You are on page 1of 2

REPLEKSYONG PAPEL 03

PANAHON NG KASTILA, PANAHON NG PAGBABAGONG-ISIP,


PANAHON NG MGA HAPONES AT PANAHON NG MGA AMERIKANO

Manalo, Felicity Mae T.

3H1

Maraming panahon ang dumaan, ngunit hindi natinag ang ating


panitikan. Walang lahi ang siyang nagpababa nito, walang dayuhan ang
nagpaluma ng gawi at kung paano ito nayayari. Sa paglipas ng mga panahon,
mas umusbong ang pantikan sa kaniya-kaniya nitong angking lakas at
sistema. Sa panahon ng mga kastila, nukas tayo sa katotohanang marami
tayong mga hiram na salita sa mga ito na hanggang ngayon ay atin pa ring
ginagamit, at nagging parte ng ating ps ang-araw-araw na pakikipag-usap.
Sa panahon ng pagbabagong-isip, sumilang ang mga bayani at mga taong
nagkaroon ng akda at ambag sa ating lipunan. Ilan sa kanila ay matunog at
popular pa rin hanggang sa ngayon dahil sa nilalaman nito at mga nais
iparating sa bayan. Sa panahon naman ng Hapon nagging malakas ang
atiung wika sapagkat pinagbawal nito ang mga sulating nakasulat sa Ingles.
Noong panahong ito, sinunog ang mga aklat na nakasulat sa Ingles upang
hindi mabahiran ng kanluraning idea ang ating panitikan. Sa panahon ng mga
Amerikano, nagwagi ang mga Pilipino laban sa mga kastila na sumakop sa
atin sa loob ng halos tatlong daang taon.

Maraming hamon ang kinaharap ng panitikan, ngunit sa huli ay


namayani ang mga ito upang maging kapaki-pakinabang pa rin hanggang sa
ngayon. Naging layunin ng mga Pilipino ang hangarin na magkaroon at
makamit ang kalayaan para sa bayan, dahil na rin ito sa marubdob na
pagmamahal sa bayan at pagtutol natin sa kolonyalismo at imperyalismo.
Bilang isang kabataan na may kamalayan sa ating panitikan, lubos na
nagging mahalaga sa akin ang mga aral na iniwan sa atin ng ating mga
ninuno at mga bayaning nakipagtintero sa ngalan ng Panitikan. May
pagkakaisa ang panitikan lalo’t pinagbuklod ito ng iisang adhikain na ating
ialay para sa ating bayan at mga mamayang Pilipino. Makibahagi!
Sa paglipas ng panahon, mas nagging makabuluhan sa akin ang
pagiging mapagmasid at mapag alam sa mga bagay-bagay ukol sa panitikan.
Mas nalalaman ang lawak na dapat unawain sa mga konteksto at nilalaman
na nais iparating ng mga sulat, akda at mga nailikha. Mas hinangaan ko ang
mga taong nasa likod ng masalimuot ngunit nakakabiliob na hamon sa kanila
ng mga panahon. Kung ako ang tatanungin o di kaya ay susubukin, paano ko
kaya ipaglalaban ang panitikan sa paraang kaya ko at malakas kong
ipagsisigawan gaano ito kahalaga at makapangyarihan na element o bahagi
ng kultura.

Isa lamang akong ganap na estudyante, naisip ko rin ang mga ito. May
lakas kaya ako ng loob upang maisiwalat ang ganda at husay ng mga akda, o
maitatago ko na lamang ang mga ito sa mga salita at parirala na pinili kong
pag-isahin at pagyamanin sa aking kakayahan? Ikaw? Bilang isang
nagkakaroon ng kamalayan sa mga nangyayari? Paano mo kaya masasabing
maisasalba mo rin ang atin? Siguro, may malaki at maliit na pamamaraan ang
mga tao upang itop ay gawin at isakatuparan, ngunit isa lang ang sigurado,
palaging may puwang sa puso ng mga Pilipino ang panitikan dahil sa ito ay
pinagyaman ng panahon at kasaysayan.

You might also like