You are on page 1of 3

I.

POEM
“Mulat”
Tula ni: Bautista, John Ernest O.
Ang mga namulat ay hindi na muling pipikit,
Mula sa mga alaalang nag-bigay pasakit.
Kasaysayang hinubog nitong ating Bayani,
Sa ngalan ng kalayaan ng nakararami.

Binigyang dahilan upang ipaglaban,


Baluktot na gawi, ating wawakasan.
Boses ng bayan ang mamamayani,
Hubog at subok na nitong ating Bayani.

Sa tumutuligsa ay hindi magpapa-api,


Panghahawakan, biyayang gintong lahi.
Likas sa dugo ang pagiging makabayan,
Perlas ng silanganan ay pahahalagahan.

Sintang bayan ako'y nangangako,


Mga natutuna'y pagyayamanin ko.
Handang makipag-laban para sa kalayaan,
Hindi magtataksil hanggang kamatayan.
II. ESSAY

1. Explaining the meaning of your poem. Be direct to the point. Use one
paragraph only.

Ang tulang ito ay tungkol sa kung paano pinatunayan ni Jose Rizal na ang boses ng
bawat isa ay hindi boses lamang, kundi ito rin ay may kakayahan upang maipag-
laban ang ating mga karapatan, maging ating kalayaan.

2. Write in 1 paragraph how you were able to write the poem. Tell about your
experience, was it hard or easy to make? Where did you write it? How long
were you able to finish it? What habit do you have when writing, like drinking
coffee or listening to music, and the likes? Where did you get your ideas that
you used in the poem?

Hindi naging mahirap para sa akin na buuin ang tulang ito sapagkat ito ay base na
rin sa mga napagdaanan, natunghayan, at nasisilayang mga pangyayari na patuloy
pa ring kinakaharap ng henerasyong ito. Ang mga ideya sa tulang ito ay hango sa
mga Pilipino o maging mga kabataan na hindi natakot na gamitin ang kani-kanilang
boses upang maisakatuparan ang mga adhikain, hindi lamang pan-sarili kun'di pati
na rin ng nakararami. Bagamat maraming hadlang upang maisakatuparan ang mga
ito, marami pa rin ang handang makipag-laban alang-alang sa kapakanan ng ating
bansa.

3. What transformation happened in you at the end of this term? Examine


yourself, your heart, your personality. Compare your “Day 1-of-this-term” self
to who you are today. Were there changes in the way you love your country
now? Have you developed new habits? Describe these changes.

Tunay nga’ng hindi naging madaling kam’tin ang kung ano ang tinatamasa natin
ngayon bilang mga Pilipino. Iba’t-ibang karahasan, pagsubok, maging pang-aabuso
ang sinapit ng ating mga ninuno para lang maipaglaban ang ating karapatan at
kalayaan. Bilang isang simpleng mamamayan, marahil ay minsan na rin ako at ang
aking pamilya na namuhay sa kahirapan. Dulot nito, maaga akong namulat sa
reyalidad ng buhay. Marami akong natuklasan na sa wari ko ay may nangyayaring
hindi pagkakapantay-pantay. Bunga nito, marami pa rin sa ating mga Pilipino na sa
kabila ng pagiging likas na masipag at matiyaga, marami pa rin ang namumuhay sa
kahirapan. Sangay ng pagmamahal ko sa ating bansa, marapat lang na mabigyan
ng oportunidad ang bawat isa sa atin na magkaron ng magandang kinabukasan.
Marahil ay ito rin ang gustong mangyari ng ating pambansang bayani na si Jose
Rizal. Na kasabay ng pag-unlad ng ating bansa, kasabay din nito ay ang pag-unlad
ng kultura, kabuhayan, at kasaysayan nating mga Pilipino.
III. POSTER

You might also like