You are on page 1of 1

MGA TINIG NG KAHAPON

Isinulat ni: Ian Christopher Alfonso

Hindi nalalayo ang tinig ngayon ng mga kabataang nagmamahal sa Bayan sa naging
tinig ng mga kabataang nagmahal din sa Bayan noon--may mga sumigaw ng Kalayaan! na
sinabayan ng pagluhang dulot ng nag-uumapaw na nasang itakda ang sariling kapalaran at
kinabukasan; may nagbulalas ng Mabuhay!, ang pagbating sumalubong sa tagumpay ng
mga bayanit martir ng Kalayaan laban sa mga dayo: may nag-broadcast ng Bataan has
fallen na lalong nagpaalab sa maraming kabataan noon na bawiin ang Bayang nilupig; may
nagsiwalat ng tinig ng katotohanan, na lubhang umantig sa milyon-milyong kababayan na
magkaisa at tumindig para sa katarungang pambayan.

Kung bibigyan lang natin ng pagkakataon na muling balikan ang nakaraan,


makakikilala pa tayo ng iba pang kabataang nagmahal din sa bayan, sa ibat ibang yugto,
pagkakataon, at dako sa nakaraan. Huwag nating baliwalain ang minanang nakaraan; gabay
at liwanag ito, hindi isang asignaturang kailangang isaulo, ipasa o tingnan bilang walangsaysay na aralin mula emelentarya hanggang kolehiyo. Tuklasin ang kwento ng mga
nagmahal sa Bayan, sa pamamagitan ng pagsilip sa bintana ng nakaraan. Wala nang ibang
kikilala sa kasaysayang minana kundi tayo rin.
Ang kasaysayan ay katipunan ng mga salaysay na may saysay na isinasaysay para sa
nais pagsaysayan--at ito iyon, mga kabataang tagapagmana nitong Bayang dakila.
Pakinggan natin ang tinig ng nakaraan; namnamin ang bawat salitang walang-kupas;
ang nag-uugnay sa ating mga tinig sa naging tinig ng mga bayanit dakila sa lumipas na
panahon ay ang pahmamahal natin sa Bayan.
Reference:

Siul

(A commemorative publication for the 7


Formation Week Central Luzon)

th

Ten Outstanding Students of the Philippines Regional

Mga katanungan na dapat pag-isipan:


1. Ano ang mensahe ng sumulat ng sanaysay tungkol sa kasaysayan?
2. Ano ang mensahe ng sanaysay tungkol sa pag-aaral ng kasaysayan?
3. Ano ang iyong paboritong linya sa sanaysay? Bakit?

You might also like