You are on page 1of 23

Pag-ibig Anaki’y Aking Nakilala

Titik ni Francisco Balagtas (1838)


Musika ni Joel Costa Malabanan (2013)

197. Pag-ibig anaki’y aking nakilala


Di dapat palakhin ang bata sa saya
At sa katuwaa’y kapag namihasa
Kung lumaki’y walang hihinting ginhawa.
198. “Sapagkat ang mundo’y bayan ng hinagpis
Mamamaya’y sukat tibayan ang dibdib
Lumaki sa tuwa’y walang pagtitiis
Anong ilalaban sa dahas ng sakit?
199. “Ang taong magawi sa ligaya’t aliw
Mahina ang puso’t lubhang maramdamin
Inaakala pa lamang ang hilahil
Na daratna’y di na matutuhang bathin.
200. “Para ng halamang lumaki sa tubig
Daho’y nalalanta munting di madilig
Ikinaluluoy ang sandaling init
Gayon din ang puso’y sa tuwa maniig.
201. “Munting kahirapa’y mamalakhing dala
Dibdib palibhasa’y di gawing magbata
Ay bago sa mundo’y walang kisapmata
Ang tao’y mayroong sukat ipagdusa.
202. “Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni’t sa hatol ay salat
Masaklap na bunga ng maling paglingap
Habag ng magulang sa irog ng anak.
203. “Sa taguring bunso’t likong pagmamahal
Ang isinasama ng bata’y nunukal
Ang iba’y marahil sa kapabayaan
Ng dapat magturong tamad na magulang.
Saan ka patungo, panganay ko?
Joey Ayala
Saan ka patungo, panganay ko?
Ano ang hinahanap mo sa ating mundo?

Ako'y tutungo sa siyudad


Upang hanapin ang kaluluwa nito
Papasukin ang mga pintuan at gusali niya
At hihiga sa kanyang semento
Ako'y tutungo sa siyudad
At sasagupa sa dahas nito
Ako'y sasama sa kanyang mga pulubi at pusakal
At yayakap sa kanyang aspalto

Ako'y tutungong katedral


Upang tumitig sa mukha ng Diyos
Isasaulo ko ang bawa't guhit sa kanyang mukha
At dadalhin ko siya sa aking puso
Ako'y tutungong meskita
Upang tumitig sa mukha ni Allah
At kung matuklasan ko na
Ang Diyos at si Allah pala'y
Pareho ang mukhang pinapakita
Aking imumungkahi na dapat magkaisa
Ang lahat ng mga Muslim at Kristiyano sa lupa
Ako'y tutungo sa ginintuang palasyo ng mga hari
Titingnan ko kung ang kulay ng mga haring ito
Ay tunay na tulad ng kulay kong kayumanggi
At kung matuklasan ko na
Ang tunay na kulay nila'y
Pintura sa mukha't balatkayo
Makikita ng mundo na ang nakaupo sa trono
Ay 'di hari kundi manika lamang
Ako'y tutungo sa parang
Upang hukayin ang dunong sa lupa
Isip ko'y bubungkalin,
Diwa ko'y itatanim at aanihin ko ang katotohanan
Ipamamahagi ko sa aking kapwa-tao
Ang mga bunga ng aking diwa
At kung may hahadlang sa pagbungkal ng isipan
Awitin ko'y magsisilbing sandata

Saan ka patungo, panganay ko?


Ano ang hinahanap mo sa ating mundo?
Saan ka patungo, panganay ko?
Tila mapanganib ang adhikain mo
Itay, ako'y patungo sa dulo ng mundo
Ang aking hinahanap ay ang kalayaan ko
Ito ang aking pakay at ako'y nakahandang
Ipagpalit ang buhay para sa kalayaan
SAKSI BA ANG LANGIT?
Popong Landero
Saksi ba ang langit
sa karahasang naghahari
sa lansangan at merkado
sa plasa at pasilyo
sa bakuran, sa hagdanan
sa loob ng tahanan
sa pusod ng lipunan
sa puso ng pulo
Saksi ba ang langit?
sa lupit na nakahugit
sa katawang piniga ng nagbabagang tadhana
sa murang pisngi nitong batang tulala
Saksi ba ang langit?
Sa mga balang tumagos
Sa dila at kaluluwa
ng mga mandirigmang makata
Nang magpingkian ang mga krus at kris ng mga naglalarong eskrimador?
Sa palasyo, sa may batis
Saksi ba ang langit?
Saksi ba ang langit?

PAGSUSURI: Ang malulungkot na pangyayaring gaya ng isinasaad sa awit na ito ay paulit-ulit nanag iniuulat hindi
lamang sa bansa natin gayundin sa buong daigdig. Isip-isipin ang dalamhati at kirot na dulot ng mga aksidente,
krimen, digmaan, terorismo, likas na sakuna, at iba pang trahedya. Lantad ang iba’t ibang anyo ng karahasan sa
ating lipunan. Sinisisi ng ilang ang Diyos, anupa’t ikinakatwiran na ang Maylalang ay walang malasakit sa mga tao.
Sinasabi ng iba na nakikita ng Diyos ang pagdurusa natin, pero ayaw lang Niyang makialam. Sinasabi naman ng iba
na ang gayong mga trahedya ay nakatadhana na. napakaraming opinyon tungkol s apaksang ito na itinatampok ng
awit. Nguni tang pinakamahalaga, sa lahat ng mga agam-agam na ito, mahalaga pa rin ang pagkilos natin upang
tuluyan nanag mawaksi ang ganitong uri ng mga karahasan.
Padre Damaso
Isang araw ng tag-ulan
Ganyan kami, ayaw maputikan
Kay tingkad ng kasuotan
Tanda raw ng kanyang kalinisan
Binabagtas ang mahabang daan
Sakay ng kotseng pangmayaman
Tinitingala sa lipunan
Isang alagad ng simbahan

Titignan animo'y sugo


Puting-puti ang kanyang damit
Marami ang sa kanya'y naniniwala
Siya'y hulog daw ng langit
Pikit-matang nanan*langin
Sa Diyos na may gawa sa atin
Tayo raw ay pagpalain
Ilayo sa masamang gawain

Siya raw ang naglilingkod sa atin


Siya raw ang gumagabay sa atin
Dapat daw na paniwalaang
Mga sinasabi ni Padre Damaso
Dumating ang araw tumigil ang ulan
Puti niyang damit ay kanyang pinalitan
Kanyang kapangalan ngayo'y kasamaan
Kasamaang nagtatago sa puting kasuotan

Bahay ninakawan, laganap ang patayan


Sigaw ng mga tao, "Padre kami'y tulungan"
Pagsapit ng gabi, si Padre nasaan
Nandoon sa sugalan nakikipag-inuman

[Siya raw ang naglilingkod sa atin


Dapat Siya raw ang gumagabay sa atin
daw na paniwalaang
Mga sinasabi ni Padre Damaso
Bahay ninakawan, laganap ang patayan
Sigaw ng mga tao, "Padre kami'y tulungan"
Pagsapit ng gabi, si Padre nasaan
Nandoon sa sugalan nakikipag-inuman

Siya raw ang naglilingkod sa atin


Siya raw ang gumagabay sa atin
Dapat daw na paniwalaang
Mga sinasabi ni Padre Damaso

PAGSUUSRI: Ipinapaunawa ng awit na ito ang mga kabalintunaan sa pagkilos o paggawi ng mga taong alagad ng
simbahan. Palaging ipinapaalala sa atin na ang mga paring katulad ni Padre damaso ay inaasahan na kumilos nang
naayonb sa itinuturo ng reliiyon ngunit sa kabaliktaran, iba ang ipinapakita ni Padre Damaso. Sa parehong paraan,
maaari nating iugnay ang katauan at katangian ni Padre Damaso sa iba pang tao sa ating lipunan. Yaong mga
nagbabalat-kayo at nagpapakitang tao sa harap ng iba, sila ay maituturing na mga Padre damaso ng kasalukuyan.
Mainam na magamit ang awit na ito bilang material na panturo sa Noli me Tangere higi’t lalo sa pagpapakilala kay
Padre Damaso.
SISA
Siakol

crispin basillo nasa'n kayo


hinahanap na kayo ng nanay nyo
crispin basillo nasa'n kayo
hinahanap na kayo ng nanay nyo

isipang binalutan ng puot at galit


damdaming sinugatan ng matinding sakit
sa bayang bakuran naghahari ang dayuhan
sa sariling dugo nadiligan

crispin basillo nasa'n kayo


hinahanap na kayo ng nanay nyo
crispin basillo nasa'n kayo
hinahanap na kayo ng nanay nyo

saksi sa pahirap mga mapagpanggap


kunwari'y makabayan sagana sa sarap
mula sa ninunong nagpatulo ng pawis
minana ng makamundong nais
crispin basillo nasa'n kayo
hinahanap na kayo ng nanay nyo
crispin basillo nasa'n kayo
hinahanap na kayo ng nanay nyo

mapagmahal na ina sa nawawalang anak


luha'y pumapatak sa pangarap na nasawak
nawalan ng pag-asa sa lagim na nakita
umaasa pang may natitira

crispin basillo nasa'n kayo


hinahanap na kayo ng nanay nyo
crispin basillo nasa'n kayo
hinahanap na kayo ng nanay nyo

PAGSUUSRI: Ang awit na ito ay paglalarawan ng pagkakasadlak ni Sisa. Inilahad ng awit ang kinahinatnan ni Sisa
mula sa panghahamak ng mga guwardiya sibil. Maaari din nating iugnay ang awit na ito sa kasalukuyang kalagayan
ng mga taong nasa laylayan o sa kaya ng mga kababaihan. Mainam na magamit ang awit na ito sa pagtuturo ng noli
Me tangere lalo na sa kabanata 16 at 21.
SAGOT KO KAYO

Musikang Bayan

Manggahasa man kayo


Ng isa, dalawa, tatlo
Ako ang inyong pangulo
At sagot ko kayo
Bastat gawin n'yo lang kung anong nararapat
Upang mamamayan ay ligtas 2X

Mga bomba ay ihulog


Isa, dalawa, tatlo
Hanggang sa madurog,
Mapatag, maabo
Mga kabundukan pati na ang syudad
Upang mamamayan ay ligtas 2X.

KORO
Ito ang aking gera
Kontra-droga't terorismo
Sa inyong pagtalima sagot ko kayo

Wag ninyong papansinin mga nagrereklamo


Tungkol sa kanilang mga karapatang pantao
Sila'y taga-suporta ng mga terorista, mga durugista at tulak ng droga,

Bra-ta-tat,ta-tat,ta-tat, ta-tat, ta-tat,ta-tat!!! (2X)

At kapag may nanlaban


Isa, dalawa, tatlo
Kahit pa libu-libo
Barilin agad ninyo
Basta't protektahan ang buhay at dangal
Ng ating mga mamamayan 2X

Ulitin ang KORO

PAGSUSURI: Mapangahas ang mensahe ng awit na ito. Inilalarawan ang mga karanasan ng mamamayang Pilipino
sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Duterte. Matatandaan na ang pahayag na “Sagot Ko Kayo” ay minsang
nanag nabanggit ng Pangulo. Ang pinatutungkulan ng “kayo” ay ang mga militar/sundalo. Sinabi niya na kahit na
anoman ang gawin ng mga sundalo, sa ilalim ng Martial Law, mabuti man o masama ay sagot pa rin sila ni Duterte.
Nakalulungkot ang ganitong asersyon dahil pagpapakita ito na ang pangulo mismo ang kumukonsinte sa maling
paggawi ng mga sundalo.
Ikaw ang Awit
Titik at Musika: Danny Fabella
Boses at Gitara: Empiel Palma
Dagdag na Boses at Gitara: Jess Bartolome
Percussion: Mark Bambico

Igagawa kita ng isang kanta


At katulad mo walang kasingganda
Musikang lilikhain tinig mo na kay lambing
At laya ang tanging sigaw

Igagawa kita ng isang kanta


At katulad mo walang kasingganda
Hahanga at iibig ang bawat makarinig
Sa pag-awit ay sasabay

Igagawa kita ng isang kanta


Kahit sa gitna ng isang digma
Titik na kakathain mga ngiti mong kay tamis
Naghahatid ng pag-asa
Mga matang nagniningning
Na wari ba'y mga bituin
Kislap ng isang bagong umaga

Igagawa kita ng isang kanta


Aawitin ko hangga't may hininga
Yakap ang gitara ko at mga alaala mo
Himig ay laging buhay
Ganda n'yang natatangi sa bayan ay magsisilbi
Pagkat ang awit ay ikaw

PAGSUSURI: Patunay ang awit na ito na ang mga nakikibaka ay umiibig din. Bukod sap ag-ibig sa bayan, taglay
din nila ang pag-ibig sa kanilang mga kabiyak. Ang mga taong minamahal nila ay nagsisilbing inspirasyon nila
upang ipagpatuloy pa ang anumang nasimulan nila. Sa anumang pagkakataon ang ganitong uri ng pag-ibig ang
nagsisilbing lakas ng mga tao upang magpatuliy sa buhay at ipagpatuloy ang anumang adhikaing isinasakatuparan.
Para bang gasoline ito na siyang magpapaandar sa tao upang siya’y kumilos. Tunay ngang makapangyarihan ang
pag-ibig.
Anak ng Bayan
Titik at Musika: Danny Fabella
Boses: Pepot Suapero
Gitara: Danny Fabella
Gitara: Jess Bartolome
Flute: Jeri Torre

Inay, Itay ako po ay lilisan


Patutunguhan ko ay isang digmaan
Mag-aalay ako ng panahon at buhay
Para sa kalayaan

Inay, Itay 'wag kayong mag-alala


Inyong pagmamahal ay lagi kong madarama
Sa marami pang ama at inang mapagkalinga
Sa tahanang alay nila

Sa aking pag-alis kayo'y hindi rin mawawalan


Libong anak sa inyo'y laging magdaraan
Katulad ko rin, mabubuting anak ng bayan

Pagbati ko sa inyo'y ihahatid nila


Silang anak nyo rin at kasama
Kasabay ng mga ngiti sasabihin nila
Inay, Itay kumusta na

Inay, Itay sa ating paglalayo


Pinapangako kong hindi tayo mabibigo
Ang ating hanggad na malayang bukas
Ay tiyak na matutupad

Sa aking pag-alis kayo'y hindi rin mawawalan


Libong anak sa inyo'y laging magdaraan
Katulad ko rin, mabubuting anak ng bayan
Katulad ko rin, mabubuting anak ng bayan

PAGSUSURI: Ipinapakita ng awit na ito ang kinahahantungan ng mga taong mas pinipiling lumayo sa pamilya
upang ipaglaban ang kalayaan ng ating bayan. Kahanga-hanga ang ganitong uri ng mga tao. Sa kabila ng mga
pagsasakripisyong ginagawa nila, naroon pa rin ang maigting na pagmamahal nila sa bayan. Kadalasan nang isang
pangyayari ang nag-uudyok sa mga tao na kumilos. Sa halip na magsawalang0kibo, nadarama nilang dapat na silang
gumawa ng aksiyon. Gaya ng matagal ng sinasabi, nabubuhay tayo sa daigdig na itong ang iba ay may
kapangyarihan, malulupit at ang maliliit ay api-apihan. Mas laganap na ngayon ang korapsiyon at kawalang-
katarungan kaysa noon. Mulat na mulat na ang mga tao sa katotohanang sila ay binigo ng mga siistema ng pulitika at
ekonomiya.
'Sandaang Taon
Titik at Musika: Danny Fabella
Boses at Gitara: Empiel Palma
Boses: Bayang Barrios
Dagdag na Boses: Jess Bartolome
Violin: Jonathan Urbano at Paul Allesa
Contrabass: Joven Tidon

Pinagtagpo tayo ng hirap at dusa


Sa isang panahon ng pagsisimula
Pinagbuklod tayo ng pagsasamantala
At ng mithiing lumaya

Ang bawat pagsubok ay ating sinuong


Sa bawat labanan ay laging pasulong
Tayong manggagawa'y magkakapit-bisig
Sa iisang kilusa'y tumindig

'Sandaang taon ng dakilang pag-kakaisa


'Sandaang taon, mabuhay ang pakikibaka
'Sandaang taon ng ating kilusang paggawa
'Sanddang taon sa pananagumpay ng digma

Pinapanday tayo ng mga tunggalian


Lalong pinatatag ng mahabang karanasan
Lakas natin ay mapagpalayang kilusan
Na hahawak ng kapangyarihan

At ating kasama'y mga magbubukid


At ang sambayanang hindi madadaig
Dudurugin natin imperyelistang ganid
Hanggang lumang tanikala'y mapatid

'Sandaang taon ng dakilang pag-kakaisa


'Sandaang taon, mabuhay ang pakikibaka
'Sandaang taon ng ating kilusang paggawa
'Sanddang taon sa pananagumpay ng digma

'Sandaang taon mabuhay ang manggagawa


'Sandaang taon mabuhay ang manggagawa
'Sandaang taon mabuhay ang manggagawa

PAGSUSURI: Paninidigan at paglaban ng mga magsasaka ang pangunahing diwa ng awit na ito. Sinasariwa ang
mga pakikibakang ginawa ng mga magsasaka sa loob ng ilang taon. Ang pagkadismaya sa pamamalakad ng lipunan
ang pangunahing dahilan ng mga pagbalikwas ng mga manggagawang ito. Kung naniniwala lamang ang mga
manggagagwa na natutugunan ng local na pamahalaan at ekonomiya ang kanilang pangangailangan, hindi nila
maiisip ang pagpoprotesta. Kapag nakikita ng mga tao na tiwali at ‘di-makatarungan ang pamamalakad, malamang
na sumisiklab aaang kaguluhan s alipunan.
Isang Araw Aanihin
Titik at Musika: Levy Abad Jr.
Boses at Gitara: Levy Abad Jr.
Dagdag na Boses at Gitara: Empiel Palma
Dagdag na Boses: Jess Bartolome

Sabay nating itanim ang binhi


Ng Paglaya sa bayan
Sabay nating diligin ng pag-ibig
Nang agad ay umusbong
Isang araw ay aanihin natin ang tagumpay
At sabay nating tatamasahin ang masaganang buhay

Sabay nating itanim ang binhi


Ng katarungan sa bayan
Sabay nating diligin ng pag-ibig
Nang agad ay umusbong
Isang araw ay aanihin natin ang tagumpay
At sabay nating tatamasahin ang masaganang buhay

Kaya't wag kang titigil at susuko


Sa pagpunla at paghahasik ng kalayaan
Ang ating p[agkakaisa'y patibayin
At ang ating pagkilos ay lalong patibayin

Sabay nating itanim ang binhi


Ng Paglaya sa bayan
Sabay nating diligin ng pag-ibig
Nang agad ay umusbong
Isang araw ay aanihin natin ang tagumpay
At sabay nating tatamasahin ang masaganang buhay
Isang araw ay aanihin natin ang tagumpay
At sabay nating tatamasahin ang masaganang buhay
Isang araw ay aanihin natin ang tagumpay

PAGSUSURI: Ang binhing tinutukoy sa awit na ito ay ang paninindigan sa pagkamit ng kalayaan. Pangunahing
asersyon ng awit na ito na ang anumang dakilang gawa ng pagpapalaya ay nagmumula sa isang paninindigan, isang
matibay na paninindigan upang ipaglaban ang ating ganap na kalayaan. Ang pagtataguyod ng kalayaan ay hindi
maisasagawa kung isang tao lamang ang lumalaban para ditto. Ang kailangan ay ang kolektibong pagkilos ng mga
tao sa lipunan dahil sa loob ng pagkakaisa ng mga diwa at adhikain ay ang matibay na paninindigan na makamit ang
kalayaan.
Payatas
Titik at Musika: Danny Fabella
Boses at Gitara: Chikoy Pura
Percussion: Nards Reyes
Flute: Floro Sernande

Sinikap naming kami ay mabuhay


Ng payapa at marangal
Kumain man kami'y aming pinagpaguran
Walang kapwang ninanakawan
Walang kapwang nilalamangan

(Nguni't/Pagka't) lagi nyo kaming pinapalayas


Ang tahanan naim'y winawasak
Pinalipat-lipat kung saan-saan
Kung ilang beses na'y hindi ko na alam
At nangako kayo ng lupang tirahan
Ngunit ibinigay n'yo ay lupang libingan
Ng aming anak, asawa't magulang

Kami'y hindi na muling aasa


At maniniwala sa inyong salita
Di namin kailangan inyong pakikiramay
Kayong may sala't duguan ang kamay
Sa pagkawala ng maraming buhay

(Nguni't/Pagka't) lagi nyo kaming pinapalayas


Ang tahanan naim'y winawasak
Pinalipat-lipat kung saan-saan
Kung ilang beses na'y hindi ko na alam
At nangako kayo ng lupang tirahan
Ngunit ibinigay n'yo ay lupang libingan
Ng aming anak, asawa't magulang

Sinikap naming kami ay mabuhay


Ngunit kayo itong sa amin ay pumapatay
Mga tinig naming malaon ng sinupil
Ngayo'y naniningil at naghihimagsik
Sa sistemang ito ay naghihimagsik

PAGSUSURI: Inilalarawan ang pagkakasadlak ng mga taong pinalayas ng pamahalaan sa kanilang tirahan,
pinangakuan ng bagong matitirahan ngunit pinaasa lamang. Nakalulungkot ang ganitong mga sitwasyon sapagkat
indikasyon ito na ang kairapan at pananamantala ay patuloy pa ring nagiging problema ng ating lipunan. Matagal na
ang narrating ng ating pagsugpo sa kahirapan ngunit hanggang ngayon ay ‘di pa rin ito ganap na nawawaksi. Ang
masama pa’y sa halip na tulungan ng pamahalaan ang mga taong nasa laylayan, mas lalo pa nila itong hinahamak.
Ang Pagiging Babae
Titik at Musika: Empiel Palma
Boses: Cookie Chua
Gitara: Empiel Palma

Ang pagiging babae


Sa lipunang malupit
Ay puno ng hirap at sakit
Ang pagsasalita ay pag-aanyaya
Sa dahas na laging nakaamba
Hinagpis ay hindi maipakita

Ang babae at bayan ay


Laging nagdudurusa
Sa bangis ng pagsasamantala
Sa malalim na sugat ng pandarahas
Ay buhay ang katarungang hangad
Na ang maapi ay hindi na muli

Ang paghuhulagpos ay mayrong panahon


Ang panahon na iyon ay ngayon
Kasama ng bayan na magpupunyagi
Ang babae sa paglayang mithi

Ang pagiging babae


Ay pagiging mulat
Sa hindi pantay na pagtingin
Ang hindi pagkibo ay pag-aanyaya
Sa higit pang dahas at banta
Lakas natin ay ipakita

Ang paghuhulagpos ay mayrong panahon


Ang panahon na iyon ay ngayon
Kasama ng bayan na magpupunyagi
Ang babae sa paglayang mithi

PAGSUUSRI: Isang malungkot na katotohanan ang ipinapakita ng awit. Inilalarawan ng awit na ito ang kalagayan
ng kababihan sa lipunang Pilipino. Ang pagtatangi ay nasa bawat sulok na ng mundo. Lumilitaw na saanmang may
tao ay mayroong pagtatangi. Nakalulungkot mang isipin pero lantad ang dikotomiyang umiiral sa lipunan natin dahil
na rin sa mga pamantayang itinatakda ng mga tao. Palaging ipinapaalala ng kasaysayan na noon pa ma’y pagtatangi
na sa usapin ng kasarian. Gayunpaman, sa kabila ng mga gender bification na umiiral, mahalaga pa rin ang
pagpapalakas at pagpapahalaga sa mga kababaihan. Bahagi sila ng ating lipunan at sa anumang paraan, may ambag
din sila sa pagtataguyod ng ating bansa.
Mag-aaral
Titik at Musika: Danny Fabella
Boses at Gitara: Danny Fabella
Dagdag na Boses, Gitara, Shaker: Jess Bartolome
Cello: Patrick Sanchez
Harmonica: Jeri Torre

Kami ay narito upang matuto


Sa masa at kasamang tulad nyo
Turuan n'yo kaming maging mahusay
Na kasama at lingkod nitong bayan

Kami'y makikinnig sa inyong mga kwento


Bawat gintong aral isasapuso
Sa 'ming pagpapanday ng mga sarili
Patuloy kaming magpupunyagi

Dasig kami mga kauban


tungod 'ni-a kamong tanan
Dasig kami mga kauban
tungod 'ni-a kamong tanan

Tulungan n'yo kaming pangibabawan


Mga taglay naming kahinaan
Nang hirap pagsubok at kabiguan
Mapagsikapang pagtagumpayan

Bukas ang isipan, kami'y mag-aaral


Ng inyong mayayamang karanasan
At sa tama n'yong gabay ay isasabuhay
Pakikibaka ng sambayanan

Dasig kami mga kauban


tungod 'ni-a kamong tanan
Dasig kami mga kauban
tungod 'ni-a kamong tanan

Kami ay narito upang matuto


Ani-a kami aron mokat-on sa inyo.

PAGSUSURI: Nagsisilbing tinig ang awit na ito ng mga mag-aaral. Pagtatampok ng mga sentimyento ng mga mag-
aral sa kanilang guro ang pangunahing mamamalas. Katulad ng sinasabi sa awit, ang pangunahing layunin ng mga
mag-aaral sa kanilang pagpasok sa paaralan ang matuto. At ang mga guro, bilang pangalawang magulang ng mga
mag-aaral ay may responsibilidad na maisakatuparan ito. Tungkulin ng mga guro na palabasin at pagtibayin ang
kahusayan ng kaniyang mga mag-aaral, payabungin ang karanasan ng mga mag-aaral, magbahagi ng mga kaalaman
at karunungan sa buhay at siyempre, magpatimo ng pagmamalasakit at pagmamahal sa bayan.
Pahayagan
Titik at Musika: Empiel Palma
Flute: Jeri Torre

Paggising sa umaga narinig n'ya sa radyo


Balitang nakakatakot pakinggan
Hindi lang isang tao kundi marami pa
Ang magkakasamang pinaslang

Kulay dugo ang kulay ng bawat pahayagan


Tila isang laro na lamang ba ang pagpaslang
O, kayraming buhay na ang nasayang
Sa walang tigil na pagyurak
Sa pantaong karapatan

Hanggang kailan luluha ang mga naulila


Hanggang kailan sila magdurusa
Nasaan ang katarungan na hinihintay
Sa walang awang pagkitil ng buhay

Kulay dugo ang kulay ng bawat pahayagan


Tila isang laro na lamang ba ang pagpaslang
O, kayraming buhay na ang nasayang
Sa walang tigil na pagyurak
Sa pantaong karapatan

PAGSUUSRI: Timeless kung maituturing ang kantang ito dahil sa anumang panahon ay maaaring gamiting
paglalarawan ang awit sa isang lipuan lalo na sa bansa natin. Nakalulungkot mang isipin, pero ang papaslang ay
hindi na bago sa pandinig ng mga Pilipino. Walang araw na walang balitang pagpaslang ang itinatampok sa mga
news tv. Lalo na ngayon na mainit at matunog ang isyu ng Extra Judicial Killings. Ngunit ang malala, ang
malulungkot na pangyayaring tulad nito ay paulit-ulit na iniuulat sa buong daigdig. Ang pagpaslang ay isang
pagpapatunay na may mga taong hindi kumikilala ng karapatang pantao at patuloy itong niyuyurakan. Sa dami ng
bilang ng napapaslang sa bawat araw, para bang nagiging libangan na lang ang pagpatay. Nakababahala ang mga
bagay na ito kaya tayo bilang mga mamamamayan at bilang tao na rin, mahalagang kumilos tayo upang hindi na
magpatuloy ang ganitong uri ng maling paggawi.
Habang May Oras Pa
Titik at Musika: Danny Fabella
Boses at Gitara: Gary Granada
Gitara: Empiel Palma
Harmonica: Jeri Torre
Percussions: Nards Reyes

Habang may oras pa


Said na sikmura'y lagyan ng laman
Bigyang pahinga ang pagal na katawan
Habang may oras pa

Pagkat mamaya'y papagurin na naman


Pagkat mamaya'y gugutumin na naman
Sa paggawa

Habang may oras pa


Umupo sa harap ng hapag kainan
Likod mo'y ilapat sa papag-tulugan
Habang may oras pa

Pagkat bukas ay gigising na naman


Pagkat bukas ay alipin na naman
Ng kapital

Habang may oras pa


Kahit sandali ay iyong madama
ang pagiging tao
Habang may oras pa
Kahit sandali ay iyong madama
ang pagiging tao

Habang may oras pa


Sa piling ng iyong asawa't anak
Sa piling ng iyong kaibigang tapat
Kahit saglit magsaya
Habang may oras pa

Pagka't buhay mo'y puro sakripisyo


Parang hayop kung ikaw ay itrato
Ng iyong amo

Habang may oras pa


Kahit sandali ay iyong madama
ang pagiging tao
Habang may oras pa
Matutong lumaban at ipadama mo
na ikaw ay tao
Matutong lumaban at ipadama mo
na ikaw ay tao

PAGSUSURI: Ang awit na ito ay nagsisilbing paalala sa mga taong subsob sa pagtatrabaho. Hindi maiiwasang may
mga taong labis ang oras na itinutuon sa pagtatrabaho lalo na yaong may mga binubuhay na pamilya, may bagay na
gusting makamit o iba pang dailan. Ngunit sabi nga nila, “You Only Live Once” kaya dapat, “Live Life to the
Fullest.” Habang buhay pa tayo at habang may oras pa, bigyan natin ng pagkakataon ang sarili natin na magpahinga
at magsaya. Kapag hindi pa natin ito ginawa, baka magulat na lang tayo at babawiin na ng panginoon ang
ipinahiram niyang buhay ngunit hindi man lamang natin naranasang gawin ang mga gusto nating gawin dahil
masyado tayong nagbigay-tuon sa pagtatrabaho. Walang masama sa paiging masipag, ang masama’y ang sobrang
kasipagan na wala na sa oras ang siyang papatay sa atin.
Awit kay Bambi
Titik at Musika: Danny Fabella
Boses: Bayang Barrios
Gitara: Empiel Palma
Violin: Jonathan Urbano
Violin: Paul Allesa

'Wag mag-alala mahal na kasama


Sa 'yong pagkawala makakaasa ka
Hindi masasayang alay naming bulaklak
Hindi masasayang mga luhang pumatak
Hindi masasayang aming awit at tula
Ng paghanga at pagdakila

Pagkat bakas na 'yong iniwan


Ay aming susundan
Buong tatag kaming babangon
Sa 'yong kinabuwalan
Pagkat bakas na 'yong naiwan
Ay aming susundan
Libu-libo kaming susulong
Tungo sa kanayunan

'Wag mag-alala mahal na kasama


Sa 'yong pagkawala makakaasa ka
Hindi masasayang ang iyong nasimulan
Hindi masasayang buhay mong ipinuhunan
Hindi masasayang ang sandatang nabitawan
Muli namin itong tatanganan

Pagkat bakas na 'yong iniwan


Ay aming susundan
Buong tatag kaming babangon
Sa 'yong kinabuwalan
Pagkat bakas na 'yong naiwan
Ay aming susundan
Libu-libo kaming susulong
Tungo sa kanayunan

At sa piling ng masa
Muli naming madarama
Ang lambing mo't pagmamahal
Kasama

\
PAGSUSURI: Ang Awit Kay Bambi ay isang awit ng pasasalamat, pagdakila at pag-alala sa isang kaibigang
sumakabilang-buhay. Dama ang lungkot sa awitin dahil sa pagkawala ng isang kaibigan ngunit naroon pa rin ang
pag-asa. Hindi maiaalis ang katotohana na laat ng bagay ay may katapusan, maging ang buhay ng tao. Ngunit
katulad ng palaging sinasabi, ang katapusan ay indikasyon ng bagong simula. Kaya kahit na namamatayan tayo ng
mahal sa buhay, mahalaga pa rin na hindi tayo magbabad sa sobrang kalungutan sa matagal na panahon.
Ayaw Pailad
Titik at Musika: Ka Troy/Danny Fabella
Boses, Gitara: Rolly Wagas
Dagdag na Boses: Danny Fabella
Gitara, Percussions: Jess Bartolome
Percussions: Nards Reyes

Kung ang kalimbuan dugang pagpahimulos


Kung ang panaghi-usa dugang pagkabahin-bahin
Kung ang kalinaw labaw pang kagubot
Kung ilnang demokrasya ang kadenang gapos

Ayaw pagpailad sa ilang panglinla


Tan-awa ang buhat luyo sa istorya
Wala'y unod ang mga saad nila
Kay kitang mga kabus, kabus lang gihapon
Busa sa pagkigbisog kita magpadayon

Kung ang ilang bayani mao ang traidor


Kung ang manluluwas maoy tigpahimulos
Kung ang manggiluy-on maoy tigpangawlaw
Kung ang nag-alagad mao ang naghari
Naglahong Paraiso
Titik at Musika: Levy Abad Jr./Danny Fabella
Boses: Arlene Pabroquez
Gitara: Levy Abad Jr.
Gitara: Empiel Palma
Gitara: Jess Bartolome

Ako'y nananabik sa mga huning kaylambing


Ng mga mayang sa umaga sa akin ay gumigising
Di ko na masaksihan ang paghalik ng paru-paro
Sa mga rosas na kayganda at kaybango

Ako'y nananabik na umidlip sa ilalim


Ng punong nara na malabay na dati-rati'y kapiling
Ibig kong maramdaman sariwang ihip ng hangin
Mula sa kinagisnang bukirin

Nais kong manumbalik ang dating makulay na paligid


Sa puso ay muling pausbungin ang luntiang daigdig

Ako'y nananabik sa hiyaw at halakhak


Ng mga batang naglalaro sa damuhan
Pagka't pumanaw na ang sigla nila't galak
Sa pagkasira ng paraisong kinagisnan

Nais kong diligin ng pag-ibig ang nalalanta nang kagubatan


Ipamana sa kabataan ang kanyang biyaya't kagandahan
Nais kong manumbalik ang dating makulay na paligid
Sa puso ay muling pausbungin ang luntiang daigdig

PAGSUSURI: Sa habi ng bawat sa; lita sa awitin, damang-dama ang pagkakaroon ng pag-asa ng kompositor na
muling manumbalik ang ganda ng ating kalakasan. Binibigyan nito ng paglalarawan ang dating anyo ng ating
kalikasan nang hindi pa ito nasisira. Nakalulungkot mang isipin, pero dail sa patuloy na paghangad ng tao sa huwad
na kaunlaran, hindi naiiwasang maisakripisyo ang ating kalikasan. Ang nagiging resulta, unti-unting nanghihina ang
kalikasan. Nababago ang larawan ng bawat tanawin. Kaya’t ipinapaala ng awit na hindi pa huli ang lahat. May
panahon para muli nating ibalik ang ganda ng kalikasan na minsan nang itinuring na paraiso kung lahat tayo ay may
paninindigan upang isakatuparan ito.
Sierra Madre
(Sa Alaala ni Mariel Cabigan)
Titik at Musika: Red Crisostomo
Gitara at Boses: Levy Abad Jr.
Dagdag na Gitara,Boses: Empiel Palma
Percussions: Nards Reyes

Mula sa Sierra Madre humugos ang magsasaka


Nagpupuyos sa galit ang mga puso nila
Nananalasa ang mga berdugong militar
Sa kanayunan

Sinunog ng mga salot ang kanilang pananim


Tahana'y nirakrak ng mga buhong at salarin
Inagaw ang lupang kanilang sinasaka't
Maraming pinaslang at dangal na sinaling

Ang lupa, ang lupa, ang lupa ang dahilan


Habang iilang ang nagmamay-ari may himagsikan
Ang lupa, ang lupa, ang lupa ang dahila
Kung bakit may digmaang naglalagablab
Sa kanayunan

Kaya magsasaka ay nagbalikwas


Tinahak ang landas ng proletaryong bukas
At ang kanyang mga sigaw
Yumayanig sa kalunsuran

Ang lupa, ang lupa, ang lupa ang dahilan


Habang iilang ang nagmamay-ari may himagsikan
Ang lupa, ang lupa, ang lupa ang dahila
Kung bakit may digmaang naglalagablab
Sa kanayunan

Ang lupa, ang lupa, ang lupa ang dahilan


Habang iilang ang nagmamay-ari may himagsikan
Ang lupa, ang lupa, ang lupa ang dahila
Kung bakit may digmaang naglalagablab
Sa kanayunan

PAGSUSURI: Lantad ang tungaalian sa pagitan ng mga magsasaka at militar sa awit na ito. Itinatampok nito ang
kalagayan ng mga magsasaka mula sa panghahamak at paniniil ng mga militar sa pag-agaw ng kanilang lupang
sakahan. Ngunit may paglabang natatanaw sa awit na ito dahil mula sa mga liriko sa bandang huli ng awit,
mayroong indikasyon ng pagbalikwas ng mga magsasaka. Pinatutunayan lamang nito na hindi palaging ang mga
magsasaka ang dapat na nasasadlak, may karapatan din sila at may kakayahan silang ipaglaban kung ano ang tama.
Hanggang Sa Muli
(Sa Alaala ni Philip Lapa)
Titik at Musika: Levy Abad Jr.
Boses, Gitara: Levy Abad Jr.
Dagdag na Boses, Gitara: Empiel Palma
Harmonica: Jeri Torre

Ang daloy ng oras ay di mapatid


Ang wakas ng awitan palapit ng palapit
Kailan lang nagtagpo, ngayo'y maghihiwalay
Pinag-ugnay tayo ng mga awit ng buhay

Babaunin ko ang 'yong mga ngiti


At ang mga kuwento ng puso't paghihimagsik
At kung hindi man tayo muling magkita
Awitin natin ang awit ng paglaya

Hanggang sa muli mahal kong kasama


Hanggang sa muli sa pakikibaka
Ang mga hakbang natin ay magkaugnay
At wala tayong ibang hanggad kundi tagumpay

Kaya paalam na salamat sa iyo


Di ko malilimot ang mga araw na ito
Isang kabanata sa buhay, mga sandaling makulay
Ang mabuhay sa pag-ibig mo

Hanggang sa muli mahal kong kasama


Hanggang sa muli hanggang tagumpay
Ang mga hakbang natin ay magkaugnay
Pang-ugnay tayo ng mga kwento ng buhay

Hanggang sa muli mahal kong kasama


Hanggang sa muli hanggang tagumpay
Ang mga hakbang natin ay magkaugnay
Pang-ugnay tayo ng mga kwento ng buhay

PAGSUSURI: Ang Hanggang Sa Muli ay isang awit ng pasasalamat, pagdakila at pag-alala sa isang kaibigang
sumakabilang-buhay. Dama ang lungkot sa awitin dahil sa pagkawala ng isang kaibigan ngunit naroon pa rin ang
pag-asa. Hindi maiaalis ang katotohana na laat ng bagay ay may katapusan, maging ang buhay ng tao. Ngunit
katulad ng palaging sinasabi, ang katapusan ay indikasyon ng bagong simula. Kaya kahit na namamatayan tayo ng
mahal sa buhay, mahalaga pa rin na hindi tayo magbabad sa sobrang kalungutan sa matagal na panahon.
At Nakalimutan Ang Diyos
WUDS
Dito Ba Sa Mundo Ano ang tunay na kailangan
Ang magpakasarap at magkamit ng kayamanan
Anumang kayamanan na akala mo'y walang hangganan
Darating ang panahon yan ay iyong iiwan

Sobrang kapangyarihan sobrang kayamanan sobrang katakawan


Ilan sa mga mamamayan ang nagsisigawan mga ganid! mga ganid!

Maraming nagpapanggap na makabayan


Gamit ang salitang kalayaan
Ang demokrasya at kalayaan
Ay nakasalalay sa ating kakayahan
Na pigilin at kontrolin ang pagnanasa at mga gawain
Eh ano bang gusto mo na magpapasaya sa iyo
Ito ba ang karangyaan sa pamumuhay

Malaking bahay, Magarang kotse, Maraming Pera


Magandang asawa, May mga anak, magandang damit
Masarap na pagkain sikat na sikat kasi may pangalan
Pero nakalimutan ang diyos

Sobrang kapangyarihan sobrang kayamanan sobrang katakawan


Ilan sa mga mamamayan ang nagsisigawan mga ganid! mga ganid!

Maraming nagpapanggap na makabayan


Gamit ang salitang kalayaan
Ang demokrasya at kalayaan
Ay nakasalalay sa ating kakayahan
Na pigilin at kontrolin ang pagnanasa at mga gawain
Eh ano bang gusto mo na magpapasaya sa iyo
Ito ba ang karangyaan sa pamumuhay

Malaking bahay, Magarang kotse, Maraming Pera


Magandang asawa, May mga anak, magandang damit
Masarap na pagkain sikat na sikat kasi may pangalan
Pero nakalimutan ang diyos

PAGSUUSRI:
Ipinapaunawa ng awitin na ito na hindi maipagkakailang may mga taong sa kabila ng pagkakaroon ng mga
materyal na bagay ay hindi man lamang nagagawang magpasalamat sa Diyos. Maswerte ang tao dahil binigyan tayo
ng pagkakataon at karapatang magkaroon ng pag-aari sa material na bagay, ngunit kaakibat nito ay ang pasasalamat
sa Maylikha. Anuman ang relihiyong pinaninindigan mo, mahalaga pa rin ang pagtanaw ng utang ng loob at ang
pagiging mapagkumbaba. Hindi material na bagay ang tunay na sagot sa ganap na kaligayahan. Tunay na
kapanatagan, pagkakontento, at ang pagkakaroon ng magandang samahan sa kapuwa. Sa pangkalahatan, ang mga
taong materyalistiko ay sinasabing ‘di gaanong maligaya. Kahit ang mga nag-aambisyon pa lamang na yumaman ay
nagkakaproblema na sa kalusugan ng isip. Ito baa ng tunay na kayamanan? Dahil sa pagsisikap na yumaman,
lumilitaw na nagiging miserable ang mga tao. Sa huli, ipinapaalala lamang ng awit ha hindi dapat tayo maging
mapaghangad sa material na bagay dahil hindi ito ang sukatan ang tunay na kaligayahan ng buhay.

You might also like