You are on page 1of 1

Kapanganakan ni Gabriela Silang

Isang pagpupugay sa ika-290 kaarawan ni Gabriela Silang: Ang simbolo ng


galing at katapangan ng Pilipina!
Marso 19, 1731 nang isinilang sa kapatagan ng Sta. Caniogan, Ilocos Sur si
Maria Josefa Gabriela Silang o mas kilala bilang Gabriela Silang.
Nang mamatay ang kaniyang ikalawang asawa na si Diego Silang mula sa
kamay ng mga Espanyol, magiting na pinamunuan ni Gabriela ang paghihimagsik laban
sa pamahalaang kolonya ng Espanya. Masidhing layunin nila ang palayain ang buong
bayan ng Ilocos mula sa kamay ng mga mapagsamantalang Kastila.
Tinaguriang Unang Babaeng Heneral si Gabriela Silang sa angking katapangan
at kagitingan nitong ibinuhos para sa kaniyang lupang tinubuan.
Ang alaalang inihabilin ng magiting na henerala ay patuloy na gumagabay sa
kababaihan at kalalakihan sa pakikibaka laban sa imperyalismo.
Sa araw na ito, ating isadiwa ang kadakilaan ng Unang Babaeng Heneral.
Nawa’y maging isang mabuting ehemplo at gabay si Gabriela sa pagharap natin sa
mga hamon ng buhay. Sabay-sabay nating ipagdiwang ang mga babaeng katulad ni
Gabriela na may angking pagpupunyagi at lakas, na handang mag-alay ng buhay sa
ikadadakila ng bansang kaniyang sinilangan.

You might also like