You are on page 1of 42

IKAANIM NA LINGGO

PAGSUSURI SA NILALAMAN NG
TULA NI JOSE CORAZON DE JESUS
NA “MANGGAGAWA”
a. MANGGAGAWA
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

I. PAMAGAT NG TULA: MANGGAGAWA


II. PAKSA NG TULA
Ang tulang MANGGAGAWA ay para sa
mga nagpupunyagi at nag-aalay ng
kanilang pawis sa laban ng
industriyalisasyon sa Pilipinas o ang
mga tunituring nating bayani ng
lipunan – ang mga manggagawa.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

III. URI AT ESTILO NG AKDA


A. URING PAMPANITIKAN - Tulang Liriko na Oda
- Ito ay Tulang Liriko na Oda o kung panoong nagpapahayag o
nagpapakita ito ng paghanga o papuri sa isang bagay at ito na ay
ang paghanga sa mga manggagawa.
B. Estilo ng Paglalahad
- Sinikap ng may-akda na ipakita gamit ang matalinghaga at
masining na pagpapahayag ang bawat karanasan, damdamin at
gampanin ng manggagawa bilang mahalagang bahagi ng bansa
C Simbolismong Ginamit
- Martilyo (pwersa, kagamitan, pag-asa, tiyaga)
- Ilaw (linawag, saya, pag-asa, motibasyon, pangarap)
- Pawis (dangal, buhay, pangarap, pamilya, kakayahan)
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

IV. MENSAHE NG TULA


1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga manggagawa?
Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral
nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw,
nang lutuin mo ang pilak ang salapi ay lumitaw,
si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayon’y nagyayabang.

Mararamdaman sa tula kung gaano kalaki


ang nagging gampanin ng mga manggagawa
sa industriya ng isang bansa.. Hirap, pagod,
pagtitiya subalit may mga nagyayabang o
may ilan lamang nakikinabang o
nananamantala sa kanilang lakas-paggawa.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga manggagawa?
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga manggagawa?

Si Erwiana Sulistyaningsih, isang


kasambahay na Indonesian na
biktima ng pang-aabuso at di
pagpapasweldo sa Hong Kong
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga manggagawa?

Pila sa libreng distribusyon ng


prutas sa Greece noong 2013.25
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga manggagawa?

Kilos-protesta ng mga Singaporean


noong Abril 2014 laban sa pagdaraos
ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan
ng Pilipinas sa Orchard Road,
Singapore
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga manggagawa?

Mag-asawang Nepalese na
namatayan ng dalawang anak
na migranteng manggagawa sa
Malaysia at sa Qatar
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga manggagawa?

Anti-migranteng patalastas sa
mga van na pinondohan ng
gobyerno ng United Kingdom
noong 2013
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga manggagawa?

Anti-migranteng patalastas na pinondohan ng gobyerno ng


Australia noong Oktubre 2014.20
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga manggagawa?
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga manggagawa?
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga manggagawa?

Abot 5 milyong Pilipino ang mawawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic,


ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE). Ang bilang na ito ay
maaaring tumaas, depende kung gaano kalakas ang impact ng pandemic sa
ekonomiya ng Pilipinas sa mga susunod na buwan.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga manggagawa?
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

Ito ang iba’t ibang kagalayan ng ating mga


manggagawa sa loob at labas ng bansa. Ito
ay isang patunay lamang na ating
nasasaksihan kung sarado na nga ba ang
ating isip at damdamin para sa pakikibahagi
sa kalagayan nila. Gayundin ang patuloy
nating pagtingin sa mga manggagawa nang
may dangal dahil alam natin ang mga
pagsisikap nila at malaking bahagi o
gampanin sa pag-unlad ng ating bansa.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

IV. MENSAHE NG TULA


2. Mga mungkahing repormang maka-manggagawa sa Pilipinas
Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal
pagkat ikaw ang yumari nitong buong Kabihasnan…..
Bawat patak ng pawis mo’y yumayari ka ng dangal,
dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.

Mabuhay ka nang buhay na walang wakas, walang hanggan,


at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.

Pagpupugay para sa lahat ng mga manggagawa dahil sa kanilang


nagging mahalagang gampanin sa pag-unlad ng kabihasnan. Ang
pagpupugay ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga maaayos na
polisiya na uugnay sa pagtataas pa ng kalidad ng pamumuhay ng
mga manggagawang Pilipino.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
2. Mga mungkahing repormang maka-manggagawa sa Pilipinas
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
2. Mga mungkahing repormang maka-manggagawa sa Pilipinas

Ipatupad Ang Disenteng Sahod Para sa Mga Manggagawa


B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
2. Mga mungkahing repormang maka-manggagawa sa Pilipinas
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
2. Mga mungkahing repormang maka-manggagawa sa Pilipinas

• Gamitin Ang Pondo ng Bayan Para sa


mga manggagawa sa sector na
pangreporma sa Lupa, Modernisasyon
ng Agrikultura
MENSAHE NG MGA TULA KAUGNAY SA
KASALUKYAN
B. Mga mungkahing repormang maka-manggagawa, maka-magsasaka at
nagtataguyod sa Karapatang Pantao sa Pilipinas.
1. Wakasan ang Kontraktwalisasyon
2. Ipatupad Ang Disenteng Sahod Para sa Mga Manggagawa o Magsasaka
3. Babaan ang Income Tax at Gawing Progresibo ang Pagbubuwis
4. Gamitin Ang Pondo ng Bayan Para sa Reporma sa Lupa,
Modernisasyon ng Agrikultura
5. Isabansa Ang Mga Pangunahing Serbisyo at Industriya Gaya ng Kalusugan,
Transportasyon, Enerhiya Atbp.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

Tanong:Ano pa ang mga repormang nais mong ialay


para sa mga manggagawa?
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

Ito ang iba’t ibang mga mungkahing


repormang maka-manggagawa sa
Pilipinas. Ito ay sa kadahilanang
kailangang mabigyang pokus o linaw kung
ano ang mga panukala o detalye na
kailangang matugunan para sa kabutihan
ng buhay o kalagayan ng pamumuhay ng
ating kapwa manggagawa sa Pilipinas lalo
na’t sila ang may malalaking gampanin sa
patuloy na pagtakbo ng ating industriya.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE JESUS NA
“MANGGAGAWA”

V. Teorya/Dulog sa Panunuring Pampanitikan


TEORYA PALIWANAG
IMAHISMO -naiwan ang imahen ng martilyo, bakal bilang larawang
diwa na gamit ang mga ito ay may pwersang binibigay ang
mga manggagawa kaakibat ang kanilang buhay sa
kanilang paggawa
SOSYOLOHIKAL -kalagayan ng mga manggagawa sa lipunan
REALISMO -ang katotohanang silang mga manggagawa ang yumayari
ng buong kabihasnan. Totoong dapat natin silang dakilain
para sa lahat ng kanilang pagpupunyagi o pagpapakasakit
o pagpapawis para lamang sa kanilang mithiin sa buhay
at sa kapakanan ng bansa
“Sa patuloy na pag-uugnay ng tula sa kasalukuyan, makikita ang ilan sa
mensaheng nais iwan ni Jose Corazon De Jesus tulad ng mga mensaheng
magpapamulat sa ating kamalayan at tatagos sa ating pagkatao kaugnay sa
mga tanong na “Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga
manggagawa” at anuman ang sagot dito ay dapat umuugnay at tumutungo sa
ating gampanin na makiisa sa patuloy na pagbibigay ng iba’t ibang mga
mungkahing repormang maka-manggagawa sa Pilipinas para sa patuloy
nating paghahangad ng progresibong bansa.
LITERATURA KAUGNAY SA MGA MANGGAGAWA

• Maganda Pa Ang Daigdig (1955) at Daluyong (1962) - nailarawan ni Lazaro Francisco bilang
tagapagsalita ng mga magbubukid sa Gitnang Luzon, ang reyalidad ng isang sistemang piyudal —
ang pagkakatanikala sa lupa ng uring magsasaka at ang patuloy na pambubusabos ng mga
propiyetaryo sa mga ito.
• Mga Ibong Mandaragit (1959) at Luha ng Buwaya (1960) - katotohanang naghahantad sa piyudal
at neokolonyal na kalagayan ng bansa sa ilalim ng pagmamaniobra ng mga imperyalistang
Amerikano at ng lokal na burukratang mga kapitalista, gayundin ang patuloy na paninikil o opresyon
ng naghaharing-uri laban sa uring anakpawis. Malinaw na gusto ni Hernandez na itaas ang dignidad
at palayain ang uring manggagawa
• Aklasan ni Brigido Batungbakal - ang di makatarungang mga patakaran sa paggawa sa isang
pabrika ng tabako kaya nagwelga ang mga manggagawa at ginamit pang instrumento ng kapitalista
ang peryodismo sa pambubusabos sa mga trabahador.
• Gutom ni Clodualdo del Mundo - inilarawan niya ang inutil na katarungang panlipunan at ang
palsipikadong batas tungkol sa minimong pasahod.
LITERATURA KAUGNAY SA MGA MANGGAGAWA

• Dilim sa Umaga at Mga Kaluluwa sa Kumunoy ni Efren R. Abueg - inilarawan at


pinaghimagsikan ang patuloy na kaapiha’t kabusabusan ng masa na ang maliliit at
kakaning-itik ay palagi nang biktima ng inhustisya’t kasibaan ng naghaharing-uri.
• Sa Mga Aso sa Lagarian ni Mirasol, - inilarawan niya ang kalunuslunos na kalagayan
ng mga trabahador sa lagarian ng troso sa ilalim ng isang tusong negosyanteng Intsik
• Senka ni Virtusio - ipinakita rin ang panggigipit at pang-aapi ng naghaharing-uri sa
maliliit, ang pagbabanggaan ng mayaman at mahirap, ng mahina at maimpluwensiya.
• Kalampag ng mga Inuuod na Bituka ni Ely de Guzman - tinalakay ang dumating na
sandali ng pagkamulat sa buhay ng isang iskirol at kung paanong ang takot na magutom
ang humahadlang sa isang hindi mulat na manggagawa upang hindi umanib sa unyon
habang “umaasam sa tuyong buto na ibinibitin ng kompanya, sa tuyong buto na
tinatanghurang parang aso, sa tuyong buto na dapat lamang na mapasaatin.”
LITERATURA KAUGNAY SA MGA MANGGAGAWA

• Sa katipunan ng mga tulang Maliwalu at Iba Pang Tula ni San Juan, Duguang
Plakard at Iba Pang Tula ni Mangahas, at Hagkis ng Talahib ni Antonio - malinaw
na makikita ang kamalayang sosyal na nagtatangkang itaas ang dignidad ng uring
anakpawis, gayundin ang maaaring malawakang pagbabalikwas ng mga ito dahil sa
kaapihan.
• kuwentong Walang Lubay na Istasyon ng Pag-asa at Paghahanap ni Tomas
Agulto - naipakita ang aping kalagayan ng mga manggagawa sa palaisdaan.
• Sugat sa Dagat ni Cyrus Borja, naihantad ang di makatarungang nangyayari sa
buhay ng mga mangingisda — ng mga busero at mangangabog na, dahil sa
karalitaan, ay napipilitang sumama sa mga barotos sa pangingisda sa pamamagitan
ng dinamita sa malawak na karagatan.
Anupa’t hanggang umiiral ang inhustisya at pagsasamantala ng
naghaharing-uri laban sa nakararaming dayukdok na masa,
hanggang nagpapakabundat sa pawis at dugo ng mga
manggagawa ang salanggapang na mga kapitalista, hanggang
itinatanikala at ipinangungudnguran sa lupa ng mga tusong
propiyetaryo at asendero ang kinabukasan ng mga magsasaka,
hanggang ipinahihintulot at nagpapakasangkapan pa ang estado sa
pagkubabaw ng mapang-alipin at mapandambong na dayuhang
mga interes, hindi mahahadlangan ng mga multo at puwersa ng
reaksiyon ang paglaganap at pagsulong ng literatura ng uring
anakpawis tungo sa kanilang pambansang katubusan.
TULA PARA SA MGA MANGGAGAWA
TULA PARA SA MGA MANGGAGAWA
Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang Kritikal
na Pagsusuri sa Labor Export Policy (LEP) ng Pilipinas

Nagsimula bilang pansamantalang pang-ampat sa krisis ng


disempleyo (unemployment) noong dekada 70 sa ilalim ng
diktadurang Marcos ang Labor Export Policy (LEP), at mula
noo’y naging permanente na itong patakaran ng mga sumunod
na administrasyon sa Pilipinas. Ilalahad at susuriin ng artikulong
ito ang pinagmulan, debelopment, at mga kasalukuyang
problemang dulot o kaugnay ng LEP sa Pilipinas, sa lente ng
Teoryang Dependensiya.
Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang Kritikal
na Pagsusuri sa Labor Export Policy (LEP) ng Pilipinas

Saklaw ng kritikal na pagsusuring ito ang lahat ng


administrasyon mula sa diktadurang Marcos hanggang
sa ikalawang administrasyong Aquino na pawang
nagpatupad sa LEP bilang kasangkapan sa paglikha ng
trabaho. Sa pangkalahatan, ang artikulong ito’y ambag
din sa patuloy na intelektuwalisasyon ng wikang Filipino
sa larangan ng ekonomiks.
Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang Kritikal
na Pagsusuri sa Labor Export Policy (LEP) ng Pilipinas

Ang Labor Export Policy (LEP) sa Pilipinas ay ipinatupad ng diktadurang


Ferdinand Marcos sa pamamagitan ng Presidential Decree (PD) 442, na
mas kilala bilang Labor Code of 1974. Inilalahad ng Book One, Article 12
ng nasabing dekreto ang polisiya ng Estado kaugnay ng mga
manggagawa, na sumasaklaw sa pagpapalakas sa “network ng public
employment offices” at rasyunalisasyon ng “partisipasyon ng pribadong
sektor sa rekrutment at pagbibigay ng trabaho (placement) sa mga
manggagawa, sa loob ng bansa at sa ibayong dagat, upang
paglingkuran ang mga layunin ng pambansang kaunlaran...” at pagtiyak
sa “...maingat na pagpili sa mga manggagawang Pilipino para sa mga
trabaho sa ibayong dagat...”
Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang Kritikal
na Pagsusuri sa Labor Export Policy (LEP) ng Pilipinas
Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang Kritikal
na Pagsusuri sa Labor Export Policy (LEP) ng Pilipinas

Pang-aabuso, Pagsasamantala, Dependensiya at Karerang


Pabaratan
Sa pangkalahatan, mas nagbebenepisyo ang mga bansang
pinagtatrabahuhan ng OFWs kaysa sa Pilipinas, dahil ang bawat
migranteng Pilipino ay katumbas ng nawalang skilled na
manggagawa at propesyunal. Ang mga manggagawang ineeksport
ng Pilipinas sa mga bansang industriyal ang siya mismong utak at
katawan na kinakailangan ng bansa upang makaahon sa kahirapan
sa pamamagitan ng industriyalisasyon at modernisasyong
agrikultural
Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang Kritikal
na Pagsusuri sa Labor Export Policy (LEP) ng Pilipinas

Sa pangkalahatan, lalo lamang ikinadena ng LEP sa dependensiya ang


Pilipinas. Pinigilan at binansot nito ang pag-unlad ng mga industriya sa
Pilipinas sapagkat nahirati na ang gobyerno sa pagdepende sa remitans. Ang
kaso ng Pilipinas ay kahawig din ng sitwasyon ng Nepal na isa ring bansang
lubos na nakadepende sa remitans. Naging salbabida ng ekonomiya ng
Pilipinas ang remitans ng OFWs ngunit higit naman ang pakinabang ng mga
bansang destinasyon ng OFWs sa LEP. Pinalalabnaw ng samu’t saring
panlipunang epekto ang mga benepisyong nakukuha ng bansa sa
pamamagitan ng LEP. Gayundin, maraming OFWs ang nabibiktima ng pang-
aabuso at pagsasamantala ng mga employer sa mga bansang destinasyon ng
mga migranteng manggagawa.
Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang Kritikal
na Pagsusuri sa Labor Export Policy (LEP) ng Pilipinas

Sa lente ng Teoryang Dependensiya, hinihikayat ang


mga awtoridad ng Pilipinas at iba pang bansang Third
World na suriing mabuti at malao’y ibasura ang
kanilang LEP, at humanap ng alternatibong landas
patungong kaunlaran na hindi na magsasakripisyo sa
yamang tao ng bansa, sa altar ng tubo at ginhawa para
sa mayayamang bansang mapagsamantala.
“Sa patuloy na pag-uugnay ng tula sa kasalukuyan, makikita ang ilan sa
mensaheng nais iwan ni Jose Corazon De Jesus tulad ng mga mensaheng
magpapamulat sa ating kamalayan at tatagos sa ating pagkatao kaugnay sa
mga tanong na “Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga
manggagawa” at anuman ang sagot dito ay dapat umuugnay at tumutungo sa
ating gampanin na makiisa sa patuloy na pagbibigay ng iba’t ibang mga
mungkahing repormang maka-manggagawa sa Pilipinas para sa patuloy
nating paghahangad ng progresibong bansa.

You might also like