You are on page 1of 16

IKAPITONG LINGGO

PAGSUSURI SA
NILALAMAN NG TULA NI
JOSE CORAZON DE
JESUS NA
“ANG BUHAY NG TAO”
PAGBABALIK-ARAL SA IKAANIM NA LINGGO:
PAGSUSURI SA NILALAMAN NG TULA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

“Sa patuloy na pag-uugnay ng tula sa kasalukuyan, makikita ang ilan sa


mensaheng nais iwan ni Jose Corazon De Jesus tulad ng mga mensaheng
magpapamulat sa ating kamalayan at tatagos sa ating pagkatao kaugnay
sa mga tanong na “Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa
mga manggagawa” at anuman ang sagot dito ay dapat umuugnay at
tumutungo sa ating gampanin na makiisa sa patuloy na pagbibigay ng
iba’t ibang mga mungkahing repormang maka-manggagawa sa Pilipinas
para sa patuloy nating paghahangad ng progresibong bansa.
IKAPITONG LINGGO

PAGSUSURI SA
NILALAMAN NG TULA NI
JOSE CORAZON DE
JESUS NA
“ANG BUHAY NG TAO”
A. ANG BUHAY NG TAO
ni JOSE CORAZON DE JESUS

Inakay na munting naligaw sa gubat, At gaya ng isdang malaya sa turing


ang hinahanap ko’y ang sariling pugad; ang langit at lupa’y nainggit sa akin;
ang dating pugad ko noong mapagmalas subalit sa isang mumo lang ng kanin,
nang uupan ko na ang laman ay ahas. ako’y nabingwit na’t yaon pala’y pain.

Oh! ganito pala itong Daigdigan, At sa pagkabigo’y nag-aral na akong


marami ang sama kaysa kabutihan; mangilag sa mga patibong sa mundo;
kung hahanapin mo ang iyong kaaway, kahit sa pagtulog, huwag pasiguro’t
huwag kang lalayo’t katabi mo lamang. bangungot mo’y siyang papatay sa iyo.

Ako’y parang bato na ibinalibag, Ang buhay ng tao ay parang kandila


ang buong akala’y sa langit aakyat; habang umiikli’y nanatak ang luha;
nang sa himpapawid ako’y mapataas, buhat sa pagsilang hanggang sa pagtanda,
ay bigat ko na rin ang siyang naglagpak. ang luksang libinga’y laging nakahanda.

Mahirap nga pala ang gawang mabuhay, Ang palad ay parang turumpong mabilog,
sarili mong bigat ay paninimbangan, lupa’y hinuhukay sa ininug-inog;
kung ikaw’y mabuti’y kinaiinggitan, subalit kung di ka babago ng kilos,
kung ikaw’y masama’y kinapopootan. sa hinukayan mo’y doon mahuhulog.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG BUHAY NG TAO”

I. PAMAGAT NG TULA:
ANG BUHAY NG TAO
II. PAKSA NG TULA
Ang Buhay ng tao ay naglalahad
ng mga iba’t ibang mukha ng
buhay tulad ng kung
ano/kailan/sino ang dapat bigyan
ng pagtitiwala. Idagdag pa ang
pakikipagsalaparan sa laban ng
buhay at pagkakaroon ng pagkilos
o kamalayan habang may buhay
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG BUHAY NG TAO”

III. Uri at Estilo ng Akda


a. Uring Pampanitikan
-Ito ay Tulang Liriko na Awit
o pandamdamin
b. Estilo ng Paglalahad
-Tradisyunal, matalinghaga
c. Simbolismong ginamit
Gubat (iba’t ibang pangyayari,
pagkatao, pananaw, kayang gawin)
- Bato (Bigat, Tatag, tibay, Dalahin)
- Langit/Lupa (Kontradiksyon sa buhay)
- Patibong (Pag-iingat, tiwala, tukso)
- Turumpo (Patuloy na pag-ikot ng
buhay)
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG BUHAY NG TAO”

IV. MENSAHE NG TULA:


Iba’t ibang mukha ng Buhay ng Tao

Oh! ganito pala itong Daigdigan, “subalit kung di ka babago ng


marami ang sama kaysa kabutihan; kilos, sa hinukayan mo’y doon
kung hahanapin mo ang iyong kaaway, mahuhulog”
huwag kang lalayo’t katabi mo lamang.

Ipinakita sa kanyang panahon Ito’y pahayag na nag-iiwan ng hamon


ang buhay ng mga Pilipino na na ang buhay ng tao sa kanyang
panahon ay isang laban ng
animo’y buhay na punong-puno
pagbalikwas sa mga katotohanang
ng pagtatrahidor at kung hindi man magandang tingnan, subalit
paanong magiging maingat o kailangan nang magkaroon ng
may pagkilos paninindigan para sa buhay.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG BUHAY NG TAO”

IV. MENSAHE NG TULA:


Iba’t ibang mukha ng Buhay ng Tao

Mukha ng Buhay ng Tao


(mga Pilipino) sa Politikal
na Aspeto
“Paano ka pa magiging masaya
kapag namulat ka na sa politikal na
katotohanang hindi masaya ang
pambansang buhay? Kaya sa
kadalasan, wala nang ginagawa
kahit may rekurso sa mismong
politikal para matransforma ang
panlipunang buhay.”
-Prof. Rolando Tolentino
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG BUHAY NG TAO”

IV. MENSAHE NG TULA:


Iba’t ibang mukha ng Buhay ng Tao

Mukha ng Buhay ng Tao (mga


Pilipino) sa pagiging Kolonyal
“Nang dumating ang mga taga-
Kanluran, may bagong
kapangyarihang kailangan nilang
kilalanin at dalanginan araw-araw
upang kanilang matiyak na sila’y
magtatamong-ginhawa sa kabilang
buhay.”
-Dr. Buenvenido Lumbera
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG BUHAY NG TAO”

IV. MENSAHE NG TULA:


Iba’t ibang mukha ng Buhay ng Tao
Mukha ng Buhay ng Tao
(mga Pilipino) kaugnay
sa Kahalagahan ng
Karapatang Pantao
“Kung ang mga tao ay
pagkakaitan ng liwanag, ng
tahanan, ng kalayaan, ng
katarungan, hindi sila
magkakaroon ng
magandang buhay.”
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG BUHAY NG TAO”

IV. MENSAHE NG TULA:


Iba’t ibang mukha ng Buhay ng Tao
At sa pagkabigo’y nag-aral na akong
“subalit kung di ka babago ng mangilag sa mga patibong sa mundo;
kilos, sa hinukayan mo’y doon kahit sa pagtulog, huwag pasiguro’t
mahuhulog” bangungot mo’y siyang papatay sa iyo.

makikita ang mensahe na iba’t ibang mukha ng buhay ng tao. Ang patuloy na
pagbibigay ng tiwala sa iba’t iba mang aspeto. Sa patuloy na paghahanap ng
kabutihan subalit may kaaway. Sa mga patibong na hihikit sa iyo para sa iyong
hukay. Sa patuloy na pakikipaglaban para sa buhay sa kabila ng iba’t ibang mukha
ng pain (pagtratrahidor) nito. Subalit sa bandang huli ay isang mapanghamon ang
sinabi ni Jose Corazon De Jesus na “Kung Di ka babago ng Kilos”, ito’y isang
mensahe mula noon hanggang ngayon na hawak natin ang ating buhay para
patuloy na kumilos at manindigan para sa kabutihan maging ito man ay sa
edukasyon, lipunan, pamilya, relihiyon, politika at iba pang bahagi ng ating buhay.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG BUHAY NG TAO”

IV. MENSAHE NG TULA:


Iba’t ibang mukha ng Buhay ng Tao
Mukha ng Buhay ng Tao (mga Pilipino) kaugnay sa pagiging
Martir/Pag-aalay ng Buhay para sa Bayan:
“Sa mga nakaraang buwan, wala akong natatanggap na kahit ano
mula sa Pilipinas. Iyan ang dahilan kung bakit iniisip kong bumalik
na roon sa lalong madaling panahon...Ganoon din dapat ang
gawin ni Graciano….dapat siyang bumalik sa Pilipinas at maging
handang mamatay para sa kanyang mga paninindigan...Kung ang
isang tao’y mamamatay, bayaan siyang mamatay sa sarili niyang
bayan, para sa kanyang bayan at sa ngalan ng kanyang bayan.”
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG BUHAY NG TAO”

IV. MENSAHE NG TULA:


Iba’t ibang mukha ng Buhay ng Tao

Mukha ng Buhay ng Tao (mga Pilipino)


kaugnay sa paraan kung paano mapaunlad
ang Pilipinas nang walang gaano o minimal
na tulong ng mga dayuhan:
“At ang mga minahan ay magluluwal ng ginto na
makababawas sa kahirapan, bakal para sa mga sandata, tanso,
tingga at uling. Siguro, muling bubuhayin ng bansa ang mga
industriya ng pangangalakal at pagbabarko na akmang-akma
sa kalikasan, kakayahan at natural na gawi ng mga
mamamayan.”
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG BUHAY NG TAO”

IV. MENSAHE NG TULA:


Iba’t ibang mukha ng Buhay ng Tao

Mukha ng Buhay ng Tao (mga Pilipino) kaugnay sa gampanin ng


kabataan sa pagpapaunlad ng bayan at pagbabagong
panlipunan:
“Nasaan ang mga kabataang handang mag-alay ng kanilang oras, ninanais,
at sipag para sa kapakanan ng bansa? Nasaan ang mga kabataang handang
magpatulo ng dugo upang hugasan ang gayong pagkamuhi [galit]? malinis at
walang bahid-dungis ang buhay na alay upang ang handog ay maging
karapat-dapat. Nasaan kayong mga kabataan na magpapatuloy ng buhay na
nagmula sa aming mga ugat, ang kalinisan ng mga ideyang naririto sa aming
isipan at ang sipag na nandirito sa aming mga puso. Naghihintay kami sa
inyo, mga kabataan!”
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE JESUS NA
“ANG BUHAY NG TAO”

V. Teorya/Dulog sa Panunuring Pampanitikan

TEORYA PALIWANAG
HUMANISMO -ang tao ay may sariling pagpapasiya sa mga nais
niya batay sa mga humuhubog at lumilinang sa
kanya
REALISMO -ang katotohanang sa buhay ay mga
kontradiksyon, may mga kaaway, may mga pain,
may mga pagtalo gayundin ang katotohanang may
iba’t iba’t mukha ang buhay.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG BUHAY NG TAO”

Sa Buhay ng tao ay hindi mawawala ang mga banggaan,


o mga kontradiksyon kaya mahalaga ang pagkakaroon
ng kaloobang buo at hindi pagagapi o patutumba sa
pakikipagsaparan sa buhay o sa iba’t ibang mukha ng
buhay. Gayundin ang patuloy na pagkilos o kamalayan
habang may buhay.

You might also like