You are on page 1of 32

IKAANIM NA LINGGO

PAGSUSURI SA
NILALAMAN NG TULA NI
JOSE CORAZON DE
JESUS NA
“MANGGAGAWA”

(Unang Bahagi)
PAGBABALIK-ARAL SA IKALIMANG LINGGO:
PAGSUSURI SA NILALAMAN NG TULA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ISANG PUNONGKAHOY”

-Ang mga teorya/dulog sa panunuring pampanitikan


-“Ang Isang PunongKahoy” bilang repleksyon kaugnay sa nalalapit
na paglisan ng isang tao sa mundo. Ito’y pagsipat sa danas ng
tao—sa kanyang paniniwala, mga karanasan, at pakikisangkot sa
kalagayan ng bayan gayundin ang pagtanaw sa Hinaharap—ang
kanyang mga tula bilang bantay at liwanag para sa Progresibong
Lipunan
IKAANIM NA LINGGO

PAGSUSURI SA
NILALAMAN NG TULA NI
JOSE CORAZON DE
JESUS NA
“MANGGAGAWA”

(Unang Bahagi)
a. MANGGAGAWA
• Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday
alipatong nagtilamsik, alitaptap sa karimlan;
mga apoy ng pawis mong sa Bakal ay kumikinang
tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan.
• Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral
nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw,
nang lutuin mo ang pilak ang salapi ay lumitaw,
si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayon’y nagyayabang.
• Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang,
kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan
mula sa duyan ng bata ay kamao mo ang gumalaw
hanggang hukay ay gawa mo ang krus na nakalagay.
• Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal
pagkat ikaw ang yumari nitong buong Kabihasnan…..
Bawat patak ng pawis mo’y yumayari ka ng dangal,
dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.
• Mabuhay ka nang buhay na walang wakas, walang hanggan,
at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”
I. PAMAGAT NG TULA: MANGGAGAWA

II. PAKSA NG TULA

Ang tulang MANGGAGAWA ay


para sa mga nagpupunyagi at
nag-aalay ng kanilang pawis
sa laban ng industriyalisasyon
sa Pilipinas o ang mga
tunituring nating bayani ng
lipunan – ang mga
manggagawa.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

III. URI AT ESTILO NG AKDA


A. URING PAMPANITIKAN - Tulang Liriko na Oda
- Ito ay Tulang Liriko na Oda o kung panoong
nagpapahayag o nagpapakita ito ng paghanga o
papuri sa isang bagay at ito na ay ang paghanga sa
mga manggagawa.
B. Estilo ng Paglalahad
- Sinikap ng may-akda na ipakita gamit ang
matalinghaga at masining na pagpapahayag ang
bawat karanasan, damdamin at gampanin ng
manggagawa bilang mahalagang bahagi ng bansa
C Simbolismong Ginamit
- Martilyo (pwersa, kagamitan, pag-asa, tiyaga)
- Ilaw (linawag, saya, pag-asa, motibasyon,
pangarap)
- Pawis (dangal, buhay, pangarap, pamilya,
kakayahan)
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”
IV. MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga manggagawa?

Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral


nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw,
nang lutuin mo ang pilak ang salapi ay lumitaw,
si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayon’y nagyayabang.

Mararamdaman sa tula kung gaano


kalaki ang nagging gampanin ng mga
manggagawa sa industriya ng isang
bansa.. Hirap, pagod, pagtitiya subalit
may mga nagyayabang o may ilan
lamang nakikinabang o nananamantala
sa kanilang lakas-paggawa.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga
manggagawa?
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga
manggagawa?

Si Erwiana Sulistyaningsih, isang


kasambahay na Indonesian na
biktima ng pang-aabuso at di
pagpapasweldo sa Hong Kong
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga
manggagawa?

Pila sa libreng distribusyon ng


prutas sa Greece noong 2013.25
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga
manggagawa?

Kilos-protesta ng mga Singaporean


noong Abril 2014 laban sa
pagdaraos ng pagdiriwang ng Araw
ng Kalayaan ng Pilipinas sa
Orchard Road, Singapore
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga
manggagawa?

Mag-asawang Nepalese na
namatayan ng dalawang anak
na migranteng manggagawa sa
Malaysia at sa Qatar
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga
manggagawa?

• Anti-migranteng patalastas
sa mga van na pinondohan
ng gobyerno ng United
Kingdom noong 2013
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga
manggagawa?

Anti-migranteng patalastas na pinondohan ng gobyerno


ng Australia noong Oktubre 2014.20
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga
manggagawa?
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga
manggagawa?
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga
manggagawa?

Abot 5 milyong Pilipino ang mawawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic,


ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE). Ang bilang na ito ay
maaaring tumaas, depende kung gaano kalakas ang impact ng pandemic sa
ekonomiya ng Pilipinas sa mga susunod na buwan.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga
manggagawa?
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

Ito ang iba’t ibang kagalayan ng ating


mga manggagawa sa loob at labas ng
bansa. Ito ay isang patunay lamang na
ating nasasaksihan kung sarado na nga
ba ang ating isip at damdamin para sa
pakikibahagi sa kalagayan nila.
Gayundin ang patuloy nating pagtingin
sa mga manggagawa nang may dangal
dahil alam natin ang mga pagsisikap nila
at malaking bahagi o gampanin sa pag-
unlad ng ating bansa.
IKAANIM NA LINGGO

PAGSUSURI SA
NILALAMAN NG TULA NI
JOSE CORAZON DE
JESUS NA
“MANGGAGAWA”

(Ikalawang Bahagi)
PAGBABALIK-ARAL SA IKAANIM NA LINGGO/UNANG BAHAGI:
PAGSUSURI SA NILALAMAN NG TULA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

Unang Bahagi ng Pagsusuri:


-Pagbasa ng Tula
-Pamagat ng Tula
-Paksa ng Tula
-Uri at Estilo ng Akda
-Mensahe ng Tula
1. Sarado na ba ang ating isip at
damdamin para sa mga manggagawa?
IKAANIM NA LINGGO

PAGSUSURI SA
NILALAMAN NG TULA NI
JOSE CORAZON DE
JESUS NA
“MANGGAGAWA”

(Ikalawang Bahagi)
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”
IV. MENSAHE NG TULA
2. Mga mungkahing repormang maka-manggagawa sa
Pilipinas
Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal
pagkat ikaw ang yumari nitong buong Kabihasnan…..
Bawat patak ng pawis mo’y yumayari ka ng dangal,
dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.

Mabuhay ka nang buhay na walang wakas, walang hanggan,


at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.

Pagpupugay para sa lahat ng mga manggagawa dahil sa


kanilang nagging mahalagang gampanin sa pag-unlad ng
kabihasnan. Ang pagpupugay ay sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga maaayos na polisiya na uugnay sa
pagtataas pa ng kalidad ng pamumuhay ng mga
manggagawang Pilipino.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
2. Mga mungkahing repormang maka-manggagawa sa Pilipinas
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
2. Mga mungkahing repormang maka-manggagawa sa Pilipinas

Ipatupad Ang Disenteng Sahod Para sa


Mga Manggagawa
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
2. Mga mungkahing repormang maka-manggagawa sa Pilipinas
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
2. Mga mungkahing repormang maka-manggagawa sa Pilipinas

• Gamitin Ang Pondo ng Bayan Para sa mga


manggagawa sa sector na pangreporma sa
Lupa, Modernisasyon ng Agrikultura,
Makabansang Industriyalisasyon at
Nasyonalisasyon ng Mga Pangunahing
Industriya at Serbisyo
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

Tanong:Ano pa ang mga repormang nais mong ialay


para sa mga manggagawa?
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

Ito ang iba’t ibang mga mungkahing


repormang maka-manggagawa sa
Pilipinas. Ito ay sa kadahilanang
kailangang mabigyang pokus o linaw
kung ano ang mga panukala o detalye na
kailangang matugunan para sa kabutihan
ng buhay o kalagayan ng pamumuhay ng
ating kapwa manggagawa sa Pilipinas
lalo na’t sila ang may malalaking
gampanin sa patuloy na pagtakbo ng
ating industriya.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE JESUS NA
“MANGGAGAWA”

V. Teorya/Dulog sa Panunuring Pampanitikan


TEORYA PALIWANAG
IMAHISMO -naiwan ang imahen ng martilyo, bakal bilang
larawang diwa na gamit ang mga ito ay may
pwersang binibigay ang mga manggagawa
kaakibat ang kanilang buhay sa kanilang paggawa
SOSYOLOHIKAL -kalagayan ng mga manggagawa sa lipunan
REALISMO -ang katotohanang silang mga manggagawa ang
yumayari ng buong kabihasnan. Totoong dapat
natin silang dakilain para sa lahat ng kanilang
pagpupunyagi o pagpapakasakit o pagpapawis
para lamang sa kanilang mithiin sa buhay at sa
kapakanan ng bansa
KONGKLUSYON
“Sa patuloy na pag-uugnay ng tula sa kasalukuyan, makikita ang ilan sa
mensaheng nais iwan ni Jose Corazon De Jesus tulad ng mga mensaheng
magpapamulat sa ating kamalayan at tatagos sa ating pagkatao kaugnay
sa mga tanong na “Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa
mga manggagawa” at anuman ang sagot dito ay dapat umuugnay at
tumutungo sa ating gampanin na makiisa sa patuloy na pagbibigay ng
iba’t ibang mga mungkahing repormang maka-manggagawa sa Pilipinas
para sa patuloy nating paghahangad ng progresibong bansa.

You might also like