You are on page 1of 1

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Sinimulang isulat ni Dr. Jose Rizal ang El Filibusterismo sa Calamba noong Oktubre 1887, ilang buwan pagkarating
niya sa sariling bayan mula sa Europa. Kalaban ng Pamahalaan ang kahulugan ng pamagat sa wikang Filipino. Habang
siya ay nasa London, ayon sa kanyang liham kay Ponce binago niya ang ilang kabanata ng nobela.

Nabalitaan niya ang nangyari sa kanyang pamilya at sa kanyang mga kaibigan na inaapi ng mga pari. Dumating na
marahil sa kanya ang pag-amin sa katotohanan na wala ng nalalabi sa mga Filipino kundi ang pagbabangon; na ang
suliranin ng mga magsasaka sa Calamba na kanyang ipinaglalaban ay hindi na malulunasan. At siya’y naghimagsik
gaya ng malimit niyang sinasabi sa kanyang mga kaibigan. Ayon sa kanyang kaibigang si Jose Alejandrino: “Ang isa sa
mga paksang malimit niyang banggitin sa amin ay kung paanong kami ay magkakaroon ng himagsikan sa Pilipinas,
at ang kanyang kuru-kuro hinggil dtto ay kanyang sinabi humigit kumulang sa ganito… HINDI KO PANGUNGUNAHAN
ANG ISANG REBOLUSYONG PIKIT-MATA AT WALANG PAG-ASANG MAGTAGUMPAY SAPAGKAT AAYAW KONG
BAGABAGIN NG AKING BUDHI NG GAYONG WALANG HABAG AT WALANG MAHIHITANG PAGDANAK NG DUGO;
NGUNIT AKO AY MAAASAHANG KASAMA NG SINUMANG MANGUNGUNA SA PAGHIHIMAGSIK SA PILIPINAS.”

At nabanghay ang katauhan ni Simoun. Ang kawalang pag-asa nang panahong iyon ni Rizal ay kinatawan ni Simoun at
ang kanyang lihim na pagnanais ng himagsikan ay sinagisag nito. Ang damdaming ito ang namayani sa kanya sa
pagsulat ng iba pang bahagi ng nobela sa Paris, Madrid, Biarritz hanggang matapos niya ito noong ika-29 ng Marso
1891 pagkalipas ng tatlong taon. Siya ay natuloy sa Genta, kng saan ay ipinalimbag niya ang aklat sa F. Meyer-Van
Loo Press noong 1981 sa kadahilanang mura ang pagpapalimbag dito. Nagpatuloy ang pagpapalimbag ng aklat at
upang magkaroon ng paunang bayad ay isinanla ni Rizal ang kanyang mga kagamitan. Noong ika-6 ng Agosto ang
pagpapalimbag ng aklat ay ipinatigil pagkat wala na siyang maibayad sa imprenta.

Sa kabutihang palad, nan gang lahat halos niyang pag-asa na mailathala ang aklat ay naglaho na ay dumating ang
hindi inaasahang tulong ni Valentin Ventura mula sa Paris. Noong ika-18 ng Setyembre, 1891 ang El Filibusterismo ay
natapos limbagin. Ang orihinal na manuskrito ay kanyang inihandog kay Ventura ay binigyan niya iyon ng isang kopya
na may lagda niya upang maipakita ang kanyang pagtanaw ng utang na loob.

Ang mga unang kopya ng aklat na nailimbag sa Genta ay ipinadala sa Hongkong patungo sa Pilipinas ngunit iyon ay
sinamsam ng mga may kapangyarihan sa pantalan ng Iloilo na naging dahilan sa pagtaas ng halaga ng aklat.

Ang nobela ay kanyang inihandog sa alaala ng mga paring sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora
(GOMBURZA) na binitay noong Pebrero 17, 1872 dahil sa kanilang pagnanais ng sekularisasyon. Ang nobela ay
naglalayong ang bayan ay magising at mag-alsa at hindi upang mangarap ng pagbabago. Kung sa Noli ay may
pangarap, may ganda, may damdamin ng pag-ibig, may-awa; sa Fili ay walang madarama kundi ibayong poot at
kapaitan na tumugib sa bawat munting bahagi ng aklat na bahagi ng bawat karansan ng mga mahahalagang tauhan
sa nobela. Layuning gisingin ang bayan upang makabangon laban sa pamahalaan. Kung ang Noli ay maituturing na
nobelang panlipunan, ang El Fili naman ay maiuuri bilang nobelang politikal. Sinasabing ang wakas ng nobela ang
maituturing na kahinaan ng ikalawang nobelang ito.

Sinasabing hiniram lamang ni Rizal ang banghay ng El Filibusterismo sa nobela ng Pranses na si Alexandre Dumas na
Le Comte de Monte Cristo (The Count of Montecristo). Bagamat sinasabi ng ilang kritiko na ang Fili ay pagpapatuloy
ng Noli, makikitang ang kaalaman ng isang ideya sa Noli ay nagbabago gaya na rin ng pagbabago ng mga tauhan at
layunin ng aklat.

You might also like