistleblower na si Benhur
Luy ay si Janet Lim Napoles na CEO at presidente ng JLN Corp.
"Meron bang nagmahal ng hindi nasaktan? Pwede ba yun? Yung magmahal ng hindi
nasasaktan? Pwede bang magmahal ng walang sakit? Pwede bang okay na tayo
wala ng bakit? Pwede bang start lang walang end? Kung kaya pa natin, baka naman
pwedeng iextend Pwede bang true lang walang fake? Pwede bang heart lang
walang break? Pwede bang magpakatanga kahit sa huling saglit? Pwede bang tayo
at tayo nalang ulit? Pwede bang ang sagot sa lahat ng tinanong ko ay oo pero diba
hindi At yun ang masakit Masakit ba yung sakit o masarap? Ayaw ba talaga nating
masaktan? Kasi kung ayaw natin bakit kahit alam na natin na masakit paulit-ulit parin
nating binabalikan At dahil paulit-ulit, pati yung sakit nakasanayan At hinanap-hanap
nalang ng katawan Nasasaktan ba talaga tayo o nasasarapan? Masakit ba yung
sakit o masarap? Mukhang mahirap yung tanong ko kaya niisa sa inyo walang
kumurap At hindi nakaisip ng sagot sa isang liham Kaya kakausapin ko nalang yung
sarili ko, tutal ako naman ang nakaisip ng tanong na 'to Masakit ba yung sakit o
masarap? Alam kong wala ka dito ngayon Pero gusto kong malaman mo at
makarating sayo lahat ng sasabihin ko Pero sigurado naman akong makakarating
sayo, sa dami ba naman ngayon ng tsismosa at tsismoso At gusto kong malaman
mo na masakit Masakit, masakit yung sakit sobrang sakit Hindi ko mawara yung
sakit, sobrang sakit pero masarap Alam mo kung bakit? Kasi ikaw nagbigay sakin ng
ganitong pakiramdam Kaya kahit paulit-ulit ikaw lang ang bibigyan ko ng karapatan
na sa akin ay manakit Dahil mahal kita, mahal kita habambuhay at hindi lang isang
saglit Oo mahal kita, mahal kita mahal na mahal kita kahit tayo lang ang nakakaalam
Dahil natatakot ka, natatakot ako, natatakot tayong dalawa na parehong
mahusgahan mahal kita Mahal kita mahal na mahal kita dito sa mundo nating
parang kulungan Isang bartolinang masikip, madilim at ang mahal mo ko ay pwede
mo lang ibulong sa katahimikan na tayong dalawa lang ang nagkakarinigan Mahal
kita, mahal kita mahal na mahal kita At alam kong mahal mo ko kahit tayong dalawa
lang ang nagkakaintindihan Mahal kita tang ina nila mahal kita Kahit sa dulo nito
alam kong wala tayong laban Sa bawat pelikula ko, sa bawat palabas ko gusto sana
natin magkasama tayong dalawa sa siksikan Sa bawat laro mo, sa bawat three
points mo Gusto ko sana nandun ako para manguna ko sa palakpakan Gusto kong
isigaw na "POTANG INA JOWA KO YAN!" Pero hindi natin magawa kasi natatakot
tayong parehong mapag-usapan Kaya kahit pareho tayong tagumpay Pareho tayong
nananatiling talunan Ang sakit, ang sakit sobrang sakit Sobrang sakit hindi ko
maintindihan ang sakit Hindi nyo alam ang sakit Pero pagkatapos ang tilian ng mga
tao Pagkatapos ng tunog ng simbato Pagkatapos mong punasan at patuyuin lahat
ng pawis mo Bago ka umuwi ng bahay nyo Ako parin ang tatawagan mo para
tanungin kung napanood ko yung cross over mo Yun ang masarap Para kong baliw,
para kong tanga Makita ko palang yung pangalan mo sa telepono para na kong nasa
ulap Pag narinig ko na yung boses mo pag sinagot ko yung tawag mo para na kong
nasa alapaap Parang tangang nababaliw kasi ang sarap sobrang sarap Ang sarap
pero ang hirap Ang sarap pero ang saklap pero masarap Masarap kasi sa loob ng
mundo natin, kahit nakakulong tayo masaya naman tayo Nagtatawanan,
naghaharutan, nagkikilitian hanggang sa magkapikunan At pagkatapos ay
magbabati nanaman Pero bakit pag naglabas ng mundo yang hindi na tayo
pwedeng mag-usapan Hindi tayo pwedeng magpansinan, hindi tayo pwedeng
maghawakan Hindi tayo pwedeng magtitigan, hindi tayo pwedeng maglapitan hindi
pwede Ang lungkot naman, ang lungkot lungkot naman Ang sakit naman Mas
malaya pa tayo dun sa loob ng kulungan Ilang taon din natin yan tiniis Yung
nagtataguan na parang mga gago Na parang mga aswang na nakakubli sa isang
silid na parang sementeryo at tayong dalawa lang ang tao Na parang mga adik na
natatakot matokhang ano mang segundo Na parang mga kriminal, natatakot na
hatulan ng mapanghusgang lipunan Na ang tanging pamantayan ay hindi pwedeng
tayo Dapat sa babae ka lang dahil bakla lang ako Potang ina namang mundo to ano
bang problema nyo Ano bang kasalanan ko Sa sobrang takot ay nagkasundo na
lang na wag na manlaban Dahil pagod na tayo at pareho na tayong tubuan
Kinamisok tayo na sumuko nalang Ang sakit, sobrang sakit Hindi nyo alam kung
gano kasakit Hindi nyo mauunawaan kung gano kasakit Pag naaalala ko para kong
mamamatay sa sakit Namamanhid yung buong katawan ko sa sakit Hindi ako
makakilos sa sakit, wala na kong maramdaman sa sakit Ang sakit sakit pero
masarap Kasi hanggang sa huli Yung sa pagsuko natin magkahawk tayo ng
mahigpit At dumating na yung oras na sabay tayong hahatulan At ang pinataw sa
atin Pinakamabigat na parusa Kalayaan Kalayaan palayain ako Kailangan palayain
mo ko o palayain kita Di pwedeng lumingon, di pwedeng sumulyap Di pwedeng
umiyak diretso lang ang lakad Papalayo sa isa't isa hanggang sa di natin nakita kung
san tayo napunta Ang sakit sobrang sakit Halos ikamatay ko yung sakit Pero
masarap, ang sakit sakit pero masarap Dahil hanggang sa huling sandali Kahit
masakit tinawag mo kong Juliet."

You might also like