You are on page 1of 5

agmamahal sa Kapwa Tao

By Elmer R. Esplana
(Isang tula na nilikha upang magpaalala na ang pagmamahal sa kapwa ay utos ng Dios,
na dapat nating ipadama upang maging maligaya at ang pagmamahal sa kapwa tao ang sandigan
ng ating pagunlad bilang isang bansa sa Asya at Pasipiko. Sabi nga ni Dr. Orly Mercado, "Kapwa
ko, Mahal ko!")
Ang pagmamahal sa kapwa tao,
Ikalawang utos ng Dios,
Na dapat lagi nating ipadama,
Upang ang buhay natin ay maging maligaya.
Ikaw at ako ay mga nilikha ng Maykapal,
Upang mahalin at pahalagahan natin ang kapwa natin,
Tulungan sila upang maging maganda ang buhay,
Kabahagi tayong lahat sa pag-unlad ng bansa.
May kapwa taong para bagang gusto lagi ng gulo,
Ayaw ng kapayapaan at parating masama ang iniisip sa kapwa,
Ngunit ganon pa man, mahalin pa rin natin sila,
Dahil kawangis din sila ng Dios na lumikha.
Kung patuloy lang tayong magmamahal,
Patuloy lang din buhay natin ay masaya,
May kapayapaan at kagalakan sa puso,
Daig nya ang anumang uri ng yaman sa mundo.
Sino nga ba ang magsasabi, na may pagmamahal ka sa kapwa tao mo?
Kundi ikaw at ako rin ang makakapansin nito,
Ikaw at ako rin ang makakaramdam nito,
Hindi pwedi maging isang balat-kayo lamang.
Kung kapwa mo, mahal mo,
Iingatan mo sya at gagabayan,
Ipagtatanggol at ipagyayabang,
Sapagkat, ito ang tunay na pagmamahal sa kapwa tao.
May hihigit pa ba sa isang kaibigan,
Na inialay nya ang buhay nya,
Upang maging ligtas, mapayapa at masaya,
Ang kanyang ka-buddy at kasama sa paglalakbay.
Kaya't kung kapwa ko Filipino mapapasama rito,
Kasama mo ako upang ipaglaban ito,
Dahil ang buhay mo at buhay ng bawat isa ay parehong mahalaga sa Dios,
Kanyang inialay ang buhay nya para maligtas tayo.
Ang aking panawagan sa bawat isa,
Mag-isip tayo para sa ating bansa,
At para sa susunod na generasyon ng Lahing Kayumanggi,
Mahalin natin ang ating bansa at kapwa tao.
#pagmamahalsakapwatao
#mgatulanglahingkayumanggi

You might also like